Kate's POV
Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng opisyal kaming maghiwalay ni Lance. Tinupad ko ang napagkasunduan namin ng mama niya. Hindi na ako muling nagpakita pa kay Lance. Wala na rin akong kontak sa kanya sa cellphone man o maging sa social media. Mahirap itong gawin para sa akin pero pinipilit kong kayanin ang lahat. Mabuti na lang at hindi rin ako mag-isa sa mga panahong ito. Alam na nila Charm at Lex ang tungkol sa nangyari. At nagalit talaga sila kay Lance. Pero sa bandang huli ay mas pinili nilang huwag nang makialam. Palagi nila akong dinadalaw sa bahay na nilipatan namin ni mama. Nakalipat na kasi kami sa isang maliit na apartment malapit lang sa trabaho ko. Kahit paano ay unti-unti ng bumabalik sa dati ang buhay ko. Pero sa puso ko alam kong may kulang pa rin.
"Kate nakausap ko na ang supervisor mo. Siya ang makakasama niyo sa meeting mamaya. Make sure you're on time. Presidente natin ang kakausapin niyo." Paliwanag ng Department Head namin.
"Yes Sir. Nakahanda na po kami. Ang hinihintay ko na lang ay ang approval ni Sir Kiel para sa susunod na project na gagawin namin." Paliwanag ko.
"Good. Just do your best. Remember may performance evaluation tayo ngayong buwan." Paalala niya.
"Yes Sir." Sagot ko.
Simula ng maging parte na kami ng Vergara Corporation ay mas lalong naging busy sa loob ng opisina namin. Natutuwa ako dahil wala ni isa man sa amin ang nawalan ng trabaho. At isa pa si Kiel pa rin ang may hawak sa kompanya namin. Pero hindi na ako makapalag pa sa tuwing nakikipagkita sa akin si Kath. Sa loob ng dalawang linggo ay ilang beses na niya akong niyayang magshopping. Hindi naman ako makatanggi dahil siya na ang big boss namin. Nakakatuwa nga lang siya dahil minsan ay tinatakasan niya ang mga bodyguards niya para lang makapasyal kaming dalawa. She's so intimidating but she's also charming. She's a genuis but sometimes she acts spontaneously. She's so rich but she's also very considerate. She is really an amazing woman. Para siyang girl version ni Kiel. Pareho silang may mabuting puso.
"Kate pasuyo naman ako nito. Kanina pa ko hindi matapos tapos sa ginagawa ko." Utos ni Rhea. Siya ang isa sa makakasama namin sa bago naming project.
"Sige akin na yan." Kinuha ko sakanya ang mga files at isa isa kong inayos ang mga ito.
Simula ng pumutok ang balita na magiging bahagi na kami ng isang malaking korporasyon ay mas lalo kaming naging busy. Sunod sunod ang mga meetings namin at halos araw araw ay palaging may tumatawag sa opisina namin. Minsan nga ay natataranta na ako dahil sa mga naririnig kong tunog ng telepono. Heto nga at habang nag aayos ako ng mga files ay tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong sinagot.
"Hello?" Bungad ko. Hawak ko sa kaliwang kamay ko ang cellphone ko. Habang ang isang kamay ko ay nag-aayos ng mga papel.
"Hello?" Pag-uulit ko ng wala akong marinig na magsalita. Gusto ko na sanang ibaba ang tawag ng sa wakas ay nagsalita na rin siya.
"At last you finally answer my call." Sabi niya. Familiar sa akin ang boses ng lalaking ito. Tinignan ko ang cellphone ko at nakita ko ang unknown number sa screen. Napakunot ako ng noo.
"Sino to?" Tanong ko. I heard him sighed before he speaks again.
"It's been only two weeks and you already forgot my voice." Pagkasabi niya non ay agad kong nabitawan ang papel na hawak ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang taong kausap ko ngayon ay walang iba kundi si Lance.
"A-anong kailangan mo? Bakit ka napatawag?"
Nagsisimula na akong mag move on. Pero narinig ko lang ang boses niya ay heto na naman tong puso ko. Kumakabog na naman ng malakas dahil sa tuwa.
"I wanted to see you. Let's have some lunch today."
"I can't do that now. Wala na tayo Lance. At sa pagkakaalam ko ikaw ang may gustong maghiwalay tayo."
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Short StorySa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...