Chapter 1

658 23 22
                                    

Kate's POV

Nagmadali akong pumunta sa ospital matapos kong mabalitaan ang nangyari kay Lance. Hindi ko pa alam ang buong detalye. Sa ngayon ang gusto ko lang ay makita siya at alamin kung ano ang kalagayan niya.

Napahinto ako sa pagtakbo ng matanaw ko sila mama. Kasama niya sila Lex at ang pamilya ni Lance.

"Mama." mahinang sabi ko. 

Napatingin naman silang lahat saakin.
Kitang kita ko ang mga luha sa mata ng mama ni Lance habang yakap yakap siya ng asawa niya. Naroon din si Steph at umiiyak sa tabi nilang mag asawa. 

Agad naman akong nilapitan nila mama.

"Anak ano bang nangyari sayo? Saan ka ba nagpunta at hindi ka nakarating kanina sa party?" tanong ni mama saakin. 

"Mamaya na ako magpapaliwanag Ma. Ano pong nangyari? Ano nang lagay ni Lance?" hirap na hirap ako sa pagsasalita gawa na rin ng pagod dahil sa pagtakbong ginawa ko kanina. 

"Hindi ko rin alam anak. Ang sabi lang saamin ay malubha ang lagay niya ngayon. Nasa loob pa siya at inooperahan. Nandito lang kami at naghihintay na matapos ang operasyon niya." paliwanag ni mama. 

Dahan dahan naman akong lumapit sa pamilya ni Lance. Bukod sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay naroon rin ang takot ko.  Takot na baka hindi ko na muling makita pa si Lance.

"Ma-mama I'm so-"

Isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko na siyang ikinagulat ko. Dahilan para mapatigil ako sa pagsasalita.

"How dare you do this to my son? Minahal ka niya. Binigay niya sayo ang lahat. Pero anong ginawa mo? Kasalanan mo ang lahat ng ito!"

Agad naman kaming nilapitan nila mama at inawat ang mama ni Lance sa tangkang pagsampal ulit saakin.

"Huwag mong sasaktan ang anak ko." pagtatanggol saakin ni mama. 

"Kate!"

Lahat kami ay natigilan ng marinig namin ang boses na yon. 

"May nakalimutan ka sa loob ng kotse ko." dagdag pa niya ng makalapit siya saamin. 

Ngayon mas naging magulo ang sitwasyon. Ng dahil sa pagpunta niya dito ay lalong tumindi ang galit saakin ng pamilya ni Lance. 

"Ikaw? Ikaw ang kasama ni Kate? How could you do this to my son!" madiing sabi ng mama ni Lance sa lalakeng kadarating lang. 

Tahimik lang ang papa ni Lance pero bakas sa mukha nito ang galit.

"Please makinig po kayo saakin. Wala kaming ginawang masama ni Kiel. Magpapaliwanag po ako mama."

"Umalis ka na! Umalis na kayo!" pagtataboy niya saakin. 

Unti unting dinudurog ang puso ko. Habang pinagtatabuyan ako ng mama ni Lance ay walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. 

Mabigat man sa loob ko ay umalis kami sa lugar na iyon.

Wala akong ibang gusto kundi ang maging maayos ang kalagayan ni Lance. At kahit minsan hindi ko hinangad na mapahamak siya.

Ito ang unang pagkakataon na nakita kong nagalit ang mama niya. 
Ito rin ang unang beses na nasaktan niya ako at nasigawan. 
Pero maliban sa sampal ay mas masakit ang mga salitang binitawan niya bago kami umalis ng tuluyan sa ospital. 

"Sana hindi na lang ikaw ang minahal ni Lance. Sana hindi na lang kayo nagkakilala. Siguro kung nangyari yon hindi sana ganito ang lagay niya ngayon."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at humagulgol ako pagkalabas namin sa ospital. 
Inalalayan naman ako nila Lex at mama dahil wala na akong lakas para maglakad pa. Si papa naman ay kasalukuyang nag aabang ng masasakyan naming taxi. Si Kiel ay kanina pa nakaalis dahil sa pagtataboy ko sakanya.

Mas lumala ang sitwasyon dahil sakanya. Kung bakit naman kasi sinundan pa niya ako sa loob ng ospital. Kung hindi sana siya sumunod hindi sana nadagdagan ang galit saakin ng pamilya ni Lance.

Gusto kong isisi kay Kiel ang lahat. Pero hindi ko magawa. Dahil sa huli ang dahilan ng lahat ng ito ay ako. Ako lang at wala ng iba. 

Araw araw akong dumadalaw sa ospital. Matapos ang operasyon ni Lance ay nilipat na siya sa isang private room. Gustong gusto ko na siyang makita. Gustong gusto ko na siyang makausap. Pero hindi pwede. Dahil mahigpit na utos ng pamilya niya na walang sinuman ang pwedeng dumalaw sakanya maliban sa mga kamag anak nila at sa ilang mga kakilala. Kaya naman nakuntento na lang ako sa pagpunta sa ospital at nakikibalita sa mga nurse na nasa duty.

"Kate?"

Napalingon ako nang tawagin ako ni Steph. Nakaupo ako sa waiting area sa loob ng ospital ng lapitan niya ako.

"Nandito ka para kay Lance diba?" tanong niya.

Bahagya akong tumango. Hindi ko magawang tumingin ng diretso sakanya ngayon. Alam ko naman na isa rin siya sa mga taong may sama ng loob saakin dahil sa nagawa ko ng gabing yon. Noong gabing naaksidente si Lance.

"Halika samahan mo ko."

Pagkasabi niya non ay agad niya akong hinila at hinatak sa kung saang lugar.

"Te-teka saan mo ko dadalhin?" tanong ko habang hila hila pa rin niya ang kamay ko. 

"Sa lugar na gusto mong puntahan."

Nakaramdam ako ng kaba sa sagot niya. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko nang huminto kami sa pintuan ng isang kwarto. 

"Ito ang kwarto ni Lance. Halika pumasok ka." alok niya saakin. 

"Pe-pero bawal-"

"Wala namang ibang tao dito. Ako lang ang bantay ni Lance ngayong araw. Kaya wag kang mag alala. Hindi ko sasabihin kila Tita na nandito ka."

Gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko na nagawa. Dahil sa loob ko ay mas higit na nangingibabaw ang kagustuhan kong makita siya. Pero ganon na lamang ang sakit na naramdaman ko ng makita si Lance. Nakahiga siya sa kama at natutulog habang may nakakabit na aparato sa katawan niya.

"Isang buwan na siyang natutulog Kate. Hindi namin alam kung kailan siya magigising. O kung magigising pa ba siya." paliwanag ni Steph na mas lalong nakadagdag sa sakit na nararamdaman ko ngayon. 

"Sa labas muna ako Kate. Kausapin mo muna si Lance. Sigurado akong gusto niyang marinig ang boses mo." paalam ni Steph bago siya tuluyang lumabas sa kwarto.

Lumapit ako sa kama at hinawakan ang kamay niya. Hindi ko inakala na magiging ganito siya. Dati na itong nangyari sa panaginip ko. Pero ni minsan ay hindi ko naisip na pwede pala itong magkatotoo.

"Love naririnig mo ba ako?" panimula ko. Kanina ko pa pinipigilan ang umiyak. Kaya lang sa huli ay nabigo ako.

"Nandito na ko Love. Sorry kasi natagalan bago kita nadalaw dito. Sorry kasi hindi ako nakarating sa engagement party natin. I'm so-sorry Lance."

Umiiyak ako habang humihingi ng tawad sakanya. It's all my fault. This is all my fault. Dahil naduwag ako. Dahil iniwan ko siya. Dahil sa naging desisyon ko ng gabing yon ay ito ang naging kapalit non. 

"Mahal na mahal kita Lance. Hindi yon magbabago. Please lumaban ka. Alam kong marami akong pagkukulang sayo. Kaya pakiusap hayaan mo akong bumawi sayo. Love gumising ka na oh. Hindi ka pwedeng matulog na lang diyan."

Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit. Just the thought of losing him is so scary that I don't think I can handle it.

Ilang oras ko ring kinausap si Lance. Ilang oras ko rin siyang nakasama. Ang dami kong gustong sabihin sakanya. Pero hindi sapat ang oras namin para doon. Kaya naman nagpaalam na rin ako sakanya.
Nagpasalamat naman ako kay Steph dahil sa ginawa niya. Ang sabi niya ay itetext niya lang daw ako kapag siya lang ang bantay ni Lance. Babalitaan niya rin ako tungkol sa kalagayan ni Lance na siyang ikinatuwa ko.

----
A/N: Sorry guys sa matagal na update. Sobrang busy ko lang talaga sa work at sa iba pang mga bagay sa buhay ko. Kaya pagpasensyahan niyo na ang naging ud ko ngayon. See you sa next chapter! :)

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon