Chapter 9

258 12 0
                                    

Kate's POV

Hindi ito ang unang beses na nagkita kaming tatlo. Pero natitiyak ko na ito ang unang pagkakataon na makikita ni Kiel si Lance pagkatapos nang aksidente. 

"By the way, what's your name? I remember seeing your face before but I didn't know your name."

Sa aming apat si Steph lang talaga ang may kakayahang magsalita na para bang walang tensyon sa paligid namin. 

"I'm Kiel. I think you are familiar. You're the daughter of Atty. Collins? Am I right?"

"Huh? Kilala mo ang papa ko? You must be close to him. Mahirap i-approach ang taong yon."

"I know him. But I don't think he knows who I am. So maybe we're not that close as what you said." sagot ni Kiel. 

Nagtawanan naman silang dalawa. Sa tingin ko magkakasunod sila base na rin sa pag uusap nila ngayon. This is actually their first time to talk. Nagkita na sila sa ospital ng gabing maaksidente si Lance. Pero hindi naman sila nagkaroon ng pagkakataon para makapag usap.

"You must be good at making friends. You two seems so close."

Nabaling ang atensyon ko kay Lance. Hindi siya nakatingin saakin. Nakatingin siya kay Kiel na ngayon ay napatingin na rin sakanya.

"Well I can make friends if I want to. But I can also make people feel bad. Enough for them to hate me."

Matalino si Kiel. Alam kong may hinala na siya sa kondisyon ni Lance. At habang nagtatalo ang mga tingin nilang dalawa ay palihim akong napasulyap kay Steph.
May sinesenyas siya saakin. Tinitignan niya si Lance at sabay babalik ang tingin saakin. 

'You two should talk.'

Sa palagay ko ito ang ibig niyang sabihin. Ang mag usap kami ni Lance. Pero hindi ko alam kung paano ito gagawin. Nagulat na lang ako sa sumunod na ginawa ni Steph.
Sinadya niyang masagi ang soup na nasa mesa. At agad naman itong bumuhos sa baba at sa mismong paa pa ni Kiel. 

"Ops! Sorry. Natapunan ko ng soup ang sapatos mo. Don't worry may malapit na bilihan ng sapatos dito. Sasamahan na lang kita para bumili."

Patuloy lang siya sa pagsenyas saakin habang niyayaya si Kiel na lumabas muna sandali. 

"No need. We can buy later after we eat." pagtanggi ni Kiel.

"Ano ka ba tara na. Baka maubos na yung paninda nila. Balita ko maagang nagsasarado yon dahil palaging sold out ang mga sapatos nila."

Sa huli ay wala ng nagawa pa si Kiel at sumama na siya kay Steph. Desidido talaga siyang paalisin si Kiel at maiwan kaming dalawa dito ni Lance. Nakatingin ako sakanila habang papalayo sila sa pwesto namin.

"Tss."

Patuloy lang sa pagkain si Lance. Hindi ko alam kung naiinis ba siya dahil sa pagiging close nila Kiel at Steph. Ayokong isipin na nagseselos siya at hindi ako ang babaeng dahilan nito. 

"Lance kumusta? Kailan pa kayo nakabalik dito sa manila?"

Ako ang nagsimulang makipag usap. Hindi ko na rin kasi matiis na manahimik na lang. At isa pa alam kong ito ang gustong mangyari ni Steph. Ang makapag usap  kaming dalawa ni Lance.

"I texted you. You should know I'm already here if you just pick up your phone. I've been calling you several times but you seem so busy. You don't even have time to answer my calls."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa loob ng bag ko. 15 missed calls. 5 new messages. Lahat galing kay Lance.

"I'm sorry. Hindi ko alam na tumatawag ka. Naka silent mode kasi ang cp ko kanina."

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon