5 years later
Kate's POV
Kasabay ng pagtapak ko sa labas ng eroplano ang matinding kaba sa dibdib ko. Limang taon na ang lumipas simula ng umalis ako sa bansa at nagpunta sa US kasama sila Kiel. At sa loob ng limang taong yon ay ngayon pa lang ako muling babalik ng Pilipinas.
"Oh my gosh! Kate! Kate!"
Malakas na sigaw ng isang babae. Agad kong nasilayan sila Charm at Lex na nag-aabang sa akin sa labas ng airport. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad ko silang nilapitan.
"Charm! Lex! Namiss ko kayo!" Masayang bati ko sakanila. Mabilis nila akong niyakap at halata sa kanila na sobrang namiss din nila ako. Five years kaming hindi nagkasama. Sobrang dami kong gustong ikwento sakanila.
"Hey, stop hugging my mommy!"
Nagulat silang dalawa dahil sa biglaang pagsingit ng isang batang lalaki sa gitna naming tatlo.
Nanlaki agad ang mata nila nang makita kung sino ang taong kasama ko."O-m-g! Siya ba ang sinasabi mong bata? Siya na ba yon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Charm.
"Oo. Lex, Charm this is Kiefer. Kiefer say your greeting to my friends Tita Lex and Tita Charm." Pagpapakilala ko sa kanilang tatlo.
"Hello! I'm Keifer Vergara. Nice to meet you po."
"T-teka Vergara? You mean ang daddy niya ay si -"
"My dad is Mr. Kiel Vergara." Si Kiefer na ang sumagot sa tanong ni Charm.
Agad akong hinila ni Lex at palihim na bumulong.
"Kate anong nangyari? Bakit hindi namin alam to? May anak si Kiel? Paano nangyari yon?"
"Lex mahabang kwento. Sa bahay na tayo mag-usap. Gusto ko nang makita si mama." Sabi ko. Mabuti na lang at hindi na sila nangulit pa. Tahimik lang kami hanggang sa marating namin ang bahay namin.
Sa loob ng limang taon nagawa kong makapag-ipon para makabili ng bahay. Hindi sumama sa akin si Mama sa US dahil mas gusto daw niya dito. Nagpapasalamat naman ako sa pinsan ko dahil siya ang nagsilbing kasama ni mama habang wala ako sa tabi niya. At ngayon nga ay nandito na ulit ako para makasama si mama.
Hindi kalakihan ang bahay namin pero sapat na ito para sa amin ni mama. Pagdating namin sa bahay ay nakahanda na ang napakaraming pagkain sa mesa.
"Kate anak welcome home!" Bati sa akin ni mama saka ako niyakap ng mahigpit.
"Salamat Ma. Miss na miss na kita Ma." Sabi ko sakanya. Masayang masaya ako dahil kasama ko na ngayon si mama.
"Hi lola! Nice to see you po!" Bati ni Kiefer kay mama. Alam ni mama ang tungkol kay Kiefer. Madalas kapag nag-uusap kami ni mama sa cellphone ay kasama ko si Kiefer.
"Hello apo! Napaka gwapo mo pala talaga gaya ng sabi mo." Nagtawanan naman ang mga kasama ko dahil sa sinabi ni mama. Matagal na kasing sinasabi ni Kiefer na gwapo siya. Nagbibiruan na sila ni mama habang kami naman ay naglalagay na ng pagkain sa mga plato.
"Mabuti at marunong mag tagalog ang batang yan. Sinong nagturo sa kanya?" Tanong ni Lex sa akin.
"Gusto ni Kiel na matuto siya ng tagalog. Kapag nasa bahay naman ay naririnig niya kaming mag-usap ng tagalog kaya natuto na rin siya. Medyo hirap lang talaga siya sa ibang salita. Tsaka madalas kasi ay english talaga ang gamit niya. Pero nakakaintindi naman siya ng tagalog." Paliwanag ko.
"Hey, mommy when are we going to go out and play?" Tanong ni Kiefer sa akin.
"Soon Kiefer. Sa ngayon kumain ka muna. Si lola ang nagluto niyan."
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Short StorySa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...