Chapter 46

264 15 12
                                    

Kate's POV

Huminga ako ng malalim. Para kasing anumang oras ay sasabog na ang puso ko. Ganito kalaki ang epekto sa akin ni Lance.

"Ah- ano kasi-"

"Don't waste my time woman." Seryosong sabi niya. Napakaikli talaga ng pasensya niya.

"Si Kate to. Gusto kong magpaliwanag sayo Lance. I'm sorry for leaving you five years ago." Nasa loob pa rin ako ng hotel at naghahanda na sa pagbalik ko sa Manila. Pero mas inuuna ko ngayon ang pakikipag-usap kay Lance.

"Sorry? Bakit? Dahil sa muli mong pag atras sa kasal natin? Dahil sa pagsama mo kay Kiel? O dahil sa pagbitaw mo sa akin? Alin don ang gusto mong ihingi ng sorry?"

Natahimik ako bigla. Kung tutuusin tama lahat ng sinabi ni Lance. Dalawang beses na siyang nagpropose sa akin. At dalawang beses din na hindi natuloy ang kasal namin. Totoong sumama ako kay Kiel. At aminado ako na binitawan ko siya kasama ng mga pangarap na magkasama naming binuo.

"I'm sorry Lance. Nagsinungaling ako sayo. Please hear me once more. Gaya ng pakikinig mo sa akin noong may amnesia ka pa."

"Fine. Let's hear it. Pero hindi ko ipapangako na mapapatawad na kita."

"Okay lang. Pakinggan mo muna ako." Wala akong ibang narinig mula sa kanya. Pero alam kong handa na siyang makinig sa akin. Sinabi ko sakanya ang lahat. Yung pagtatangka ni Steph na magpalaglag na inakala ko noon na totoo. Yung ginawa ng lolo niya sa mga kaibigan ko. Pati yung sakit ni Kiel ay sinabi ko rin. Sinabi ko na nagsinungaling ako sakanya noon nang sabihin kong mahal ko si Kiel. Ginamit ko yong dahilan para bitawan niya ako. At yung tungkol kay Kiefer naipaliwanag ko sakanya ng maayos na hindi ko siya anak. Wala akong anak at hindi pa ako kasal.

"Are you done?"

"Ha? Oo. Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko noon Lance. Wala akong ibang gusto noon kundi ang magkasama kayo ng anak mo. Ayokong masira ang pamilya mo Lance kaya mas pinili kong bumitaw." Wala ako sa harap niya ngayon. At hindi ko nakikita ang mukha niya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang reaksyon niya dahil sa mga sinabi ko sakanya.

"Alam mo ba kung gaano kalaki ang sugat na iniwan mo? I didn't just lost myself at that time. Dahil sa katangahan ko at dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo kinalimutan ko ang lahat. Sabi ko sayo noon na gagawa ako ng paraan para tanggapin ka ni lolo. I already did Kate. I have my own company now. Hindi na ako nakasandal sa Mezzo Corporation na pag-aari ni lolo. I won against him. Pero wala ka na sa tabi ko. I started my own company and now I don't need anyone's approval in my life but you already left me. At alam mo ba kung ano yung pinakamalaking pagsisisi ko noon? Sana hindi na kita pinuntahan ng gabing yon Kate. Nang dahil sa paglalasing ko napahamak si Steph. Nawala ang anak niya dahil sa kagagawan ko. Ang laki ng naging kasalanan ko sakanya Kate. Ako sana yon. Ako sana ang namatay kung hindi siya dumating para iligtas ako. Now tell me isn't it so easy for you to ask for my forgiveness? Ganoon na lang ba kadaling kalimutan ang lahat?"

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Konti na lang at papatak na ang luha sa mata ko. Akala ko noon ang pag-alis ko ang magiging daan para maayos ko ang lahat sa pagitan namin. Akala ko yon ang mas makakabuti. Pero hindi yata tama ang desisyon ko. Mukhang ako pa yata ang pinaka rason kung bakit namatay ang anak ni Steph. Ako ang dahilan kung bakit puno ng guilt ang puso ni Lance. Dahil sa akin kaya sila nasa lugar kung saan nangyari ang aksidente. Ako talaga ang puno't dulo ng lahat ng hirap na naranasan nila.

"Pinaglaban kita. Pero ganon kadali mo lang akong binitawan. Ganon ba ko kadaling isuko? Hindi lang isang beses Kate. Dalawang beses mo na akong iniwan. Hindi ba sapat na dahilan na yon para malaman kong hindi mo talaga ako mahal?"

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon