Chapter 14

226 14 2
                                    

Kate's POV

Hindi na ako nagtaka pa ng kanselahin ni Lance ang date namin ngayon. Alam ko naman na nagkaroon ng problema sa project na ginagawa nila. Wala rin kaming sapat na pagkakataon para makapag usap. Hindi ko tuloy nalinaw sakanya yung tungkol sa nagpadala ng bulaklak saakin. Ang akala ko talaga ay si Lance  ang nagpapadala saakin ng mga yon. Pero hindi sumagi sa isip ko na magkaibang tao pala ang nagbibigay ng mga pagkain sa office at ang nagpapadala ng bulaklak saakin. Saka ko na lang siguro iisipin ang tungkol sa bagay na yon. Ang mas priority ko ay ang makasama si Lance.

"Tama na kaya to?"

Inisa isa ko ang mga pagkain na dadalhin ko mamaya. Nagluto kasi ako ng tanghalian para kay Lance. Nasabi niya saakin na nasa opisina sila ngayon at inaayos ang naging problema nila kahapon.

"Ayos na yan anak. Sa dami ng niluto mo pwede mo nang pakainin pati mga empleyado niya." Pabirong sabi ni mama.

"Si mama talaga. Pwera biro Ma ayos na ba to? Yung lasa ba okay lang?" Paniniguro ko.

"Wag kang mag alala may tiwala ako sa luto mo. Sa tagal ng panahon mong nagsasanay mas magaling ka nang magluto kesa saakin. Aprub ang luto mo para sakin." Sabi niya habang naka thumbs up pa.

Napangiti ako. Sa loob ng tatlong taon si mama ang palagi kong sandalan. Sa kabila ng mga pagkakamali ko nandiyan siya palagi hindi para husgahan ako kundi para gabayan ako.

"Kate hanggang kailan mo gagawin to?"

Nagulat ako sa biglaang pagiging seryoso ni mama.

"Ang alin ma? Itong pag sunod sunod ko kay Lance?"

Aaminin ko na simula ng magkaroon kami ng deal ng mama ni Lance ni minsan hindi na napanatag ang isip ko. Palaging may kaba at takot sa puso ko.

"Ang lahat ng ito. Alam ko may kasalanan ka sakanya. At gusto mong bumawi dahil don. Pero anak sana isipin mo rin minsan ang sarili mo."

"Ano pong ibig niyong sabihin Ma?" Tanong ko.

"Wag mong ibigay kay Lance ang lahat ng pagmamahal anak. Magtira ka ng para sa sarili mo. Wag mo ring kalimutang mahalin ang sarili mo anak."

Alam kong naiitindihan ni mama kung bakit ko ginagawa to. Pero hindi ko inakala na ganyan pala ang nakikita niya saakin ngayon. Masyado na ba akong nakafocus kay Lance?

"Huwag kang mag alala Ma. Di ko naman pababayaan ang sarili ko. Mas mamahalin ko ang sarili ko dahil nandiyan kayo ni Lance para saakin." Nakangiting sabi ko.

-
Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi ni mama. Alam ko naman na concern lang siya saakin. At ayaw niya akong nakikitang nasasaktan. Pero ikinabahala ko ang sinabi niya kanina.

Flashback

"Kung sakaling malaman niya ang dahilan kung bakit siya naaksidente ng gabing yon sa tingin mo ano ang mararamdaman niya?"

Natahimik ako. Mula ng mamatay ang papa ko hindi na namin napag usapan pa ang tungkol sa gabing yon.

"Hindi sa pinangungunahan kita anak. Pero sana sabihin mo ng maaga kay Lance ang tungkol sa bagay na yon. Ayokong sa bandang huli masaktan ka ng dahil sa pagmamahal mo kay Lance."

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon