Chapter 45

264 12 4
                                    

Kate's POV

Masyado akong naging abala sa nakalipas na isang buwan. Ni hindi ko nga namalayan na malapit na palang matapos ang bagong bakeshop ko. Nakahanap ako ng magandang location at nagsimula na rin akong ipaayos ito. Mabuti nga at nandito na si Kiel dahil kahit paano hindi ko naiiwang mag-isa si Kiefer sa bahay. Kiefer wants to stay in my house. Kahit may sariling bahay si Kiel dito ay mas pinili niya akong makasama. Natutuwa ako dahil don. Pero nalulungkot din ako dahil alam kong babalik din sila ni Kiel sa US. At mahihiwalay na siya sa akin.

Naaalala ko pa noong araw na umalis ako para magpunta sa kasal ni Charm. Wala akong ideya na sa pagbabalik ko may isang sanggol na umiiyak sa loob ng condo ni Kiel. Tumira kami sa isang condominium. Magkatabi lang ang unit namin ni Kiel. At si Kiefer ay anak ng pinay na babaeng nakatira sa tapat ng unit ko.

Palagi namin siyang nakikita kasama ang baby niya. Hindi ko alam ang kwento ng buhay niya. Pero sa tingin ko ibang lahi ang nakabuntis sa kanya. Kitang kita kasi iyon sa itsura ni Kiefer. Batid kong nagmana nga siya sa ama niya. Noong araw na umalis ako sa unit ko narinig ni Kiel ang malalakas na katok sa pinto. Lumabas siya para sana tignan kung ano ang nangyayari pero nang makalabas siya nakita niya ang isang sanggol sa tapat ng pintuan ko. Nakalagay ito sa isang maliit na basket. Hindi alam ni Kiel ang gagawin niya noon. Nang makauwi ako saka niya sinabi sa akin na iniwan ang sanggol na si Kiefer sa tapat ng unit ko. Nalaman namin na may malaking utang pala ang nanay ng bata kaya ito nagmamadaling umalis sa unit niya. Napanood namin kung paano siya nagmamadaling umalis ng condo at humanap ng masasakyan. Sinubukang ipahanap ni Kiel ang tunay na ina ni Keifer. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita sa kanya. Noong una inisip kong kunin na lang si Kiefer. Dahil alam kong sa akin ito iniwan. Halata naman na iyon dahil sa tapat ng unit ko natagpuan si Kiefer. Pero nang makita ko kung paano tignan ni Kiel si Kiefer naisip kong sila ang nakatadhanang magsama. May dahilan kung bakit si Kiel at hindi ako ang nakakita sa batang si Kiefer. At simula noon si Kiel na ang kinilalang ama ni Kiefer. Madali lang naman naayos ang mga papeles para sa pag aampon niya kay Kiefer. At ako naman ang nakilala niyang ina. Kahit alam niyang hindi ako asawa ni Kiel. Nasanay na lang akong tinatawag niya akong mommy kahit alam niyang hindi kami magkadugo. Yes alam ni Kiefer ang lahat. Hindi ako sigurado kung lubos niyang nauunawan ang paliwanag namin ni Kiel. Pero alam niyang hindi ko asawa si Kiel. At malabong maging tunay na anak ko siya. Kiel loves Kiefer so much. Isa siya sa naging dahilan ng tuluyang paggaling ni Kiel. Tinulungan ko siyang alagaan si Kiefer. At laking tuwa rin ni Kath nang malaman niya ang tungkol kay Kiefer. Hindi pa naman sila aalis ng bansa pero nalulungkot na ako dahil magkakahiwalay na kami ni Kiefer.

"Uy! Kate are you there?"

"Ha? Ano nga ulit yung sinasabi mo?"

Nabigla ako nang maagaw ni Charm ang pansin ko. Narito siya ngayon sa bahay.

"Sabi ko gusto ka ulit makita ni Mr. West. Baka naman pwede ulit kayong mag date?"

Ah oo nga pala. Pagkatapos ng blind date ko kay Jacob si Charm naman ang nag set ng date para sa irereto niya sa akin. Pareho ko naman itong pinuntahan. Pero hindi ko rin maharap makipag date ulit dahil sa pagiging busy ko nitong mga nakaraang linggo. Mas lalo pa akong magiging busy sa mga susunod na araw dahil sa pagbubukas ng bago kong bakeshop.

"Charm hindi ko pa alam kung kaya ng oras ko. Malapit nang magbukas ang bakeshop ko. At mas lalo akong magiging busy ngayon."

"Hay. Sige na nga. Suko na ko. Ikaw na talaga ang best hard working single of the year." Tumawa pa siya ng malakas para asarin ako. Nagkunwari naman akong nainis. Sabay bawi niya sa sinabi niya kanina.

"Ikaw naman. Di na mabiro. Relax ka lang. Darating din ang prince charming mo. Baka natraffic lang yon. O kaya naligaw." Sabi niya sabay ngiti sa akin.

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon