Kate's POV
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong alam na ganito pala ang parusa na gagawin namin ni Kiel.
Mas nag aalala ako sa pwedeng gawin ni Lance. Kanina lang ay inamin niya saakin na nagseselos siya kay Kiel. Tapos ngayon malalaman niya na ito ang parusang gagawin namin. Sigurado akong hindi maganda ang kahihinatnan nito."Ay wait! Meron pa palang isang rule sa game. Pwede kayong gumamit ng save. Meaning pipili kayo ng taong isasave niyo pero may isang taong papalit para gawin ang parusa." Pahayag ni Charlie. Napatingin siya saakin at mukhang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.
"A-anyone? May gusto bang mag volunteer diyan?" Tanong ni Charlie. May halong takot ang tono ng boses niya.
Sigurado ako na si Lance ang kinatatakutan niya. Kitang kita ko kung paano manlisik ang mata ngayon ni Lance. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Pero ilang sandali pa ay binitawan niya rin ito.
Naglakad siya palapit kay Charlie.
"I will save Kate. And I'll volunteer to do the punishment." Sabi ni Lance na ikinagulat ng lahat.
Narinig ko pa ang ilang mga bulungan bago pumayag ni Charlie sa sinabi ni Lance.
"Okay that's it! Dito na natatapos ang unang game natin. Bukas aalis na tayo dito kaya dapat matulog ng -"
"Everyone listen. Walang aalis sa lugar na ito." Naputol ang sasabihin dapat ni Charlie dahil sa biglaang pagsasalita ni Lance.
"I made a decision. Walang aalis dito hangga't hindi natatapos ang team building niyo."
"Pero Mr. Lance paano yung bakasyon niyo ng mga empleyado mo?"
Tanong ni Annie."I'll handle it. No need to worry. I just want to make my girlfriend happy." Sabi ni Lance habang nakatingin kila Annie. Wala akong ibang masabi. Nanatili lang akong nakatingin kay Lance habang nagsasalita siya.
"And one more thing. Please refrain doing this kind of punishment. I hope this is the last time you'll do this."
Sabi niya habang binabaling ang paningin kay Charlie."O-oo naman Sir. May shortage kasi kami ngayon sa kwarto. Kaya ito ang naisip naming gawin para hindi na kami mahirapang mamili nang matutulog sa labas. Pero bukas daw ay maayos na yung isang kwarto kaya wala nang matutulog dito." Paliwanag naman ni Charlie.
Wala na akong narinig na nagsalita pa. Lumapit si Lance kay Mr. Mike. May pinag uusapan sila na hindi na namin marinig pa.
"Ang sweet naman ng boyfriend mo. Iba talaga ang nagagawa ng selos."
Nagulat pa ako ng biglang magsalita si Annie. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya saakin ngayon.
"Teka Annie may alam ka ba tungkol sa punishment na to? Tsaka bakit hindi ako ang pinili mo kanina sa game? Sana hindi ako ang mapaparusahan kung ako ang pinili mo."
Binigyan niya ako ng isang makahulugang ngiti. May pagka weird minsan si Annie. At ngayon nga ay kakaiba talaga ang ikinikilos niya.
"May alam ako Kate. Pero hindi kasama sa plano ang masira ang isang tent. Siguro gumagawa talaga ang tadhana nang paraan para mapaglapit kayong dalawa."
"Ha? Mapaglapit? Sino? Kami ni Kiel?" Takang tanong ko sakanya.
"Siya ba ang gusto mong mapalapit sayo?"
Natahimik ako. Ang weird talaga ng mga sinasabi ni Annie ngayon. Parang may gusto siyang iparating pero hindi niya ito diretsong sinasabi saakin.
"Wag mo nang isipin ang mga sinabi ko. Basta tandaan mo na gusto ko maging masaya ka." Sabi niya habang tinatapik pa ang balikat ko. Pagkatapos ay nagpaalam na siya saakin. Sumunod na rin ang iba pa naming katrabaho.
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Short StorySa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...