Chapter 19

276 19 9
                                    

Lance's POV

Nang makarating ako sa opisina nila Kate nakita kong sarado na ito. Nagulat pa ako dahil tanghali pa lang at hindi pa oras nang uwian. Nasabi saakin ng guard na maaga silang pinauwi. Hindi na siya nagbigay pa ng ibang detlaye. Kaya naman nag desisyon na akong puntahan siya sa bahay nila. Pero laking gulat ko ng wala ng tao dito.

"Uy pogi sinong hinahanap mo?"

Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Palabas siya sa isang maliit na bahay malapit sa bahay nila Kate. Hinarap ko siya at tinanong kung kilala niya ang taong hinahanap ko.

"Ay si Kate ba? Oo kapit bahay namin sila. Naku pogi hindi mo na siya naabutan. Kaaalis lang niya. Binilin pa nga niya ang susi ng bahay nila saakin." Sagot niya sa tanong ko.

"Alam niyo ba kung saan siya pupunta? Nasaan po ang mama niya?" Muli kong tanong sakanya.

"Maagang nagtinda sa palengke ang mama niya. Iniwan lang saakin ni Kate ang susi ng bahay nila dahil tatlong araw siyang mawawala. May team building daw sila sa kompanya. Kasama niya kanina yung boss niya. Ang gwapo nga din ng boss niya. Pareho kayo."

"What?" Napalakas ang pagkakasabi ko non kaya naman nakita ko pang nagulat siya.

"Hala. Galit ka ba pogi? Teka sino ka ba? Bakit mo hinahanap si Kate?"

"You don't need to know." Inis na sabi ko. Hindi ko alam pero bigla akong nawala sa mood.

"Ikaw ba yung boyfriend niya? Yung nagbigay ng invitation?"

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Paano mo nalaman ang tungkol don?" Tanong ko.

"Saakin kasi binigay yon. Wala kasing tao kila Kate noon. Kaya kinuha ko. Hindi ko lang naibigay kaagad kasi na-ospital ang asawa ko." Paliwanag niya.

So that's what happen. Kaya hindi niya alam na may event kami dahil hindi nakarating sakanya agad ang invitation ko.

"Yes I'm her boyfriend. Her only boyfriend. Can you do me a favor?"

Nakita ko pang nagulat siya sa sinabi ko. Pero agad din naman siyang pumayag sa hiling ko.

"Hello Mike. I need you to do something for me."

Kausap ko ngayon ang secretary ko habang pabalik ako sa opisina ko.

"Tell me where they're going. And report to me everything about their trip. I want to know as soon as possible."

Napahawak ako ng mahigpit sa manibela habang mabilis kong pinatatakbo ang kotse ko. Siniguro naman ni Mike na gagawin niya agad ang pinapagawa ko. Pero hindi ako mapakali. Siguro dahil to sa sinabi ng tsismosang kapit bahay nila Kate.

Damn it!

Nag-iinit talaga ang ulo ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng lalaking yon.

Kate's POV

Wala na yata talaga akong nagawang tama sa buong isang linggo. Paano kasi nadala ko pala sa bahay yung kontrata na dapat ay ihahatid ko sa secretary ni Kiel. Nagmadali tuloy kaming umuwi sa bahay para lang kunin yon. Hindi ko na kasi yon naalalang dalhin kaninang umaga.

"Naku teh ang swerte mo pa rin. Kung ibang boss yan baka nasesante ka na. Biruin mo mahalagang papeles ang nadala mo sa bahay niyo. Nakakaloka ka talaga girl!" Sabi ni Charlie. Kasalukuyan na kaming nasa biyahe papuntang Laguna. Sa isang vacation villa ang destination na napagkasunduan naming lahat.

"Oo nga e. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung sakaling nawala ko yon." Malungkot na sabi ko.

"Pero pansin niyo ba? Ang bait ni Sir Kiel no? Lalo na sayo Kate. Kung hindi ko lang alam na may boyfriend ka iisipin kong jowa mo si Sir Kiel. Ang sweet niyo kayang tignan." Tukso ni Annie saakin.

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon