Chapter 8

268 12 7
                                    

Kate's POV

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Mukhang may dalawang taong nag aaway sa harap ko.

"Ano ba kasi ang nangyari? At bakit hindi ka tumawag agad saamin ha?"

"Relax okay. I'm sorry hindi ako nakatawag agad. Hinihintay ko pa kasi ang resulta ng mga test na ginawa sakanya."

"Kahit na! Kagabi pa kami naghihintay sakanya. Ang akala ko -"

"Lex? Kiel? Anong ginagawa niyo dito? Bakit ako nandito?" tanong ko sakanila. Pareho naman silang nagulat nang magsalita ako.

"Ayos ka lang ba? Tinawagan kami ni Kiel. Nahimatay ka raw kanina sa opisina niyo."

Ah. Oo nga pala. Ang huling naaalala ko ay natapos ang meeting namin at nag uusap kami ni Kiel. Hindi na pala kinaya ng katawan ko ang sobrang pagod at puyat.

"Wag kang mag-alala Lex okay lang ako."

"Ano ba kasi ang nangyari. Magkasama ba kayo ni Lance kagabi? Bakit hindi ka umuwi?"

Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita si Kiel.

"Hindi siya sumipot. At magkasama sila ni Steph."

"Paano mo nalaman na magkasama sila?"
Tanong ko. Parang mas lalo akong nanghina dahil sa narinig ko.

"Tumawag si Lance kanina. Gamit ang cellphone ni Steph. Nakatulog ka kaya ako na ang sumagot. Hindi ko naman alam na si Lance pala ang tumatawag."

"Anong sinabi ni Lance sayo? Hinanap ba niya ko?" tanong kong muli kay Kiel.

"Ang sabi niya hindi siya nakarating dahil may emergency daw. At nasira ang cellphone niya kaya ngayon lang siya nakatawag. Well, base sa sinabi niya kanina walang kuryente sa lugar kung nasaan sila kaya ngayon lang sila nakatawag. At isa pa-" bigla siyang tumigil sa pagsasalita at seryosong tumingin saakin.

"May kakaiba kay Lance. Pero hindi ko alam kung anong dahilan nang pagbabago niya." dugtong niya sa nauna niyang sinabi.

"Teka nga. Ano ba namang rason yan. Hindi ko matatanggap ang ginawa niya kay Kate. Imposible naman na hindi niya magawang tumawag. Madali lang naman ang manghiram ng cellphone sa ibang tao. Bakit sila lang ba ni Steph ang may cellphone? Pwedeng pwede niyang makontak si Kate. Kabisado naman niya ang-"

Kabisado naman niya ang number ni Kate. Iyan sana ang gustong sabihin ni Lex. Pero hindi niya naituloy. Siguro dahil alam niyang imposibleng kabisado pa rin ni Lance ang number ko ngayon. Nakalimutan niya ako. At kasama doon ang lahat ng bagay tungkol sa pagkatao ko.

"Alam ba niyang nandito ako? Bakit hindi mo ako ginising para nakapag usap kami." patuloy lang ako sa pakikipag usap kay Kiel. Alam ko na hindi na rin naman magawang magsalita pa ni Lex dahil sa nasabi niya.

"I'm sorry. Nagsinungaling ako sakanya. Hindi ko sinabi na nandito ka sa ospital. Sinabi kong katrabaho mo ako at nasa labas ka ng opisina. Sa buong pag uusap namin ay hindi na siya ulit nagtanong tungkol sayo. Kaya naman nawalan na ako ng chance na sabihin ang totoong kalagayan mo."

Muli na naman akong umasa. Ang akala ko ay hahanapin niya ako at itatanong kung kumusta ba ako o kung masama ba ang loob ko dahil sa hindi niya pagsipot sa usapan namin kagabi. Wala pala akong napala sa paghihintay buong magdamag sa gate ng subdivision nila.

"Matutulog na ako. Pwede na kayong umuwi." tinalikuran ko sila. Ayokong makita nila akong umiiyak.

"Pero Kate kumain ka muna. Kanina ka pa natutulog diyan."

"Mamaya na Lex. Sige na. Gusto ko munang magpahinga." sabi ko habang pinipigilan kong mahalata nila ang pag iyak ko.

"Let's go. I'll go here after I finish my work. If you need anything just press that button."

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon