Chapter 48

255 17 6
                                    

Kate's POV

It was something so magical. A dream that I thought won't come true. We both want this. We both plan this wedding. But we failed to agree in one thing.

"Ang ganda ng bride natin. Pero bakit parang di ka masaya? May problema ba?" Puna ni Lex sa akin.

Kanina pa kami nasa venue. Dito ako inayusan kasama ang mga bridesmaids kong sila Charm, Kath, Steph at si Annie. Si Lex naman ang maid of honor ko.

"Kinakabahan ka ba? Feeling ko tense ka ngayon. Relax Kate everything will be okay." Pagpapalakas ng loob sa akin ni Kath.

"Medyo kinakabahan lang ako. Kasi ano. Hay. Halikayo dito may sasabihin ako." Lahat sila ay lumapit sa akin at binulong ko ang dahilan ng kaba ko.

"Ano? Yan ang rason ng pagtatalo niyo?" Nagulat si Charm sa sinabi ko.

"Oh my gosh! That is one thing every man would look up to. Somehow I understand Lance." Sabi naman ni Kath.

"Teka wala pa si Lance dito. Malapit nang magsimula ang kasal pero wala pa siya sa venue? Hindi kaya nagtampo na yon?" Kinabahan ako lalo sa sinabi ni Annie.

Pagkatapos kong magpropose kay Lance agad na naming plinano ang kasal. Hindi na namin kinailangan pang maghintay ng matagal dahil simpleng kasal lang ang gusto ko. Sang-ayon din siya sa sinabi ko na piling mga tao lang ang dadalo sa kasal namin. Yung mga taong malalapit lang sa buhay namin ang dadalo. Syempre alam kong maraming kilalang tao si Lance. Malaki ang business niya at ng pamilya niya. Kaya niyang maghanda ng isang magarbong kasal. Pero dahil kaunting panahon lang ang paghahanda namin mas mabuti na ang simpleng kasal muna. He said it's okay as long as I'm the bride. Sabi pa niya na kahit ilang beses kami magpakasal ay ayos lang sakanya. Ako ang may gustong maikasal na agad kami. Dahil sa susunod na araw ay aalis na sila Kiel at Kiefer sa bansa. Babalik na sila sa US dahil magsisimula ng pumasok sa paaralan si Kiefer. I want them to attend my wedding. That's why we decided to do the wedding today because tomorrow is their flight. Okay na sana ang lahat. Pero nagkaroon kami ng pagtatalo ni Lance isang araw bago ang kasal namin.

Flashback

Isang araw na lang at ikakasal na kami ni Lance. Excited na ko sa kasal namin. Nasa bahay kami ngayon at naghahanda ng ilang mga gagamitin para sa kasal nang bigla kong narinig si Lance na may kausap sa cellphone. Mahina lang ang boses niya at halatang ayaw niyang may makarinig ng pinag-uusapan nila. Pero dahil nagtataka ako sa kung sino ang kausap niya nagtago ako sa may gilid ng pinto. Nasa labas kasi siya habang busy pa rin sa pakikipag-usap.

"Yes. Tomorrow is my wedding and I want to go there after that. I'll let you handle everything. Just make sure it will be so romantic." Rinig kong sabi niya sa kausap niya.

"Pagkatapos ng reception sa airport na ang tuloy namin. We still have time to rest. You can arrange everything the next day."

Mahina ang boses ni Lance pero nagagawa kong intindihin ang sinasabi niya. Nang matapos siya sa pakikipag-usap ay saka ako lumabas sa gilid ng pinto para tanungin siya.

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon