Chapter 10

289 12 3
                                    

Kate's POV

Isang araw na ang nakalipas simula nang humingi ako ng pabor kay Kiel. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw saakin kung ano ang naging sagot niya. Hindi niya sinabing tatanggi siya. Pero wala rin naman siyang sinabi na papayag siya.

Tinanong niya lang ako kung sigurado na ako. Nang sabihin kong sigurado ako hindi na siya nagsalita pa. Medyo nahiya na rin ako sakanya kaya hindi na ako namilit pa. 

"Grabe ang gwapo!"

"Ang ganda ng sasakyan. Mukhang mamahalin."

"Oo nga. Ano kayang ginagawa niya diyan?"

"Baka may hinihintay. O baka may ka date?"

"Ang swerte naman ng babaeng yon kung ganon."

Palabas na ako sa opisina ng maabutan ko ang kumpol ng mga tao sa labas. Masyado silang maingay kaya naman hindi ko na rin napigilan ang maki tsismis. 

"Anong meron?" tanong ko kay Annie.

"Kate tignan mo yon oh! Ang gwapo no? Mukhang artistahin."

Napatingin naman ako sa tinuturo ni Annie. 

At laking gulat ko kung sino ang taong tinutukoy niya. Walang iba kundi si Lance. Nakasuot siya ng black suit. Napakalinis nang pagkakaayos ng itim niyang buhok. Nakasandal siya sa puting lamborghini habang naka-krus ang dalawang paa at nakabulsa ang dalawa niyang kamay. Mukhang nag eenjoy pa siya na pinagmamasdan ng maraming tao. Wala yata siyang balak na umalis sa kinaroroonan niya ngayon.

"Sige Annie. Uuwi na ko." Paalam ko.
Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Mabilis kong pinuntahan si Lance. Nagtama ang paningin namin habang papalapit ako sakanya. May mga bulungan naman akong naririnig habang naglalakad ako pero hindi ko na yon pinansin pa. Masyado akong nakatuon sa lalaking kanina pa nakatitig saakin. 

"Anong ginagawa mo dito Lance?"

Yan ang unang pumasok sa isip ko nang makalapit ako sakanya. Hindi ko alam kung nandito ba siya para saakin o may iba siyang dahilan. Pero mas matutuwa ako kung ako ang dahilan nang pagpunta niya rito. 

"Ano kasi. Kasi ano.."

Teka anong nangyayari sakanya? Hindi naman ganito si Lance dati. Mukha siyang kinakabahan ngayon. 

Lance POV

"Ano kasi. Kasi ano.."

Now what? I came here and I don't know what to say. Damn! Ang simple lang ng gusto ko hindi ko pa magawang sabihin.

"May problema ba Lance?"

There she goes again. Looking so worried. As if something bad will happen.

"Wala naman. Pwede bang ano. Ahm"

"Oo Lance. Pwedeng pwede. Tara na!" sabay hila niya saakin papasok sa sasakyan. 

What was that?

Wala pa naman akong sinasabi pero inunahan na niya ako. Nababasa ba niya ang nasa isip ko?

"Hey wait. Wala pa akong sinasabi bakit may sagot ka na agad?"

Pareho na kaming nasa loob ng sasakyan. 

"Gusto mo kong yayain mag date. Babawi ka saakin dahil hindi ka dumating nong anniversary date natin. Yon ang gusto mong sabihin tama ba?"

This girl is amazing. How come she knows everything I want to do? And why the hell I'm getting happy about this?

"May lahi ka bang manghuhula? Paano mo nalalaman ang mga bagay na nasa isip ko?"

Ngumiti lang siya saakin habang inaayos ang seatbelt niya. At sa hindi ko malamang dahilan awtomatikong gumalaw ang mga kamay ko para tulungan siya. This thing is familiar. Para bang matagal ko na itong ginagawa.

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon