Chapter 12

257 10 0
                                    

Kate's POV

Naiwan kami ni Lance dito sa sala. Gusto kong matawa sa eksena kanina ni mama. Halatang wala siyang balak pauwiin ngayong gabi si Lance.

"Lance maiwan muna kita diyan. Aayusin ko lang yung kwarto ko."

"Sure." Tipid na sagot niya.

Nakita kong kinuha niya ang cellphone niya at nagsimulang magdial. Hindi na rin ako nag abalang alamin pa kung sino ang katext niya. Nagmadali akong pumasok sa kwarto at inayos ang higaan ni Lance.

Isang tao lang ang kasya sa kama ko. Kung tutuusin wala namang gaanong pinagbago ang kwarto ko. Nadagdagan lang ng ibang gamit at konting palamuti.
Ayos lang kaya kay Lance na matulog sa sahig?

Nang maayos ko na ang higaan ay tinawag ko na siya. Agad naman siyang pumasok sa kwarto ko.

"Pasensya na maliit lang ang kwarto ko. Wala rin akong aircon. Electric fan lang ang gamit ko."

Pinagmasdan niya ang loob ng kwarto ko. May mga nakadikit kasi dito na mga pictures namin. At halos lahat ng bagay na ibinigay niya saakin ay nandito sa loob ng kwarto ko.

"Ayos lang. Hindi naman ako maarte."

Ibang iba ang sagot na inaasahan ko mula sakanya. Kung siya ang dating Lance ganito ang sasabihin niya, 'Ayos lang basta kasama kita kuntento na ko'. 

Aaminin ko na miss na miss ko na ang dating Lance. Pero hindi ko itatanggi na gusto ko rin ang Lance na nasa harap ko ngayon.

"Hey tell me is this me?"

Hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya sa mga nakadisplay na pictures sa table ko.

"Yes. Celebration yan ng championship ng team niyo. Ikaw ang mvp diyan."

"Here? What's wrong with my face here?"

Natawa ako nang makita ang picture namin sa bahay nila Charm. Natalo kami sa laro kaya nag picture kami habang may mga sulat ang mukha namin.

"Birthday yan ni Charm. Natalo tayo sa laro at yan ang parusa natin. Mas marami yung drawing sa mukha mo kasi sinasalo mo yung dapat sana ay drawing sa mukha ko."

Napansin kong natawa siya. Maski ako sa tuwing makikita ko yan lagi akong natatawa. Napakasaya kasi ng moment na yan para saakin.

"Ito ba ang hihigaan ko ngayon?" pag iiba niya sa usapan.

"Oo. Okay lang ba sayo matulog sa sahig?"

May nakalagay naman na comforter sa sahig. At kumpleto naman ng kumot at unan. Hindi ko nga lang sigurado kung makakatulog ba siya nang maayos sa higaan na yan.

"Okay lang. Matulog na tayo. Alam ko napagod ka sa lakad natin ngayon."

"Sige Lance. Matutulog na ako. Good night. I lo-"

Bigla akong natigilan sa pagsasalita. Muntik ko na siyang masabihan ng 'I love you'. Dati kasi sa tuwing matutulog na ako at kausap ko siya sa cellphone hindi pwedeng mawala ang salitang yon. Pero iba na kasi ngayon. I want to say those words. But I'm afraid I'll get no response from him.

"Good night Kate."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ito ang unang beses na tinawag niya ang pangalan ko. Napangiti ako. Ang sarap pakinggan ng pangalan ko lalo na kapag si Lance ang nagbanggit non. Noon maririnig ko lang sa bibig niya ang pangalan ko kapag alam kong naiinis na siya at malapit na siyang maubusan ng pasensya. It's like a warning sign for me to stop. But this time it's not like that. Maybe it's a sign for me to continue what I'm doing.

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon