Kate's POV
Halos matunaw ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa mga titig ni Lance. Ang akala ko talaga ay hindi ko siya makikita sa araw na ito. Habang naglalakad siya palapit sa akin ay hindi ko maiwasang ngumiti. Ilang araw din kaming hindi nagkita ng taong mahal ko.
"Ah Love may dumi ba ako sa mukha?" Iyan talaga ang unang nasabi ko sa muling pagkikita namin ni Lance. Masyado kasing malagkit ang mga tingin niya sa akin. At ngayon pa lang ay nagwawala na ang puso ko sa labis na kasiyahan. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.
"Wala kang dumi sa mukha. Sobrang namiss lang talaga kita love." Sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin.
"Ako rin. Sobrang miss na miss na kita love." Pahayag ko sakanya. Kung alam niya lang kung gaano ako kinikilig ngayon. Isang yakap lang niya napapawi na agad yung lungkot na naramdam ko nitong mga nakalipas na araw. Nang maghiwalay kami ay nakita kong napakalawak na nang ngiti niya.
"Love ikaw ba ang may pakana nito? Nakipag-usap ka ba kila Annie?"
"Oo. Ang akala ko nga hindi na matutuloy ang plano ko."
"Ha? Bakit naman?" Takang tanong ko sakanya.
"Well I ask a favor to your boss. Pero hindi ako sigurado kung papayag siya sa hinihiling ko."
"Boss? You mean si Kath?"
Umiling siya."Hindi si Kath ang kinausap ko."
"Kung hindi si Kath edi si K-"
Naihinto ko ang bibig ko sa pagsasalita."Say it. I dare you to say that name love." Nakangisi siya habang sinasabi niya yon sa akin.
Alam na alam ko na ang tumatakbo sa isip niya. Kaya naman hindi na ako nagsalita pa. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Makikita sa mga mata niya ang kinang nito. Ngumiti ako saka ko siya hinalikan sa mga labi. Isang simpleng halik na punong puno ng emosyon. Para bang sinasabi ng halik na yon ang mga bagay na nasa loob ng puso ko. Yung ilang araw na pananabik ko sa kanya. At yung bawat sakit na nararamdaman ko sa tuwing kasama niya si Steph."Why?"
Natigilan ako dahil sa tanong niya.
"Anong why?" Kunot noong tanong ko rin sa kanya.
"Why did you stop?"
"Ha?" Napalunok ako. Mukhang alam ko ang nasa isip niya.
"Marami ka ng utang sa akin. Handa ka na bang magbayad?"
Sinasabi ko na nga ba. Ang tinutukoy niya ay yung batas na ginawa niya noon. Kapag sinabi ko ang pangalan ni Kiel isang halik sa labi niya ang kapalit. Hindi pa niya naaalala ang batas na yon noon kaya kahit masabi ko sa harap niya ang pangalan ni Kiel ay wala siyang ginagawa. Pero ngayon ibang usapan na ito. Alam na alam niya na ang tungkol sa bagay na yon. Kaya wala na akong takas pa.
"Ah. Haha. Love pwede next time yan? Mamasyal na muna tayo." Yaya ko sakanya. Tutal nandito kami para icelebrate ang birthday ko.
"Tss. Alright. Your wish is my command my love." Sabi niya bago ako hinawakan sa kamay at naglakad patungo sa una naming destinasyon.
Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang lugar na ito. Sobrang ganda sa Disneyland. Pangarap ko lang ito noon. Pero ngayon totoong nandito na nga ako. At ang nakakatuwa pa nito ay kasama ko ngayon ang taong mahal ko.
Nagpunta kami sa Monsters Inc. Sobrang nakakatuwa. Para akong bumalik sa pagkabata. Pagkatapos namin doon ay sa Fantasyland naman ang sunod naming pinuntahan. It was so magical. Parang nabuhay lahat ng mga bagay na nababasa at napapanood ko lang sa tv noon.
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Short StorySa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...