Kiel's POV
Kanina ko pa hinihintay ang secretary ko. Ilang tawag na rin ang ginawa ko pero hindi niya ako sinasagot. Naisip kong baka may nangyaring hindi maganda. Balak ko na sanang umalis sa event ng bigla akong sinalubong ni Kate.
"Sir ito ba ang kailangan niyo?" Sabi niya habang hinihingal pa. Halatang nagmadali siyang magpunta rito.
Inabot ko naman ang mga papel na binigay niya.
"What happen? Nasaan si Sherry?" Tanong ko sakanya.
"May LBM ang secretary mo Sir kaya ako ang nagpunta dito. At may kailangan din ako sayo kaya ako nandito."
Mukhang alam ko na ang tinutukoy niya. Napatingin ako sa paper bag na hawak niya. Nakalagay doon ang isang itim na coat. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa hawak niya agad niya itong itinaas at inabot saakin.
"Sayo ang coat na ito diba? Ikaw yung naghatid saakin sa bahay noong gabing nalasing ako sa bar. Tama?"
Nakatingin lang ako sa kanya sa mga sandaling ito. How can I lie in front of her? Alam kong kasusuklaman niya ako kapag ginawa ko yon. And I can't let that happen again.
"Oo ako nga ang naghatid sayo ng gabing yon." Sabi ko habang inaabot sakanya ang paper bag na dala niya. Pero hindi ko pa ito nahahawakan ng bigla niya itong bawiin.
"Ikaw rin ang nagpapadala saakin ng mga bulaklak tama?" Seryoso siyang nakatingin saakin at naghihintay ng sagot.
"Yes." Maikling sagot ko. I can't hide it anymore. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero wala na akong dahilan para itago pa yon sakanya.
"Bakit mo to ginagawa? Yung tungkol sa free breakfast sa cafeteria at yung hangover soup ikaw rin ba ang may pakana non?"
"Oo. Ako lahat ang may gawa ng mga yon."
Nakita kong nagulat siya. Mukhang hindi niya inaasahan ang mga naging sagot ko.
"Bakit? Anong dahilan at ginagawa mo to Kiel?"
I look at her and I see how confuse she is right now. I move a step closer to her. I was about to tell her my answer when a familiar voice interrupted us.
"If you came here just to gossip you better leave this place now."
Sabay kaming napalingon ni Kate sa nagsalita. Nasa likod ko na pala si Lance at nakatingin saaming dalawa ni Kate. Nakita ko naman ang matatalim na tingin niya saakin. Hindi na ako nagtaka dahil sanay na ako sa ganyang klase ng tingin niya.
"Lance anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Kate na halatang nagulat sa nakikita niya ngayon.
"So you came here not to see me? Tss."
"Hindi ko alam na nandito ka Lance." Sagot ni Kate.
Lance just gave him a cold look and walk away to greet some guests. He didn't even bother to look back. Muli kong ibinalik ang paningin ko kay Kate na ngayon ay nakatingin na sa papalayong si Lance. Napakalungkot ng mga mata niya. Hindi ko na kailangan pang malaman ang dahilan ni Kate kung bakit siya umiiyak ng gabing yon sa labas ng bar. Sapat ng alam kong nasasaktan siya at si Lance ang dahilan nito.
Kate's POV
May mga bagay talaga sa mundo na kahit hindi mo sinadya kusa na lang mangyayari. Kagaya ng nararanasan ko ngayon. Hindi ko inakala na dito ako sa lugar na ito dadalhin ng tadhana.
Flashback
Naging mahirap para saakin ang harapin at kausapin si Lance. Pakiramdam ko oras na magkita kami at makausap niya ako, sasabihin niya na gusto niya si Steph at makikipag hiwalay na siya saakin. Kaya naman kahit gustong gusto ko siyang makita at makausap ay pinigilan ko ang sarili ko. Sumasagot pa rin naman ako sa mga text niya. Pero madalas ay hindi ko sinasagot ang tawag niya. Sa kabilang banda naman ay nalaman kong si Kiel ang naghatid saakin sa bahay ng gabing malasing ako. Balak ko sana siyang pasalamatan pero nasa business trip siya. At nang malaman kong nakabalik na siya agad ko siyang pinuntahan sa opisina niya. Pero wala akong nakita doon. Kahit ang secretary niya ay hindi ko nakita. Palabas na sana ako ng opisina ni Kiel ng masalubong ko si Sherry. Ang secretary ni Kiel.
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Short StorySa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...