Kate's POV
Masama ang loob ko habang papunta kami sa airport. Unang araw namin bilang mag asawa ni Lance pero hindi ko man lang nagampanan ang papel ko bilang isang asawa niya. Tanghali na kami nagising. At hindi na ako nakapaghanda pa ng agahan namin. Nakakainis lang dahil isa yon sa pangarap kong gawin kapag mag-asawa na kami.
"Mommy!"
Agad kaming sinalubong ni Kiefer pagpasok namin sa airport.
"Mommy I'm glad you came. I won't be sad anymore." Niyakap niya agad ako ng mahigpit.
"I made a promise to you Kiefer. Kailangan ko yong tuparin." Sabi ko sakanya habang yakap yakap ko siya. Nakita ko sa di kalayuan sila Kiel kasama ang mga kaibigan namin at ang kapatid niyang si Kath.
"But Mommy someone made a promise to me also. But she's not here. That's why I'm a little sad."
"Ha? Sino yon Kiefer?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Si Princess po Mommy. She said she will also go here today. But she's not yet here." Malungkot na sabi niya. Napatingin naman ako sa asawa ko. Alam kong narinig niya ang sinabi ni Kiefer.
"Love pwede mo bang tawagan si Steph? Baka papunta na sila dito ni Princess. Hinihintay kasi siya ni Kiefer dito."
"Alright. But let's go to them first. Kanina pa sila nakatingin sa atin." Agad naman akong napatingin sa harapan namin. Nandoon na sila Lex kasama si Kiel. Hinawakan ko ang kamay ni Kiefer at naglakad na kami papunta sa kinaroroonan nila Lex. Si Lance naman ay nakasunod sa amin habang tinatawagan si Steph.
"Nandito na ang newly wed couple!" Masayang bati sa amin ni Charm. Napangiti na lang ako dahil isa isa nila akong tinutukso ngayon. Si Kiel naman ay nakatingin lang sa amin. I know he is also happy for me. But at some point I think his eyes are saying something. Is he sad? Napansin ko rin ang pagtingin tingin niya sa orasan niya. Malapit na silang umalis pero may kutob akong hindi panatag ang loob niya. It's unusual. Hinayaan ko na lang siya. Tutal nasabi ko naman na sakanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Lance is still cautious around him. But at some point I know he already accepted him as his friend.
"She's not answering her phone. I don't know if they were coming here today." Sabi ng asawa ko. He failed to contact Steph. Nakita ko naman na biglang nalungkot si Kiefer.
"Don't worry Kiefer. You can call her on facebook. Or you can also chat there. Don't be sad baby. I'm sure Princess has a reason why she's not yet here." Kinausap ni Kath ang pamangkin niya para hindi na ito malungkot pa. Mabuti na lang at mabilis makaunawa si Kiefer. Medyo nawala yung lungkot sa mukha niya.
"Kiefer it's time to go. Say goodbye to your Tita Kath and to her friends." Sabi ni Kiel.
Parang gusto kong maiyak. Ito ang unang beses na mawawalay ako kay Kiefer ng mahabang panahon. Pwede pa naman silang bumisita dito pero matatagalan pa yon. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng asawa ko. Alam kong gusto niyang pagaanin ang loob ko. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay naming sinulyapan ang papalayong imahe nila Kiefer hanggang sa tuluyan na nga silang nakaalis. Ilang minuto rin kaming nanatili dito nang maisipan na naming umuwi. Pero hindi namin inaasahan ang pagdating nila Steph kasama si Princess.
"Ay nako girl perfect timing ka talaga. Kakaalis lang nila Kiel. Kami na lang ang inabutan mo." Sabi ni Kath na bahagya pang nadismaya dahil sa pagiging late ni Steph.
"Saan ka galing? Hindi mo na sila inabutan dito." Sabi naman ni Lance.
Tumawa lang si Steph sa amin na ipinagtaka ko.
"Ay mukhang may something. Teka don't tell me may balak ka?" Tanong ni Charm kay Steph.
"Omg! May balak ka ba?" Nagulat din ako sa pag react ni Lex.
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Short StorySa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...