Epilogue

285 20 4
                                    

"Ayoko na. Kung alam ko lang na ganyan ka hindi na sana ako nagpakasal." Sigaw niya sa asawa niyang kapapasok lang sa kwarto nila.

"Huminahon ka. Tataas na naman ang presyon mo kapag nagalit ka."

"Bakit mo ba kasi ako pinakasalan? Wala ka rin namang ginawa kundi ang painitin ang ulo ko. Ayoko na. Maghiwalay na tayo." Sa loob ng limampung taon nilang pagsasama hindi na bago sa kanilang mag-asawa ang ganitong away.

"Makikipaghiwalay ka? Paano ako? Wala na akong kasama dito sa bahay."

"Bahala ka na sa buhay mo. Aalis na ako sa bahay na to." Giit ni Kate sa asawa niya.

"Okay. Papayagan kitang umalis. Pero bago yon pwede ka bang magluto ng paborito kong ulam ngayong gabi?"

"Ano? Hindi ka pa ba kumakain?"

"Hindi pa."

"Yan ang sinasabi ko. Gabi ka na natapos sa pag-aasikaso sa mga halaman mo. Ni hindi mo yata alam na gabi na. Teka maghahanda ako ng makakain mo." Lumabas si Kate nang kwarto upang magluto nang makakain ng asawa niya.

"Akala ko ay kumain ka na. Hindi na kita natabihan ng pagkain kanina. Ito lang ang naluto ko. Tikman mo kung okay ba sayo ang lasa."

Agad na tinikman ni Lance ang pagkaing niluto ng asawa niya. Napangiti siya dahil hindi pa rin nagbabago ang husay nito sa pagluluto. Hanggang sa naubos na nga niya ang lahat ng inihain sakanya ni Kate.

"Ayan. Sigurado akong hindi ka pa nakakainom ng gamot. Ito ang inumin mo ngayong gabi. Ugali mo pa naman ang makalimot. Sino na lang ang magpapaalala sayo ng mga yan kapag wala na ako dito." Iniabot ni Kate sa asawa ang gamot nito. Agad naman itong ininom ni Lance.

"Wala na." Malungkot na sagot ng asawa niya. Bahagya namang lumambot ang puso niya dahil dito. "Uminom ka na ba ng gamot mo?" Tanong niya kay Kate.

"Tapos na. Kanina pa habang hinihintay kita."

"Gusto mo pa rin bang iwanan ako dito?"

Natahimik si Kate sa tanong ng asawa niya. Hinawakan niya ang singsing sa daliri niya.

"Bakit gusto mo ba kong umalis?"

"Ha? Sabi mo aalis ka. Iiwan mo na ko."

"Gusto mo nga ba na umalis ako?" Muling tanong ni Kate sa asawa niya.

"Syempre hindi. Ayokong iwan mo ko."

"Edi hindi na ako aalis. Hindi na kita iiwan. Nagtampo lang ako dahil kanina pa kita hinihintay na umuwi. Tsaka isa pa paano ka kapag wala ako dito? Hindi ka mabubuhay ng wala ako."

Lance gave her wife a genuine smile. He didn't really care what her wife said earlier. He knows she will stay.

"I love you." Mahinang sambit niya sa asawa niya.

Being married is such a roller coaster ride. From the moment you say "I do" you are now on the ride. It has it's ups and downs. High and low. Happiness and sadness. It's not always pretty. Sometimes it's hard. There are a lot of changes. Sometimes love may turn into hate. Often times you may wonder how did I end up with this person? What makes me want to stay in this kind of life? Is my partner really the best choice for me?

"Ano nga ulit ang gagawin natin bukas love?" Tanong ni Lance sa asawa niya habang nakahiga na ito sa kama.

"Hindi ka talaga nakikinig. Ang sabi ko ipasyal mo ako. Sa dati nating tagpuan."

"Ah. Iyon ba ang ibig mong sabihin? Sige. Bukas ihahanda ko ang pinakamagandang regalo ko para sayo."

"At ano naman ang regalong iyon?"

"Hindi ano. Kundi sino."

Nagtatakang napatingin sakanya si Kate.

"Sino?" Tanong niya kay Lance.

"Ako." Itinuro niya ang sarili niya. Nagkatinginan muna sila bago napagtanto ang mga bagay na matagal nang gumugulo sakanilang isipan.

Mababakas na ang katandaan sa mukha nila. Mahina na pareho ang kanilang pandinig. Sabay na silang umiinom ng gamot. At hindi na malakas ang kanilang mga tuhod. Pero nanatili pa rin silang magkasama. Sa kabila ng mga away. Sa dami ng mga problema sa buhay. At kung minsan ay hindi nila maintindihan ang isa't isa. Iisa lang ang palagi nilang sinasabi. Ang taong ito ay inilaan para manatili sa tabi ko habang buhay.

Lance knew it's not easy to love a woman like Kate. Her temper is like a roller coaster ride with full of twist. But he's fine with it. He can live with it. Kate knew how childish Lance can be. He acts so immature that sometimes it makes him so annoying. But she's okay with it. She can manage it. Two people with two different lives. Different personality. Took the risk of falling in love. And  now giving their all to stay in love. They will still fight. They will still be sad. They will still wonder. But at the end of the day it's all worth it. And now as time passes by they will finally say indeed there is still a love that last for a lifetime.




















A/N: Ito na talaga yung ending. Wala na pong kasunod. Salamat sa pagbasa sa love story nila Lance and Kate. Sigurado akong may forever sakanila. Hehe. Sa mga solid readers ko mula noon hanggang ngayon mahal na mahal ko kayo! Sa mga new readers ko welcome po! Patuloy niyo po akong suportahan bilang isang manunulat. 😊😊 Again thank you and Bye for now. 😁

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon