Kate's POV
Simula ng tanggapin ko ang katotohanang magkakaanak na si Lance sa iba ay hindi na siya nawala pa sa tabi ko. Palagi siyang may nakahandang sorpresa para sa akin. Kahit paulit ulit ko siyang sinasabihan na ayokong gumagastos siya ng malaki para sa akin ay wala pa rin siyang tigil sa pagsorpresa sa akin. He always makes me happy. He cares for me too much. And I can feel his overflowing love for me.
Alam kong bumabawi siya sa akin. Palagi siyang may pa 'special treatment' kahit alam niyang hindi ako sanay sa mga ganon. Lance is enough for me. Just his love makes my heart burst with joy. Kaya nga nang malaman kong magkakanak siya sa ibang babae kahit hindi madali ay natanggap ko pa rin siya. At isa lang ang nakikita kong dahilan kung bakit ko ito nagawa. Yon ay dahil mahal na mahal ko siya.
Gaya ng ipinangako ni Lance hindi siya nagpabaya kay Steph. Ibinigay niya lahat ng pangangailangan nito. Parati nga akong kasama sa tuwing my check up siya. Kahit alam kong hindi ako gustong makasama ni Steph ay hinayaan ko na lang siya. Wala rin naman akong magagawa dahil si Lance ang may gusto na magkasama kami sa mga check ups nila. Nang simula ay madali pa sa amin ang lahat. Hindi pa kasi alam ng iba ang tungkol sa pagbubuntis ni Steph. Pero pagkalipas ng isang buwan ay mahahalata na ang paglaki ng tiyan niya. Mas nagiging maselan na siya at panay ang mood swings niya.
"Don't you get it? Ayoko ng cold drinks. Just get me anything hot make it coffee or tea." Sigaw niya sa waitress. I am with her since this morning. May meeting kasi kami regarding sa progress ng project namin. Mas gusto niyang makipagkita sa akin sa coffee shop kesa sa loob ng opisina niya. Wala naman akong choice dahil parte ito ng trabaho ko.
"Steph hindi ba masama pag sobra sa isang baso ng kape ang iniinom mo? Alagaan mong mabuti ang sarili mo lalo na ngayong buntis ka." Sabi ko. Hindi ko masabi kung galit pa rin ba ako kay Steph. Pero sigurado akong hindi ko na maibabalik pa ang dati naming samahan noon.
"Just mind your own business Kate. If I know gusto mo ring mawala ang baby ko para masolo mo na si Lance."
"Anong sinabi mo?" Hindi ko nagustuhan ang paraan niya ng pananalita sa akin. Maging ang mga salitang binitawan niya ay hindi kaaya-aya sa pandinig ko.
"Whatever." Maiksing sagot niya na may halo pang pag-irap sa akin. Maldita na talaga siya ngayon. Dinaig pa yata niya si Bea sa sobrang sungit niya sa akin. Batid ko namang mahal niya si Lance. Pero kung ako ang nasa posisyon niya at alam kong may mahal ng iba ang taong mahal ko hindi ba dapat ko na siyang palayain? Is love really that selfish? Kaya ba hanggang ngayon ay nakakakapit pa rin siya kay Lance?
Ilang oras rin ang itinagal ng meeting namin. Nag-aayos na ako ng mga gamit ko ng bigla akong kausapin ni Steph.
"Umaasa ka pa ba na pakakasalan ka ni Lance?" Tanong niya habang nakatingin sa daliri ko kung saan nakasuot ang engagement ring ko. "Don't get your hopes high Kate. You will never have a place in their family." Mababakas ang kasiguraduhan sa tono ng boses niya. Pero hindi ako nagpatinag sakanya.
"Sino ang may lugar sa pamilya nila? Ikaw? Bakit? Dahil ba may anak kayo?"
"I'm just telling you the truth. Sooner or later magiging parte na rin ako ng pamilya nila. My child will be a part of their family. And you? Anong laban mo sa akin? Your love? Your promises? Come on Kate. That's nothing compare to my child. Once this child is born you will be just nothing but a mistress."
Hindi ko napigilan ang sarili ko na mainis sakanya. Inuubos talaga ng babaeng ito ang pasensya ko.
"Ikaw ang naanakan pero hindi ikaw ang mahal. Magsilang ka man ng ilang sanggol hindi ikaw ang mamahalin ni Lance. You will never have a place in his heart Steph. He will never love you. Kasi ang taong mahal niya ay ako. Hindi yon magbabago kahit manganak ka pa ngayon." Sumbat ko sa mga sinabi niya. Akala yata niya ang hindi na ako lalaban dahil lang sa buntis siya.
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Historia CortaSa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...