Kate's POV
Nakalabas na nga si Lance sa ospital. At bago pa siya tuluyang makauwi sa bahay nila ay nagkasundo na kami. Magkikita kami bukas. Excited na ako dahil yon ang magiging unang date namin pagkatapos ng tatlong taon.
-
Nagkita kami sa foodcourt. Dito sa mall kung saan kami dati nagkaroon nang dare nila Lex. Naisip ko na baka maalala niya ang eksena kung saan kami mas naging malapit sa isa't isa."Why here?" tanong niya.
"Kasi dito tayo nagsimulang maging close. Nakawhite jacket ka kasi noon. At nagkataon na nagkaroon kami nang dare nila Lex dito. Naalala mo? Yung eksena kung saan ka nakatayo dati?"
Tumayo ako at inarte ang eksenang nangyari noon. Mula sa pagkasabi ko sakanya ng 'I love you' hanggang sa pagpigil niya saakin sa pagtakbo.
Masigla ko yong ginawa sa harap niya pero wala siyang ginawa maliban sa tignan lang ako. Na para bang wala siyang idea sa mga ginagawa ko."Ah Lance? May naalala ka na ba?" tanong ko.
"To be honest? I don't recall any scene like that. Is it worth remembering?"
Literal akong napanganga sa harap niya. Bukod sa nagmukha akong baliw sa pang gagaya sa eksena na yon nasaktan din ako sa mga sinabi niya.
"You know what, let's just eat. Gutom na ako. I know a good place to eat."
"Sige." walang ganang sabi ko.
Nagpaubaya na lang ako sakanya. Bigla kasi akong nanghina dahil sa naging pag uusap namin kanina.
"Dito? Dito tayo kakain?"
Nasa harap na kami ng resto na gusto niyang kainan.
"Yes. Bakit may problema ba? Parang nagulat ka na dito tayo kakain."
"Ha? Ah kasi ano e. Kumain na tayo dito dati. Nagulat lang ako na alam na alam mo pa rin ang resto na to."
"Ah ganon ba? I really like this place. Ito kasi ang palagi naming kinakainan dati ni Steph. The food is great."
Steph? So naalala niya to dahil kay Steph? Bigla na naman akong nanlumo.
"Hey! Ano pang hinihintay mo diyan? Pumasok ka na."
Agad naman akong nagmadaling sumunod sakanya. Ewan ko pero ang awkward ng dating namin. Magkasama kami pero may iba siyang ginagawa. Kanina pa kasi siya busy sa cellphone niya. Nag order siya at gaya ng dati iyon pa rin ang pagkain na inorder niya.
Ang saya sana ng ganitong eksena kung gaya pa rin kami ng dati. Kung sana lang ay naaalala niya yung mga bagay na ginawa namin dati. Kahit pa nga sabihin na nagtatalo kami noon at inis na inis pa ako sakanya.
Natigil ako sa pagbabalik tanaw ng bigla niya akong tignan. Kinabahan ako. Hindi ako sanay sa mga biglaang tingin niya saakin.
"Anong iniisip mo?"
"H-ha?" nakakagulat ang biglaang pagtatanong niya.
"O kaya naman sinong iniisip mo? May gumugulo ba sa isip mo?"
Te-teka? Nangyari na to ah. Ganito din siya magtanong saakin dati.
"Ikaw. Iniisip kita Lance. Iniisip ko kung ano ba ang nararamdaman mo ngayon."
Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya saakin. Pero mababakas na walang emosyon ang mga tingin na yon. Alam ko dahil kilala ko ang mga mata niya noon. Ibang iba na yon ngayon.
"Don't mind me. Just eat. Masarap ang pagkain diba?"
"Oo masarap. Pero mas masarap yung pagkain noon. Kahit na pagod ako dahil sa pagbitbit ng mga pinamili mo at inis na inis ako dahil ginawa mo akong alila. Mas gusto ko yon Lance. Yung dating ikaw."
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Short StorySa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...