Chapter 30

282 11 7
                                    

Kate's POV

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Daig ko pa ang sumali sa marathon. May aircon naman dito sa kwarto pero pinagpapawisan ako ngayon.

"Hey look at me. Bakit nakatakip yang mukha mo?" Sabi ni Lance. Mapang akit pa rin ang tono ng boses niya. Napalunok ako.

"Ka-kasi Love nakakabigla ka. Bigla kang naghuhubad sa harap ko!"

Narinig ko ang malakas na pagtawa niya. Tignan mo tong siraulong to. Tatawa tawa pa. Samantalang halos maubusan na ko ng hangin dito dahil sa kaba.

"Silly. Paano mo makikita ang tatu sa dibdib ko kung hindi ko tatanggalin ang damit ko?"

Ano daw? Tatu?
Agad kong tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko. At tinitigan ang sinasabi niyang tatu. Totoo nga ang sinabi niya sa akin noon. Katulad na katulad ito ng kwintas na meron kami.

"Bakit mo to ginawa? Anong dahilan at meron ka niyan?" Tanong ko. Ngayong naaalala na niya ang lahat siguro naman ay maipapaliwanag na niya sa akin ang mga bagay na gusto kong malaman.

"I know you won't like it. But please don't get angry because of what I did. Yan ang mga salitang sinabi ko sayo bago ang engagement party. Ang bagay na tinutukoy ko ng mga oras na yon ay ito. Ang pagpapalagay ko ng tatu."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Alam kong nasabi nga niya yan sa akin.

"Ang bagay na ginawa mo na ikakagalit ko at hindi ko magugustuhan ay ang tatu na yan?"
Tumango siya.

"I think it all started because of this. Dati hindi ko alam kung bakit meron ako nito. But now I understand everything. All the misunderstandings are because of this. Alam kong hindi mo gusto ang magpalagay ako ng tatu. Pero ginawa ko to dahil may matinding rason ako."

Napaisip ako. Totoo ang mga sinabi niya. Noon pa man tutol na talaga ako sa kagustuhan niyang magpalagay ng tatu. Kaya nga nagtaka rin ako ng sabihin niya sa akin na meron siyang ganon sa dibdib niya.

"I lost my necklace."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"What?" Parang hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"One week bago ang engagement natin ay nagkaroon kami ng event dito sa Cebu. It was such a nice event. Naalala ko pa na hindi ka nakasama sa akin dahil tinatapos mo ang ibang mga trabaho mo bago ka magfile ng leave. Bago matapos ang event ay nagkaroon kami ng party. That day I lost my necklace. Nagkaroon ng sunog sa lugar na pinag ganapan ng party. Lahat kami ay nagpanic. Hindi ko alam kung paano nawala sa akin ang kwintas. Basta napansin ko na lang na hindi ko na ito suot paglabas ko sa venue. I tried to look for it. Naghire na ako ng mga tao para maghanap pero wala silang nakita. Posible daw na nasunog na ito o kaya naman may ibang tao na ang nakapulot nito."

Ganon pala ang nangyari. Mahalaga saamin ang kwintas na yon. At sa aming dalawa ni Lance mas maingat siya sa gamit kumpara sa akin.

"Kaya ako nagpunta sa ibang bansa dahil hinanap ko ang taong gumawa ng kwintas natin. Si Serena Legazpi. I didn't have the courage to tell you I lost my necklace. Kasi nangako ako, nangako tayo sa isa't isa na hindi natin ito iwawala. Umalis ako sa bansa ng hindi kita nakikita. Kasi hinahabol ko si Serena. Nahirapan akong makita siya dahil sa iba't ibang lugar siya pumupunta. Hindi naman ako nabigo dahil nagkita rin kami ni Serena. I asked her to make a new necklace for me. I even made a great offer para lang pumayag siya pero hindi niya ginawa. Nakulitan yata siya sa akin kaya may sinabi siya na hindi ko talaga nagustuhan." Pagpapatuloy niya sa kwento niya kanina. Nakita ko pa ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya.

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon