Chapter 50

261 10 0
                                    

Kate's POV

Matapos naming malaman ni Lance ang magandang balita agad namin itong ipinaalam sa mga magulang namin. Inaasahan na namin na matutuwa sila. Pero hindi ko inakala na darating sila dito sa bahay kahit malalim na ang gabi.

"Naku sana babae ang magiging baby niyo." Masayang sabi ng mama ni Lance. Sang ayon naman sakanya si Mama.

"Dapat lalaki ang maging panganay." Sabi naman ng Papa ni Lance. Sumang ayon rin naman dito ang lolo ni Lance.
Nakakatuwa nga na nagtatalo na agad sila sa kasarian ng magiging apo nila. Pati tuloy kami ni Lance ay nalilito sa kung sino ba ang papanigan namin sakanila. Nagkaroon kami ng kaunting salo-salo sa bahay bago nila naisipang umuwi na.

Nang kaming dalawa na lang ng asawa ko ang natira sa bahay medyo nailang pa ako. Naalala ko bigla ang naging pagtatalo namin. At nahihiya ako dahil sa mga nasabi ko sakanya. Lalo na yung tungkol sa pakikipaghiwalay.

"You should rest. Hindi ka dapat nagpupuyat." Sabi ng asawa ko ng makitang gising pa ako at hindi pa natutulog. Katatapos niya lang magshower at ngayon nga ay naghahanda na siya para matulog. Tumabi siya sa akin dito sa kama.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang mag-isip ng tungkol sa bagay na yon Love." Nahihiyang sabi ko. Hindi muna siya kumibo pero ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang kamay niya sa bewang ko.

"It's okay. I understand. Dala lang yon ng stress. I know you don't really mean it."

"Talaga? Pinapatawad mo na ko?" Paniniguro ko.

"Yes. You are forgiven." Sagot niya sabay halik sa noo ko. That simple kiss made me really happy. I know how much Lance love me. Pero ayokong abusin ang pagmamahal na meron siya para sa akin.

"Thank you." Nakangiting sabi ko bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko para matulog.

Lance's POV

Isa na yata sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko ang malamang buntis na ang asawa ko. Ilang taon din namin itong hinintay. At ngayon nga ay sinagot na ng Diyos ang matagal na naming panalangin.

"Mike is everything ready?"

"Yes Sir. Nasa kotse niyo na po ang mga durian." Sagot niya. Ito ang request ng asawa ko. Kahapon ay gustong gusto niyang kumain ng durian. Galing pa sa Davao ang mga durian na pinabili ko kay Mike kaya siguradong magugustuhan ito ng asawa ko.

"Good. Thanks Mike. Ikaw na ang bahala dito. If anything happens just report it to Ms. Kim."

"Noted Sir. Ingat kayo sa pag-uwi."

I just nod and smile at him. Parang kapatid na ang turing ko kay Mike. Mula noon hanggang ngayon ay lagi siyang nasa tabi ko. At isa pa napakahusay niya ring magpayo. Lalo na noong unang taon namin bilang mag-asawa ni Kate. Siya ang isa sa mga taong nagbigay sa akin ng magagandang payo sa buhay may asawa.

"Hi love! Nandito na ko. May dala ak-"

"Love ilayo mo sakin yan. Anong klaseng amoy yan?" Nagtaka ako dahil sa biglang pagbabago niya. Kahapon lang ay itong durian ang gusto niyang kainin.

"Durian. Diba ito ang gusto mong kainin?" Napakunot ako ng noo habang tinitignan ko siya kung paano niya takpan ang ilong niya at masamang nakatitig sa akin.

"Ayoko niyan. Hindi ko na gustong kainin yan. Ilayo mo muna yan -" Hindi na niya natapos pa ang gusto niyang sabihin dahil tila naduduwal na siya. Agad siyang nagpunta sa cr at doon niya ginawa ang kanina lang ay muntik na niyang gawin sa harap ko.

Hindi na ako nagulat. Ilang beses na rin naman itong nangyari sa akin. Noong nakaraang linggo lang ay muntik pa kaming mag-away dahil sa ice cream na pinabibili niya. Isang flavor lang naman ang alam kong gusto niya. Strawberry flavor. Kaya iyon ang binili ko. Pero pagdating ko hindi daw ako nagtanong kaya hindi ko nabili ang flavor na gusto niyang kainin. Yung gusto pala niya ay yung mango cheesecake na flavor ng ice cream. Wala akong nagawa kundi ubusin ang strawberry ice cream ng mag-isa dahil hindi niya ito kinain. Madalas na ang pagiging moody niya at minsan maselan na rin siya sa pagkain. Pero kahit ganito siya hindi naman ako nagrereklamo. Masaya pa nga ako dahil nararanasan ng misis ko ang tinatawag nilang paglilihi. Dinala ko sa kusina ang hawak kong durian. Nagbihis lang ako sandali saka ko siya sinaluhan sa pagkain ng gabihan.

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon