Chapter 18

258 16 6
                                    

Lance's POV

This day is so special. Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Finally, this day has come. Unti unti nang napupuno ang mga bakanteng silya at isa isa nang dumarating ang mga bisita. Matinding kaba naman ang bumabalot saakin ngayon habang hinihintay ko ang magiging bride ko. Isa isa nang nagmamartsa ang mga ninong at ninang, mga flower boys at flower girls. Pati na rin ang mga bridesmaids at groomsmen. Sumunod ang best man at maid of honor. At sa wakas nakikita ko na sa dulo ng simbahan na ito ang babaeng pakakasalan ko. Nakasuot siya ng isang mahabang puting gown at natatakpan ng belo ang kanyang mukha. Habang papalapit siya saakin ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Nang makalapit na siya ay agad ko nang kinuha ang kamay niya at sabay kaming humarap sa altar.
Habang ginagawa ang seremonya at nagmemensahe ang pari ay hindi ko maiwasang mapatingin sa babaeng kasama ko. May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko.

"And now you may kiss the bride." Sabi ng pari. Humarap ako sa aking bride. Kanina ko pa gustong makita ang mukha niya. Pero natatakpan ito ng puting belo. Kaya namang unti unti kong inangat ang belo niya at -

"Lance?"

Naimulat ko ang mata ko nang makaramdam ako nang tapik sa balikat ko. At sa pagdilat ko mukha ni Kate ang bumungad saakin.

"Nakatulog ka kanina. Tapos na ang palabas." Sabi niya.

Oo nga pala. Nandito kami sa loob ng sinehan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Siguro side effect ito ng gamot na ininom ko kanina. Napatingin akong muli kay Kate. Nanaginip kasi ako kanina tungkol sa kasal ko. Pero hindi ko nakita ang mukha ng bride. Ngunit sa pagmulat ng mga mata ko ay mukha niya agad ang nakita ko. I don't know why but I just let my emotion rule me. I hold her face and kiss her. Nakita kong nagulat siya dahil na rin sa reaksyon ng mata niya. I can't control it anymore. I just close my eyes and start to move my lips to deepen the kiss. Naramdaman ko naman ang pagtugon ni Kate sa mga halik ko. Wala kaming pakialam kahit may mga nagbubulungan na sa tabi namin. Tapos na kasi ang palabas at nagsisi tayuan na ang mga tao dito palabas ng sinehan. Nang matapos ko siyang halikan bigla akong nagsisi dahil sa mga luhang pumatak sa mata niya.

Damn it! Napamura na lang ako sa isip ko. I'm such a jerk!

Kate's POV

Hindi ko mapigilang umiyak nang halikan ako ni Lance. Ganitong ganito ang naramdaman ko noong unang beses niya akong halikan sa harap ng maraming tao. Ito yung klase ng halik na ginawa niya pagkatapos niyang sabihin na mahal niya ako. Napaiyak ako hindi dahil sa ayaw ko sa halik niya kundi dahil namimiss ko na ang dating Lance. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin pala niya ako naaalala.

Flashback

"The tattoo is your wish." Sabi ko.

Tapos na ang laro namin. Kung ako man ang manalo ay hindi na mahalaga. Ang importante ay kung ako ang isasagot ni Lance sa tanong ko.
Naaalala na kaya niya ako?

Naghintay ako sa isasagot niya. Iniisip ko na sana tama ang sagot ko. Na sana totoong naaalala na nga niya ako.

"Your answer- " malakas ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang sasabihin niya. "- is wrong." Ngunit naglaho ang pag-asa ko dahil sa sinabi niya.

"I have a tattoo. And in fact I really wish to remember you Kate. I really want to remember you but I still can't."
Sagot niya.

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon