Kate's POV
Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na rin kaming umuwi. Inihatid ako ni Kiel dito sa bahay.
"Kate anak may sulat ka pala dito.
Kanina lang naibigay saakin ni Aling Chona." Sabi sakin ni mama."Ganon ba. Anong sulat daw po ito?" Tanong ko habang inaabot ang sulat sakanya.
"Hindi ko alam anak. Noong nakaraang araw pa pala yang sulat na yan. Wala kasing tao dito sa bahay kaya nagpresinta na si Aling Chona na kunin yan. Hindi nga lang niya naibigay sayo agad dahil biglang sinugod sa ospital ang asawa niya. Kakauwi nga lang nila kanina nang iabot niya yan saakin." Paliwanag ni mama.
Agad ko namang binuksan ang sobre at laking gulat ko nang makita ang laman nito. Isang invitation sa event at galing mismo ito kay Lance. Kaya pala ganon na lang ang inis niya nang tanungin ko siya kung bakit siya nasa event na yon. Mukhang inaasahan niyang darating ako dahil nagpadala siya saakin ng invitation.
Nakaramdam ako ng lungkot at panghihinayang. I failed again as her girlfriend.Kinuha ko ang cellphone ko para sana tawagan si Lance pero nakita kong lowbat na pala ito. Kinuha ko ang charger sa drawer ko at sinimulang icharge ang cellphone ko. Nang mabuksan ko ito ay sunod sunod na text ang natanggap ko galing kay Lance.
"Answer my call."
"Where are you? I can't call you."
"Kate? Text me if you read this."
"Did you get home safe? Message me if you arrive home safe."
Marami pa siyang text saakin. Pero ang pinakahuling text niya ang nagpakabog sa dibdib ko.
"Nandito ako sa tapat ng convenience store malapit sa bahay niyo. If you read this message can you go here? I want to see you."
Natatakot ako na baka gustuhin na niyang makipag hiwalay saakin. Pero sa kabilang banda mas nanaig yung kagustuhan ko na makita siya. Na makausap siya. Na makasama ko siya. Kaya naman agad akong nagpunta sa lugar kung saan siya naghihintay. And there I saw him standing beside his car looking at the store as if his in deep thoughts. Napansin niyang papalapit na ako sakanya kaya naman agad niyang itinuon ang paningin niya saakin.
Lance is so handsome. Seeing his serious face makes me nervous. Mas tumindi ang kaba ko nang makalapit na ako sakanya. He is staring at me intensely.
"Pasensya ka na hindi ko nasagot ang tawag mo. Naka silent kasi kanina ang cellphone ko. At pag-uwi ko naubusan na ng batterya ang cellphone ko." Paliwanag ko sakanya. Kinabahan ako ng ilang minuto na pero hindi pa siya nagsasalita.
"Lance may problema ba?" Tanong ko sakanya. Nag iwas siya ng tingin saakin nang tanungin ko yon.
"Hindi ko alam. Siguro may problema nga." Sagot niya. Medyo matamlay ang boses niya. At sa tingin ko may malalim siyang iniisip.
"I see. Ako ba ang dahilan ng problema mo?" Umiling siya. Parang gusto kong magsisi na pinuntahan ko siya ngayon. Sa tingin ko kasi gusto na niyang makipaghiwalay saakin. Pero hindi niya lang alam kung paano.
"It's not you Kate. It's me." Sabi niya.
That famous line again. Marami ng pinaiyak ang linyang yan. At mukhang makakasama na ako sa listahan ng mga taong nasaktan dahil sa mga salitang yan.
"Lance pwede ba akong magtanong?"
"Sige. Anong tanong mo?" Sabi niya.
Seryoso akong tumingin sa mga mata niya.
"Gusto mo ba si Steph?"
Nakita kong nagulat siya sa tanong ko. Maski ako ay nagulat dahil sa lakas ng loob kong itanong yon. Alam ko naman ang sagot. Pero parang ayokong maniwala. Ayokong sumuko na lang agad. Hindi ko pa kayang sumuko ngayon.
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Short StorySa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...