Chapter 47

308 18 10
                                    

Kath's POV

Nalaman kong nagmamatigas na naman si Lance kay Kate. At dahil masaya ang lovelife ko tutulungan ko si Kate para magkipag-ayos kay Lance. It's comeback time. Hehe. Pakana ko ang lahat. Mula sa pag kidnap kay Kate hanggang sa pagtawag kay Lance. Mga bodyguards ko ang kasabwat ko. Buti nga at hindi sila nabuko. Na-train ko yata sila ng maayos sa pag akting. Okay na sana ang lahat. Nagkaaminan na sila. Kaya lang hinimatay si Kate sa harap mismo ni Lance. At ngayon ay pinapatay na ako sa tingin ng lalaking akala mo kriminal dahil sa talim ng mga titig niya sa akin.

"Alam ko mali ako. Pero hindi naman napahamak si Kate. The doctor said she's fine. Masyado lang siyang nagulat sa nangyari." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Sa susunod na gawin mo pa yon sa amin hindi ako mag dadalawang isip na ipakulong ka." Seryosong sabi niya.
"Magdasal ka na. Kapag hindi pa nagising si Kate hanggang mamaya ipapadampot kita sa pulis."

Grabe siya. Ako na nga ang tumulong sa kanila na magkaayos ako pa ang masama. Grabe talaga ang lalaking to.

"Lance think again. Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin. Kasi kung hindi dahil sa ginawa ko hindi mo mare-realize na mahal mo pa rin si Kate. Buti nga at hindi totoong tuluyan na siyang nawala sayo. Sometimes you just realize a person's worth when they are gone. And I know that feeling. Naranasan ko nang mawalan ng taong minamahal. Kaya hindi ako papayag na mangyari yon kay Kate. Kaligayahan niya ang tanging hangad ko." Paliwanag ko sa kanya. Hindi ko naman ginusto na mapahamak si Kate. At isa pa wala naman sa peligro ang buhay niya. Dala lang talaga ng gulat kaya siya nahimatay. Masyado lang talagang oa mag react si Lance. Well I can't blame him. He loves her too much. Ilang sandali pa ay dumating na sila Stephanie at Kiel. Sila ang nakipag-usap sa mga pulis dahil mas alam nila ang gagawin sa mga yon. Stephanie is a well known lawyer now. Siya na ang nagpapatakbo ng law firm ng daddy niya. She can handle this simple matter for me. Besides siya naman ang humingi ng tulong sa akin. Hindi ko nga lang sinabi sakanya na ganito ang plano ko. Naabala ko pa yata ang mga pulis dahil sa ginawa ko.

"Sa susunod na gagawa ka ng kalokohan magsabi ka muna Kath." Sermon sa akin ni Kiel.

"Pati ba naman ikaw? Look Kiel, if I told you my plan it will surely fail. Mas konti ang nakakaalam mas makatotohanan."

"You mean may ibang tao pang nakakaalam nito maliban sayo?" Tanong ni Stephanie.

"Yes. Ang mama ni Kate. At ang mga kaibigan niya. Magkakasama kaming lahat sa bahay nila Kate kanina habang hinihintay ang report ng mga bodyguards ko." Paliwanag ko sakanila.

Sandali pa kaming nanatili sa ospital bago kami nagpasyang umuwi na. Dumalaw ang mama ni Kate at kinausap sandali si Lance sa labas. Aalis na sana ako nang biglang nagising si Kate.

"Nasaan ako? Nasaan si Lance?"

Poor girl. Niyakap ko siya nang mahigpit. Si Lance agad ang hinanap niya paggising niya.

"Hay Kate! Sa wakas nagising ka na. Akala ko matutulog ako ngayong gabi sa kulungan e."

"Ha? Bakit mo nasabi yan Kath?"

"Si Lance kasi. Nagalit siya sa ginawa ko. Sorry Kate pakana ko ang lahat. Mga bodyguards ko ang kumuha sayo kanina. Hindi ka totoong na kidnap. Ako ang nag-utos non." Paliwanag ko sakanya habang humihiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Ano? Bakit mo ginawa yon Kath?"

"E kasi ang tigas ng ulo ni Lance. Kailangan ko siyang turuan ng leksyon. Kung hindi pa ako kumilos wala yata siyang balak na makipag-ayos sayo. Mahal niyo ang isa't isa. Kaya wag niyo ng pahirapan pa ang mga sarili niyo."

I'm glad I did it. Hindi talaga ako nagsisisi na ginawa ko yon. Maingat naman ang mga bodyguards ko. At pekeng baril ang hawak nila. Mukha lang talagang totoo ang mga iyon. Wala naman talagang taong masasaktan. Ang hindi ko lang nakontrol ay yung tumawag sila ng mga pulis at yung nahimatay si Kate kanina.

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon