Chapter 34

204 11 4
                                    

Lance's POV

Damn! Wala akong ibang nagawa nang ilapit niya ang mga labi niya sa labi ko. Sa bilis ng mga pangyayari ay tanging ulo ko na lang ang naigalaw ko para iwasan ang halik niya. Subalit naramdaman ko ang dampi ng labi niya sa pisngi ko. Damn it! Why the hell this girl is so strong? Is he using a technique? Pinilit kong igalaw ang katawan ko pero huli na dahil nagawa na niya kong ikulong gamit ang mga braso niya. Para kaming nag i-sparring ngayon.

"Do you really love her? Hindi ka ba pwedeng tumingin sa ibang babae kahit ngayon lang?"

"I can. If I want to I can still look in any other girls around me. But I don't want to do it. I don't want to hurt the one I love."

Hindi ako nakarinig sakanya ng ingay. Kaya naman nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Kung may babae man akong titignan si Kate lang yon at wala ng iba."

"She's so plain and boring. Anong nagustuhan mo sakanya?"

"Lahat gusto ko sakanya. Yung buong pagkatao niya ang minahal ko."

Natahimik siya. Ang akala ko ay may gagawin pa siyang iba pero nagulat ako ng bigla siyang tumayo at nagsimulang tumawa ng malakas.

"Ahahahahaha! Hahahahaha!"

Nababaliw na yata ang babaeng ito. Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya. Tumayo ako at tinignan siya ng masama.

"What the hell was that? Are you crazy?"

Tumigil siya sa kakatawa at tinitigan ako sa mata.

"No. I was just happy. But not for you. You know I will always support my brother. Alam kong kaya niyang pasayahin si Kate."

Nagpantig ang tainga ko sa narinig ko. The way she say it really pissed me. Parang nainsulto ako sa sinabi niya.
Dahan dahan niyang isinuot muli ang maiksing dress na suot niya kanina at nagsimula ng maglakad papasok sa beach house.

"Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo? Hindi ko ba kayang pasayahin si Kate? Baka nakakalimutan mo na hindi si Kiel ang mahal niya kundi ako."

Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ako.

"Kung hindi mo siya kayang protektahan laban sa mga tao sa paligid mo hinding hindi kayo magiging masaya. Pero sa ngayon panalo ka Lance. You passed your challenge. Though I'm a bit hurt. Hindi tumalab ang charm ko sayo. Feeling ko tuloy ang pangit ko na."

What the heck is she saying?

"You mean this is all a part of your challenge?" Nalilitong tanong ko sa kanya.

"Yes. As if naman na magugustuhan kita. Hahaha! Sinasabi ko na nga ba at may talent talaga ako sa acting. Hindi mo nahalata? Ang galing ko kasing umarte." Proud na sabi niya.

Damn! That's true. Akala ko talaga totoo ang mga sinabi niya sa akin. She's really good in acting. Muntik na talaga akong maniwala kanina sa mga ginagawa niya. Mabuti na lang at acting lang ang lahat.

"Ibig bang sabihin niyan pwede na kaming magkaroon ng comeback? Tapos na ba ang challenge niyo sa akin?"

"Hindi kita masasagot diyan Lance. But all I can say is that we're leaving tomorrow. So you have your own time now with Kate."

Hindi ko mapigilang ngumiti nang marinig ko ang sinabi niya. Sa wakas magagawa ko na rin ang matagal ko ng pinaplano.

Kate's POV

Ilang oras din kaming nag-uusap nila Lex tungkol sa mga bagay sa buhay namin. Nakakatuwa nga na para kaming nag throwback sa mga pinagdaanan namin noong nasa college pa kami.

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon