Kate's POV
Umalis ako nang maaga para maghanap ng location. Buti na lang kahit bad mood ako nagawa kong makahanap agad ng magandang location. Sana naman this time okay na ang lahat. Maayos ang agent na nakausap ko. Hinihintay ko na lang na makausap ko ang may-ari. Tatawagan ako ng agent sa susunod na meeting namin.
Maaga akong natapos sa gagawin ko ngayong araw. Kaya naman niyaya ko si Kiefer para makabili kami ng regalo para kay Princess. Alam ko mayaman sila at nakakahiya naman kung wala man lang dala kahit isang regalo si Kiefer para sa kanya. Nagpunta kami sa Mall para mamili ng pwede naming iregalo kay Princess.
"Kiefer ano ba sa tingin mo ang gusto ni Princess? May idea ka ba?" Tanong ko sa kanya. Kasi wala akong maisip na pwedeng iregalo sa bata.
"Let me think mommy. I saw the invitation earlier. The theme is all about fairytale. And it's a costume party Mommy. So aside from my gift I also need to buy a costume to wear."
"Okay I got it. Unahin na muna natin yung costume mo. Anong gusto mong costume?"
"A dwarf Mommy!"
"Ha? Bakit yon? Ayaw mo ba na ikaw ang prince charming?"
"I also want to be a prince Mommy. Can I be both?"
Natawa ako sa sinabi niya. Hindi kasi siya makapag decide sa gusto niyang costume."Kiefer you need to choose only one. Tara sa bilihan ng mga costume. Mamili ka doon. Mas maganda kapag nakita mo ang mga costume na meron dito. Mas marami ka pang pagpipilian."
"Let's go Mommy! I'm so excited!" Masiglang sabi niya. Agad naman kaming nagtungo sa bilihan ng costume. At gaya ng hinala ko napakadami naming pwedeng pagpilian.
Natutuwa ako sa tuwing magsusukat si Kiefer ng mga costume. Bagay lahat sakanya ang mga sinusukat niya. Hindi ko tuloy mapigilang kumuha ng maraming litrato kasama siya. Sigurado ako na matutuwa si Kiel kapag nakita niya ang mga ito.
"Mommy I like this. I want to be a prince with a sword." Sabi niya. Nakita ko kung paano siya tumindig. Walang duda. Napakagwapo talaga ni Kiefer. Siguradong isa siya sa mga pagkakaguluhan ng kababaihan pag laki niya.
"Are you sure about that Kiefer?"
"Yes Mommy I'm sure po. I want to be a prince." Masayang sabi niya.
"Sige. I'll but it for you."
"Thank you po Mommy!" Masayang sabi niya. Nakaupo kami ngayon sa waiting area habang kinukuha ng salesman ang mga bibilhin namin. Habang naghihintay kami biglang tumawag sa akin si Kath.
"Kate did you heard the news? About Lance."
"Oo Kath. Nakapag-usap na kami."
"Well, are you going to the party? Hindi ko alam na nagkita na pala si Kiefer at si Princess sa amusement park."
"Hindi ako invited Kath. Si Kiefer lang ang invited sa party bukas. At ayokong iwan siya doon mag-isa. Kaya nang sabihin ni Lance na kasama ka pumayag na kong magpunta si Kiefer sa party. Aksidente lang silang nakita Kath. Hindi rin ako makapaniwala noong una na makikita namin don ang anak ni Steph."
"Bakit hindi ka invited? It's the first time they open a party for that kid. Very private ang buhay nila ngayon. Lance is also acting strange. I don't heard any news from him for the past few years. Nalaman ko na lang sa investigation ko na siya ang may-ari ng amusement park na pinuntahan niyo ni Kiefer."
"I know. Ibang iba na siya ngayon. Sa susunod ko na sasabihin ang ibang detalye. Kasama ko ngayon si Kiefer dito sa mall. Mamimili kami ng regalo at costume niya para sa party."
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Short StorySa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...