Kate's POV
Minsan hindi ko na maintindihan si Lance. Nalilito ako sa mga pinapakita niya saakin. Magkaiba ang ginagawa niya sa sinasabi ng bibig niya. Ugali na ba niyang magpaligoy ligoy ngayon?
Oo natuwa ako dahil pinakilala niya ako bilang girlfriend niya. Pero the way she acts towards Steph is different from being just a friend. I know what she's going through right now. That's explain why she look so sad. Maybe I'm just thinking too much about her. The real problem is what Lance feel towards her. Nakaramdam ako ng pangamba sa biglang pumasok sa isip ko.
"Kate let's go! O bat di ka pa bihis?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot dito ni Lex.
"Anong meron? May lakad ba tayo?" Tanong ko.
"Oh my God Kate. Hindi ko alam na makakalimutin ka na pala ngayon. Remember niyaya ka namin ni Charm kagabi para magpunta sa bar. At pumayag ka naman."
Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Naiinis ako kay Lance. At sa sobrang badtrip ko pumayag akong sumama sakanila sa bar kahit hindi naman talaga ako sanay magpunta sa ganong lugar.
"Lex pwede pass muna? Wala kasi ako sa mood." Sabi ko. Baka sakaling pumayag siya.
"No Kate. Sinabi mo pupunta ka. Hindi ka namin papansinin ng isang taon kapag di ka sumama."
"Oo na. Eto na nga magbibihis na nga ako e."
Hay nako. Wala talaga akong lusot sa kaibigan kong to.
-
Pagdating namin sa bar nakita agad kami ni Charm. Nakareserve na ang table namin at nakahanda na rin ang mga drinks. Sinabi ko na hindi rin ako magtatagal dahil may pasok pa ako bukas. Ganon din naman ang gusto nilang mangyari dahil may mga pasok din sila kinabukasan.
"Anong balita sainyo ni Lance? May improvement na ba?" Tanong ni Charm.
"Meron naman. Kaya lang nalilito ako sakanya." Sagot ko. Ngayon ko pa lang sasabihin sakanila ang tungkol sa naging usapan namin ni Lance kahapon.
"Kate I know it's not his fault na mawalan siya ng alaala. Pero kung nasasaktan ka na niya, yan ang kasalanan niya. Hindi dapat ganyan ang pagtrato niya sayo." Sabi ni Charm.
"I agree. Kung makikita ko ang boyfriend ko na concern at worried sa ibang babae for sure magseselos talaga ako." Pahayag naman ni Lex.
"Ano bang gagawin ko? Ano bang ibig sabihin ng sinabi niya na gusto niyang makitang masaya si Steph? Hindi lang yon basta awa. I know because I saw him took care of her before."
Gusto kong gumaan ang bigat sa dibdib ko. Baka sakaling mawala ito kung sasabihin ko lahat sakanila ang tungkol saamin ni Lance."He's confused? I mean come on, alam natin na mas nauna niyang nakilala si Steph. At sa pagkawala ng memory niya ikaw," turo ni Charm saakin "na girlfriend niya ay naging isang stranger sa paningin niya."
Akala ko ay wala na siyang sasabihin pa pero nagkamali ako. Nagpatuloy siya sa pagsasalita."Siguro nalilito siya kung sino ang gusto niya sa inyong dalawa. Maybe he's action towards you is more like an obligation, kasi sinabi mo na boyfriend mo siya. Pero yung ginagawa niya kay Steph, I think it's his true intention, kasi noon pa man may connection na talaga silang dalawa."
"Charm ano ba yang pinagsasabi mo? Sino bang kaibigan mo diba si Kate? Bakit parang pumapabor ka pa kay Steph."
"Lex I'm just telling my observations. Besides, wala naman talagang may alam ng sagot diyan kundi si Lance."
Pareho na silang may tama ng alak. At kapag nakainom si Charm walang preno ang bibig niya. Hindi siya masakit magsalita sa personal. Pero kapag lasing na siya makakatikim ka ng mga real talk mula sakanya.
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
ContoSa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...