Chapter 20

321 11 4
                                    

Kiel's POV

Halos lahat kami ay nakaayos na ang mga gamit pero wala pa rin dito si Kate. Alam kong may pinag uusapan sila ni Lance at hindi ako dapat makialam doon. Pero nag aalala ako sakanya. Kapansin pansin kasi ang pagiging malungkot niya nitong mga nakaraang araw. At hindi ko yon pwedeng balewalain na lang.

"Sir tutal pwede pa tayong mag stay dito bakit di na natin gawin yung ibang mga games? Marami kaming hinandang mga games na tiyak na magugustuhan niyo." Suhesiyon ni Charlie. Siya kasi ang punong abala sa pag oorganize ng team building na ito.

"If it's okay with everyone, then it's fine with me." Sagot ko.

Agad ko namang narinig ang pag sang ayon nilang lahat. Masaya ako dahil sa nakikita ko sa mga empleyado ko. Pero mas magiging masaya ako kung makikita kong masaya rin si Kate.

"Charlie ikaw na ang bahala sa preparations. Lalabas lang muna ako." Sabi ko sakanya.

Nasa kaliwang bahagi kami ng villa. Sa kanan naman ay ang grupo nila Lance. Mas malaki ang bahay doon kesa saamin. Tss. Kung alam ko lang na dito rin nila balak magbakasyon hindi na sana kami tumuloy pa rito. Mas magiging malungkot lang si Kate kapag nakita niya si Lance at Steph na magkasama.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid ng villa. This place is so nice. Napaka peaceful ng ambiance ng lugar at malalanghap mo pa ang sariwang hangin. This is really a perfect place to unwind.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa matanaw ko ang isang pamilyar na mukha.

"Kate!" Tawag ko sakanya.
Napatingin siya saakin. At laking gulat ko nang makita ang namumugto niyang mga mata. Agad ko siyang nilapitan.

"What's wrong? Nag away ba kayo ni Lance?" Tanong ko.

Nakita ko pa ang pagpahid niya sa mga luha niya bago niya ako hinarap.

"Hindi Kiel. Hindi kami nag away. Mas gusto ko nga kung nag away na lang sana kami. Kaso hindi ganon ang nangyari." Paliwanag niya. Bakas pa rin ang lungkot sa boses niya.

Damn you Lance! How could you do this to her? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi na sana ako nagparaya noon.

Kate's POV

"Can you tell me what exactly happen to you? Napapansin ko kasi na wala ka sa focus nitong mga nakaraang araw."

"Pasensya ka na Kiel. Alam ko na pati ang trabaho ko ay naaapektuhan na dahil sa mga kinikilos ko. Ang totoo niyan natatakot ako. Dahil ilang araw na lang ay matatapos na ang tatlong buwang usapan namin ng mama ni Lance. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabalik ang alaala niya." Paliwanag ko.

Mabuting tao si Kiel. At mas lalo ko yong napatunayan habang magkasama kami sa trabaho. Hindi lingid sa kaalaman niya ang pinagdadaanan ko ngayon. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na sabihin sakanya ang totoo.

"Sumusuko ka na ba?" Tanong niya.

"Hindi pa. Ayokong sumuko na lang Kiel. Kasi alam kong pagsisisihan ko lang yon sa huli." Sagot ko.

"Then continue to fight for him. You still have a chance."

"Alam ko. Kaya lang nasasaktan na ako. Pakiramdam ko kasi ako lang mag isa ang lumalaban."

Hindi siya agad nakapagsalita. Pareho kaming natahimik sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Kiel. Pero nagulat ako ng bigla na lang siyang lumapit saakin at niyakap ako ng mahigpit.

"K-kiel."

"Shh. Let's just stay like this for a while." Bulong niya. Hindi ko alam kung anong nangyari saakin pero para bang wala akong balak na itulak siya palayo. Sa pagkakataong ito mas kailangan ko ng taong pwede akong damayan. At alam kong ganon nga ang ginagawa ni Kiel.

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon