Chapter 36

216 12 7
                                    

Lance's POV

What the hell is she saying? Wala akong maalala sa mga sinasabi niya. I know I kissed her before. But that's just a kiss. I never had sex with her. I can't do that because I don't love her.

"Hindi ka pa rin ba maniniwala? Ito ang magpapatunay na tama ang sinasabi ko." Kinuha niya sa loob ng bag niya ang isang papel.

"Ayan. Nakalagay diyan ang lahat ng gusto mong malaman. Totoong buntis ako Lance."

Kinuha ko sakanya ang papel na hawak niya. It's true. Nakalagay nga doon ang ultrasoubd niya. Talagang buntis nga si Steph.

"How sure are you that I'm the father? Hindi kita ginalaw Steph. Kahit na noong mga panahong naglalasing ka. I didn't do anything to you." Sabi ko. Umaasa ako na aamin siya at sasabihin niyang nagsisinungaling lang siya sa akin.

"Sa lahat ng taong pwedeng magduda sa akin ikaw pa talaga? Lance hindi ako magsisinungaling sayo. Noong gabing lasing na lasing ka at halos hindi ka na makatayo, noong gabing nasaktan ka dahil kay Kate sino ba ang kasama mo? Sino ang nakita mo pag gising mo? Ako ang babaeng kasama mo Lance. Nang araw na yon may nangyari sa atin. Tinanong kita kung wala ka bang maalala. At ng sabihin mong wala hindi na ako nagkwento pa. Kasi alam kong hindi naman yon mahalaga para sayo. Pero itong nasa tiyan ko hindi ko to kayang itago sayo. Kung nagdududa ka pwede tayong magpa DNA test. Para lang mapatunayan ko sayong nagsasabi ako ng totoo." Giit niya sa akin.

How can this be? Masyado akong nagulat sa mga nalaman ko. Wala akong maalala ng gabing yon. Pero totoong nasa iisang bahay kami ng araw na yon. At sa dami nga ng nainom ko hindi malabong makagawa ako ng bagay na hindi ko kontrolado dahil sa impluwensiya ng alak.

"To-totoo ngang buntis ka."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko si Kate. She is crying while she's walking towards us.

"Love please listen to me."

"Si Lance ba talaga ang ama ng dinadala mo?" Hindi niya ako pinansin at kay Steph lang nakatuon ang tingin niya. 

"Huwag kang makialam sa usapan namin Kate. Wala akong dapat sabihin sayo." 

"Steph boyfriend ko si Lance. May karapatan din akong malaman ang totoo. Please sagutin mo ako. Sigurado ka ba na si Lance ang ama ng bata?" Halata na ang panginginig sa boses niya. Kitang kita ko kung gaano siya nasasaktan ngayon. At ang mas nakakagalit ay ako ang dahilan ng sakit na nararamdaman niya. 

"Sigurado ako Kate. Kung ayaw mong maniwala wala akong magagawa. I am willing to do a DNA test just to prove that what I'm saying is true. Hindi ako gagawa ng kwento para lang makuha ko si Lance." 

"Ah so you really want to get him. Pero hindi uubra yung paglapit lapit mo sakanya. Kaya nagpabuntis ka na lang? Ganon ba yon Steph? Ginusto mong mangyari yan para makuha mo si Lance!" 

Naalarma ako dahil sa pagsigaw niya. Batid ko ang galit at sakit sa mga mata niya. I can't blame her for feeling that way. Agad ko siyang hinawakan sa braso pero agad niya rin itong hinawi nang hindi tumitingin sa akin. 

"How dare you shout at me? Ako ba ang sinisisi mo? In the first place sino ba ang dahilan kung bakit naglasing noon si Lance? Diba ikaw? Noong mga panahong wala ka sa tabi niya sino ba ang kasama niya? Ako yon Kate. I've always been by his side. Mas nauna siyang naging akin!"

"Ang kapal talaga ng mukha mo!" Akmang susugod na sana si Kate kay Steph pero napigilan ko siya. Mahigpit ko siyang hinawakan sa braso at hinila siya palayo kay Steph. 

"Kate huminahon ka muna." Awat ko sakanya. Sa pagkakataong ito ay nasa akin na ang tingin niya. And I regret it. Seeing her eyes crying like that hurts me. 

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon