Kate's POV
Napalunok ako ng ilang beses dahil sa sobrang kaba. Ang babaeng kaharap ko ngayon ay nanggaling sa isang mayamang pamilya. Sigurado ako don dahil sa mga bodyguards na kasama niya ngayon at sa mga alahas na suot niya. Masyado akong na-intimidate sa presensya niya kaya naman hindi ako agad nakapagsalita.
"Hey Miss I'm talking to you. Are you deaf? Can't you hear me?"
"I-I'm Kate Ly-"
"What are you doing here?" Naudlot ang pagpapakilala ko dahil sa pagdating ni Kiel. Nagulat pa ako nang biglang tumakbo ang babaeng kaharap ko papunta sa kinaroroonan ni Kiel at agad niya itong niyakap.
"Oh My! I miss you so much. How long has it been since I last saw you? Parang pumayat ka. Are you even eating properly? Do you still have insomia? Did you also miss me? Why you didn't even bother calling me?"
Napanganga na lang ako dahil sa sunod sunod na tanong ng babaeng hindi ko pa alam ang pangalan. Napatingin ako kay Kiel at halos matawa ako dahil sa itsura niya ngayon. His face showed annoyance and mixed with a little awkwardness which I find so unnatural. Napangiti ako. May ganitong side din pala si Kiel. I don't know why but I find him cute.
"Oh my gosh! You're blushing? Why? Is it because of that girl?" Turo sa akin ng babaeng yon habang tinitignan si Kiel na ngayon ay nakatitig na sa akin. Nag-iwas agad ako ng tingin sakanya. Bigla akong nailang sa hindi ko malamang dahilan.
"Kate I'll be right back. We just need to talk." Sabi sa akin ni Kiel bago niya hinila paalis ang babaeng katabi niya. Sumunod naman ang mga bodyguards sakanila.
Nalilito akong bumalik sa kusina.
"O nasaan na si Kiel?" Tanong ni mama.
"Nasa labas sila Ma." Sagot ko.
"Sila? May kasama siya?"
"Oo Ma. Isang babae na hindi ko alam ang pangalan."
Wala akong alam sa relasyon nilang dalawa. Hindi naman naikwento saakin ni Kiel na may kaibigan siyang babae. At tingin ko hindi lang sila basta magkakilala dahil sa mga sinabi ng babaeng yon kanina. Hindi kaya girlfriend niya yon? O di kaya ex niya?
Natigil lang ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Unknown number. Noong isang araw pa tumatawag saakin ang number na ito pero hindi ko nasasagot. Baka isa na naman to sa mga mag ooffer ng loan sa akin. Araw araw kasing tumatawag ang mga yon at iba-iba ang ginagamit na number. Pinabayaan ko na lang na mag ring ang cellphone ko at nagtungo muna ako sa kwarto para mag-ayos ng mga gamit. Mamaya pa naman kami kakain dahil nasa labas pa si Kiel.
Kiel's POV
"Now tell me why are you here?"
"Tinatanong pa ba yan? Of course I want to see you."
"Why do you want to see me?" Walang ganang tanong ko ulit sakanya.
"Kiel anong klaseng tanong yan? Kailangan ko pa ba ng rason para makita ang kapatid ko?"
"Enough with that Katherine. Anong pakay mo sa akin?"
"Ate. Mas matanda pa rin ako sayo Kiel." Pagtatama niya sa sinabi ko.
"So you want to admit that you're older now."
"Argh! How dare you tease me. Okay Katherine is fine."
"If you want something you can just call me. Alam kong busy ka para makipagkita pa sa akin." Sabi ko. I wonder how she ended up here in my place at this hour.
"Of course I'm always busy. And it's all your fault."
"Well, I think it really suits you. Your outfit and your look is very impressive."
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
NouvellesSa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...