Kate's POV
Matagal bago ako tuluyang bitawan ni Lance. Gusto kong maawa sa itsura niya ngayon. At sobra akong na guilty dahil kasalanan ko kung bakit nandito si Lance.
"Love I'm sorry. Ang totoo niyan hindi ako nakarating kagabi dahil nakatulog ako ng maaga. Hindi naman ako ginising nila Lex kagabi. Kaya nang makita ko ang lahat ng text at missed calls mo ay nagpunta ako agad dito." Paliwanag ko sa kanya.
"It's okay Love. Ang mahalaga naman sa akin ay nandito ka na at okay ka lang. Yon lang naman ang gusto kong malaman. Na walang nangyaring masama sayo."
Napangiti ako dahil naiintindihan niya ako.
"Love hindi naman ako nanunumbat sa mga nagawa mo noon. Sadya man yon o hindi pinapatawad na kita. Pasensya na dahil sa mga ginagawa sayo nila Lex." Hinging paumanhin ko sakanya. Wala naman akong sama ng loob kay Lance. Alam ko at batid kong pareho lang kaming napaglaruan ng tadhana.
"I'll do anything to make them accept me again. Love I want you to know that in everything you say I'll always believe in you. That's a promise."
Natouch ako. Ito kasi yung bagay na nawala kasama ng pagmamahal niya at ng mga alaala namin. Yung tiwala niya sa akin.
"Paniniwalan ko lahat ng sasabihin mo. Pangako sayo lang ako maniniwala." Sabi ni Lance habang nakatitig ng diretso sa aking mga mata.
"Thank you love for trusting me again." Nakangiting sabi ko.
Alam ko na marami pa kaming pagsubok na haharapin. Kasama naman yon sa buhay e. Hindi ko muna iisipin yung mga bagay na hindi pa nangyayari. Kasi sa ngayon kontento na ko na kasama ko si Lance.
"Kate! Lance!"
Sabay kaming napalingon ni Lance sa pinanggalingan ng boses na yon.
"Ano bang ginagawa niyo diyan? Hindi pa ba kayo papasok sa resto? Come on let's eat breakfast." Yaya sa amin ni Kath. Kasama niya sila Lex, Charm at Mike.
Lumapit naman si Mike kay Lance at inabot ang isang paper bag.
"Sir nagdala ako ng pamalit niyo na damit." Sabi niya kay Lance. Kinuha naman ni Lance ang paper bag at nagpaalam muna saakin na magbibihis lang siya. Sumama naman ako kila Kath na pumasok na sa resto. Hindi naman gaanong nabasa ang suot ko kaya hindi ko na kinailangan pang magpalit ng damit. Lahat kami ay nakaupo na sa mesa habang dinadala ng mga waiter ang order naming pagkain. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Lance at nagsimula na rin kaming kumain.
-
"Oh my gosh. Hindi ka ba talaga matututo? Wala sa personality ko ang umatras Kate. Hindi pwede ang gusto mong mangyari." Mariing sabi ni Lex.
Nakabalik na kami sa hotel nila Lance at kasalukuyan kaming nag-uusap tungkol sa challenge na gusto nilang gawin. Ipinipilit ko kasi kay Lex na itigil na ang ginagawa nila at pag-usapan na lang namin ang mga bagay na hindi nila nagustuhan noon kay Lance.
"Lex hindi naman kasalanan ni Lance ang nangyari sa amin. Napatawad ko na siya. Sana mapatawad niyo na rin siya." Pagkukumbinsi ko sakanila.
"Kate nag-uumpisa pa lang kami. Remember when you waited for him sa Star City? Hindi siya dumating. Hindi siya nagsabi agad. Wala kang kaalam alam na kasama pala niya si Steph. Naospital ka pa nga dahil don e. Lance should know that feeling. Yung umasa at maghintay sa taong inaasahan niyang darating pero hindi nagpakita sa hindi niya malamang dahilan. That's one of his challenge." Paliwanag ni Lexie sa akin.
"Tama. Ako ang nakaisip ng challenge na yon Kate. Sundin lahat ng gusto namin. Kung hindi mo na inabutan si Lance kanina sa resto malamang ay nainip na siya at umuwi na ng mapansin niyang hindi ka na darating kagabi. Pero nandoon siya pagdating mo. Hindi siya umalis at naghintay siya sa lugar na yon hanggang sa dumating ka. Masaya ako dahil sa ginawa niya." Mahabang paliwanag ni Charm. Lumapit siya saakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Kaya naman approved na siya sa akin! He's so sweet pa rin talaga sayo Kate. And I can say na natuto na siya ng leksyon na gusto kong matutunan niya." Masayang pahayag ni Charm.
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Short StorySa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...