Kate's POV
Halos buong araw akong walang gana nang dahil sa nalaman ko. Alam kong tapos na ang relasyon namin ni Lance. Pareho na kaming nasaktan noon. Pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko na mawawala na siya agad sa mundong ito. Parang hindi pa yon kayang iproseso ng utak ko sa ngayon. Pakiramdam ko hindi pa rin handa ang puso ko na tanggapin ito.
"Kate anak, masyadong malungkot ang mukha mo. Tinatanong ako ni Kiefer kung bakit ka malungkot. Nakakahalata na ang bata sa mga ikinikilos mo."
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.
"Ma pasensya na. Hindi ko lang kasi matanggap ang bagay na nalaman ko tungkol kay Lance."
Sagot ko kay Mama."Mommy you know Lance?" Nagulat kami ni Mama sa biglang pagsulpot ni Kiefer.
"Kiefer diba sabi ko sayo 'wag kang makisali sa usapan ng mga matatanda."
"Pero Mommy-"
"Kiefer 'wag matigas ang ulo ha. Hindi kita tinuruan na sumagot sa mas matanda sayo." Bahagyang tumaas ang boses ko habang pinagsasabihan ko siya.
Biglang nag-iba ang itsura niya. Yumuko siya at matamlay na nagsalita.
"Sorry po." Iyan lang ang narinig ko bago siya pumasok sa kwarto namin.
Napatingin naman sa akin si Mama."Anak kausapin nga muna kita."
"Ma wala ako sa mood para makinig ng sermon niyo."
"Ano bang ginawa mo sa loob ng limang taon? Hindi ba umalis ka dito para makalimot? Para magsimula ulit ng panibagong buhay? Bakit isang balita lang tungkol kay Lance nagkaka ganyan ka na. Hindi mo pa rin ba siya nakakalimutan?"
Natigilan ako sa tanong ni Mama. May mga bagay talaga sa buhay ng tao na minsan napakahirap ipaliwanag.
"Ma hindi madaling makalimot. Kung pwede sana noon ko pa ginawa. Kaya lang kahit itago ko yung sakit may mga bagay talaga na kusa na lang ipapaalala sa akin ang pait na sinapit ng relasyon namin."
"Pero hindi mo dapat idamay si Kiefer. Wala siyang kasalanan sa nangyari sainyo ni Lance. Tignan mo ang ginawa mo sa bata, nagtaas ka ng boses sakanya. Pwede mo naman siyang kausapin ng hindi ka nagagalit."
"Sorry po Ma." Napagtanto ko ang pagkakamaling nagawa ko. Nadala lang talaga ako ng emosyon ko. Hindi ko sinasadyang pagalitan si Kiefer.
"Hindi ka sakin dapat mag-sorry. Suyuin mo si Kiefer. Sigurado ako nagtatampo na yon sayo."
Tinapik muna ni Mama ang braso ko bago siya nagtungo sa kusina. Tama si Mama. Walang kinalaman si Kiefer sa nakaraan ko. Hindi ko na maibabalik pa ang bagay na nawala na. Kaya kahit masakit at mahirap kailangan kong maging masaya at maging matatag para sa mga taong kasama ko sa kasalukuyan.
-
"Mommy where are we going?" Tanong ni Kiefer sa akin.
"Secret. You'll find out later." Sagot ko sakanya. Naisip kong magpunta sa isang lugar na tiyak kong magugustuhan niya. At isa pa magkakaroon rin ako ng oras para magawa ang trabaho ko.
"We're here!" Sabi ko nang makababa kami sa sasakyan.
"Mommy is this your store?"
"Yes. Tara pasok na tayo. Gagawa tayo ng maraming sweets!"
"Yehey!" Masayang sabi niya.
Kiefer likes sweets. Hindi naman masama kung minsan ay pagbibigyan ko ang mga gusto niya. Pagdating namin nakahanda na ang mga kagamitan na kakailanganin namin sa pagbe-bake.
BINABASA MO ANG
A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)
Short StorySa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya sa tabi mo O sa piling ng ibang tao. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places an...