Chapter 7

280 14 3
                                    

Kate's POV

Ilang araw na ring masama ang pakiramdam ko. Pero simula nang magkita kami ni Lance sa ospital ay bigla na lang bumalik ang sigla ko. Hindi ko kasi inaasahan na mamimiss niya ako. Hindi man niya sabihin na namiss niya ako pero naramdaman ko yon. Dahil sa pagyakap niya saakin. Masaya talaga ako ng araw na yon. Bukod kasi sa humingi siya ng tawad ay unti unti ko nang nakikita yung emosyon niya noon sa tuwing magkasama kami.

"Girl ano na namang ini-imagine mo diyan?" tanong ni Charm.

Nandito nga pala sa bahay sila Charm at Lex. Linggo naman ngayon at wala kaming mga pasok.

"Ay alam ko yan. Si Lance na naman yan. Wala namang ibang iniisip yan kundi ang lalakeng yon." sagot ni Lex.

"Alam mo Lex tama ka. Siya nga ang iniisip ko." sabi ko habang nakangiti.

"Ayiee. Ano muling ibalik ang tamis nang pag ibig? Haha." tukso ni Charm.

"Naku! Sana lang talaga magbalik na ang pag ibig ni Lance sayo Kate." segunda ni Lex.

"Marami pa kong dapat ipaalala sakanya. Pero hindi naman nawawala yung pag asa ko na magbabalik na ang dating Lance. Makalimot man ang utak niya alam ko na may puwang pa rin ako sa puso niya."

"Bravo! Bravo! Ganyan nga Kate. Huwag kang susuko." sabi ni Charm na may kasama pang palakpak.

Nakakatuwa talaga ang mga kaibigan ko. Hindi ko man masabi sakanila agad ang dahilan nang pag urong ko sa engagement noon, pero nandiyan pa rin sila at hindi ako iniwan. Sa kabila ng lahat masasabi kong maswerte pa rin ako dahil wala man akong gintong kayamanan, nandiyan naman ang mga kaibigan kong tapat na mas mahalaga saakin keysa sa kahit na anong karangyaan.

"O ayan Kate ang pretty mo na." Si Charm ang palaging nag aayos saakin sa tuwing may lakad kami ni Lance at may free time siya.

Mas may alam kasi siya pagdating sa mga make up. Marunong din naman ako pero simpleng ayos lang ang alam ko.

"Salamat talaga Charm. Lex kayo na ang bahala sa bahay ah. Pakisamahan na muna si mama habang wala pa ako."

"Sure. Walang problema Kate. Kahit di ka dito matulog ngayong gabi ay ayos lang. Hehe." panunukso ni Lex saakin.

"Sira. Uuwi ako no. Hindi pwedeng maiwan si mama mag isa sa bahay." sagot ko.

Pinaghandaan ko ang araw na to. Magkikita kasi kami ni Lance.
Bago ako umalis ay tinawagan ko muna si Lance. Siniguro ko na okay ang kondisyon niya at pwede kaming magkita ngayon. Natuwa ako nang sabihin niya na naghahanda na rin siya para umalis.

Nilibot ko ang paligid. Maaga akong nakarating dito kaya naman namasyal muna ako. Nandito ako ngayon sa Star City. Dito ko siya niyaya dahil espesyal saamin ang lugar na ito.

Habang namamasyal ay unti unting nagbabalik sa isip ko ang mga nangyari noon. Kung paano kami mag asaran habang namimili ng rides na susunod naming sasakyan. Natawa ako nang maalala yung eksena kung saan nakikipag away siya sa isang bata habang nasa pila kami. Kasi masyado daw ito kung tumitig saakin. Wala na yatang tatalo sakanya pagdating sa pagiging seloso.

Patuloy lang ako sa paglilibot ng biglang kumalam ang sikmura ko. Napatingin ako sa relo ko at nagulat ako nang malamang mahigit isang oras na pala akong nag iikot. Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung may text ba si Lance. Pero wala akong natanggap ni isa mang text galing sakanya.

Sa huli ay nagpasya akong tumawag. Pero busy ang linya niya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag alala dahil hanggang ngayon ay wala pa siya dito. Natatakot ako na baka may nangyari na naman sakanyang masama.
Sa sobrang pag aalala ko ay tinawagan ko na si manang Edith. Kanina pa raw nakaalis doon si Lance. Baka natraffic lang daw ito kaya wala pa siya dito ngayon.

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon