Sargo

3.1K 45 3
                                    

Nagkaroon ng munting salu-salo sa bahay nila Drew para sa pagkapanalo niya sa MATHalino Quiz Bee.

Masaya ang lahat. Kaso si Drew, bakas sa mukha niya ang lungkot. Ilang araw na lang kasi aalis na sila Vanessa.

Sisitahin siya ng barkada.

“O… Bakit parang hindi ka masaya? Party para sayo to ha!” puna ni Arkin.


Di iimik si Drew.

“Naku alam ko na! Piniproblema niya ang baby nya!” pansin ni Dion.

Napabuntong hininga na lang si Drew. Pero si Dion may suggestion, “Pakiusapan mo na lang kaya uli si Vanessa na wag nang umalis?”

“O kaya umalis na lang  siya, basta wag isama si inaanak!” sabi pa ni Arkin.

“Hindi papayag yon!” sagot ni Drew

“Pupunta ba siya ngayon kasama si Alby?” curious si Arkin.

“Bakit dude, ikaw ang makikiusap?” biro ni Dion.

“Hindi…naisip ko lang Drew…huwag mo na kaya ibalik si Alby kay Vanessa? Unahan mo na lang kaya siya…itakas mo si Alby!” suggest ni Arkin!

“Ano!!? Kidnapping yon!” singhal ni Dion.

“Pano naging kidnapping yon? Anak naman ni Drew si Alby di ba?” depensa ni Arkin.  

“Mga suggestions mo talaga e no?” hindi talaga agree si Dion sa naiisip na solusyon ni Arkin.

Pero si Drew mukhang may naiisip sa payo ni Arkin.

***

Kung kanina malungkot si Drew, biglang nagbago ang lahat ng dumating si Vanessa kasama si Alby…pumunta para batiin siya sa pagkapanalo.

Karga ni Drew si Alby habang kaharap si Vanessa.

“Vanessa… baka puwedeng dito na lang si Alby hanggang sa makaalis ka na.” pakiusap ni Drew.

“Mas makakabuti Drew kung masanay na rin si Alby na ako ang kasama…Baka kasi pagdala namin kay Alby sa Boston, manibago siya na iba ang nagpapatulog sa kanya…” sagot ni Vanessa.

Naisip ni Drew na makiusap uli kay Vanessa, “Vanessa…hindi ba puwedeng huwag na lang kayo umalis?”

Suggest ni Drew, “Dito ka na lang. Pagtulungan natin ang pagpapalaki kay Alby dito…Maghahanap ako ng ibang trabaho…”

Vanessa looks at Drew, nagi-guilty.

Todo convince lang si Drew, “Kaya ko Vanessa. Maniwala ka…Kakayanin natin kung pareho tayong magtatrabaho…”

Iling lang si Vanessa, “Pero Drew, sana maintindihan mo…para to sa anak natin… para sa kinabukasan niya…kailangan kaming umalis…”

Nalungkot muli si Drew, kaya nya ba talagang hayaang mawalay sa anak niya?

***

Oras na para umuwi ni Vanessa.

“Tita Raquel uuwi na po ako…” paalam ni Vanessa.


“O sige salamat Vanessa at nakapunta ka…” tsaka mapapansin ni Raquel di bitbit ni Vanessa si Alby, “Teka, nasan na si Alby?”

“Karga lang po ni Drew sa labas, Ate!” sagot ni Elise. “Teka, tatawagin ko…”

Pero walang Drew na makikita si Elise. Nasaan si Drew?

Sakay ng kotse ni Dion si Drew at si Alby.

“Dude, sigurado ka ba? Sinunod mo talaga ang suggestion ko? Nagbibiro lang naman ako e!” di makapaniwala si Arkin sa desisyon ni Drew itakas si Alby.

Tango lang si Drew. Napapatingin pa siya sa likod to check kung may nakasunod sa kanila.

“Teka san ba balak mo pumunta? Hindi pwede sa bahay namin!” sabi ni Dion. Halatang hindi pa sanay magmaneho. Tinakas lang ang kotse ng Tatay.

Hindi alam ni Drew kung saan sila pupunta. Ang alam niya lang, kailangan nila makalayo ni Alby sa mga oras na iyon.

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon