Dahil batid ni Camille lahat ng pangambang meron si Drew, alam niyang mahihirapan siya kung papayuhan niya agad ito sa mga oras na iyon. Baka hindi ito makinig sa kanya.
Kaya sinikap niyang burahin muna ang desperation at fears ni Drew.
“Tara pasyal tayo sa labas!” niyaya ni Camille si Drew na libutin ang buong park kasama si Alby na nasa stroller.Paglabas nila sa campsite, may mga booths para sa food at drinks. May booth din for souvenirs na nagbebenta ng T-shirts, pamaypay, mugs, at iba pa.
Meron ding mga fun booths. Syempre inuna nila ang mga libre para sa mga participants ng family day event. Tapos nag-try din sila sa mga games na afford nila. Hati silang dalawa sa gastos.Sa Family photoshoot booth…nagpakuha sila ng picture. Kasama si Alby. Iba-ibang pose. Karamihan wacky. Parang sanay na sanay nga si Alby kung mag-smile. Ang cute nilang tatlo sa mga shots, iba-iba ang suot nilang hats and wigs.
Sa Bracelet souvenirs…gumawa sila ng bracelets gawa sa rainbow loombands. Dahil masyadong baby pa si Alby, nilagyan na lang nila ng sticker bracelets.
Sa Figurine painting…napili nilang kulayan nang sabay ang isang mickey mouse figurine. Pinakita nila kay Alby, tuwang-tuwa ito!
Sa Cupcake booth…naisip ni Camille na i-personalize ang design. Nilagyan niya ng pangalan nina Alby at Drew. Pero na-surprise siya na ginawan din pala siya ni Drew! Halos ayaw nilang kainin ang mga gawa nila!
Sa Balloon Hitting…ginalingan ni Drew para siguradong makuha ang premyo. Nanalo siya ng teady bear. Tinabi nila kay Alby. Mukha tuloy kakambal ni Alby ang Bear!
Nang magutom, bumili sila ng hotdog sandwich at gulaman juice. Habang si Alby, gatas lang ang katapat.Tumambay din sila sa stage, kung saan nakanood sila ng mga performances ng ilang celebrity performers. Join din ang ibang family na may production numbers.
Hatawan sa pagsayaw. Biritan sa pagkanta. Pagalingan sa drama skit.
Lahat masaya lang. Lahat karamihan buo ang pamilya. At feeling talaga ni Drew, isa silang masayang pamilya nina Camille at Alby!
Halos mapagod silang dalawa sa kakatawa at kakapalakpak sa mga napanood nila. Tuwang-tuwa din si Alby na akala mo’y gets ang nangyayari sa stage.
Bakas sa mukha nina Drew at Camille na sobrang enjoy nila ang mga moments nilang iyon.
Sobrang sulit. Sobrang panalo.
Sa isip ni Camille, masaya siya na makitang kahit papano nawala ang kaninang desperation at fear ni Drew. Ito yung Drew na kilala niya…ang Drew na marunong magsaya.
Pero alam niya pa ding kailangan niyang kausapin nang masinsinan si Drew pagbalik sa tent. Para itama ang maling ginagawa nito. Ang pagtakas kay Alby.Habang sa isip naman ni Drew, ito yung moment na namimiss niya sa buhay niya. Yung masaya lang. Yung kasama niya si Camille. Kasi para siyang nasa alapaap ng kaligayahan. Tapos ang angel nilang dalawa si Alby.
Nang mapatingin pa si Drew kay Camille, ang dasal niya, Sana ganito na lang lagi. Sana hindi na matapos ito…
Pero may katapusan ang lahat. Lalo pa’t kanina pa pala nakasunod sa kanila si Jean, kausap si Vanessa sa phone.
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)