Fade away

22.8K 235 26
                                    

“Nay, nakabuntis ako!” pinagtapat na ni Drew ang lahat kay Raquel. Pero si Vanessa, umiwas lang. Nagmadaling umalis bago pa makapagsalita si Drew.

Hindi makapaniwala si Raquel sa sinabi ni Drew. Gusto niyang isiping nagbibiro lang si Drew. Na gino-goodtime lang siya nito. Pero hindi… hindi binawi ni Drew ang sinabi. Seryoso ito. Naiiyak na si Drew.

Saka lang natanggap ni Raquel – hindi nagbibiro ang anak!

Hindi alam ni Raquel kung ano ang mararamdaman: surprise, anger, confusion, disappointment. Ang dami nyang tanong sa sarili.

Kung bakit nangyari ang bagay na ito. Kung bakit kailangan niya at ng kanyang anak na mapunta sa ganoong sitwasyon.

Halos kwestyunin niya ang kanyang pagiging Ina.

Saan ako nagkulang bilang isang Ina?

Naisip niya, ito na siguro ang karma na nagawa niya rin noong dalaga siya. Maaga rin kasi siyang nabuntis…at ang bunga ng pagiging mapusok niya noon ay si Drew.

Halos maaawa siya para sa anak niya, “Ang bata pa ng anak ko para maging isang ama…Ang bata pa ni Drew para sa gantong kabigat na responsibilidad.” 

Kesa sisihin pa niya ang sarili at ang anak. Mas pinili niyang agad kausapin ang asawa niya – si Gilbert.

Gaya ni Raquel, ganon din ang naging reaksyon ni Gilbert, hindi rin makapaniwala. Gusto nitong magwala. Pero pinigilan na lang din ang sarili. Inintindi ang sitwasyon. Nag-isip ng tamang solusyon sa napakalaking problema.  Kahit naman magalit sila, wala ring magbabago sa sitwasyon nila.

Maya-maya pa, sa pag-uusap nilang mag-asawa, nangibabaw ang pagiging mabuti nilang mga magulang. Sa huli napagkasunduan nila…

“Kailangan nating alalayan si Drew. Mas kailangan niya tayo ngayon para gabayan siya…para alalayan siya.”

Na- guilty si Drew nang marinig ang mga salitang iyon ng kanyang mga magulang. Nagkamali siya. Nabigo niya ang mga magulang. Pero sa halip na pagalitan siya, inintindi siya… at tinanggap.

“Nay, Tay…patawarin nyo ko. Patawarin nyo ko…” nagmakaawa si Drew.

Sa kabila ng kasalanan niya at pagkukulang niya bilang isang anak, pinatawad siya ng magulang.

 “Aayusin ko na po ang buhay ko. Magiging responsable akong ama sa anak ko.”

“Masyado ka pang bata para diyan, Drew,” panghihinayang ni Raquel. “Pero nandiyan na iyan… tanggapin na lang natin.”

“Gusto kong makausap ang mga magulang ni Vanessa,” si Gilbert.

“Hiwalay na po ang parents niya, Tay,” kuwento ni Drew. “Nasa US ang Mommy niya. Wala na siyang Daddy….”

“Sinong kasama niya dito?” Tanong ni Raquel.

“Ang lola po niya…. “

“Gusto kong makausap ang Lola niya…”

“Tay, huwag nap o… Gusto pong ilihim ni Vanessa ang lahat.”

“Lihim? Paano niya matatago ang paglaki ng tiyan niya?” Singhal ni Raquel.

“Nay,please po… yun ang gusto ni Vanessa… itago na lang po muna natin…” Pakiusap ni Drew.

Hindi na iimik si Raquel. Magkakatinginan sila ni Gilbert.

***


Kasama sa naging plano ng mga magulang ni Drew ay ang harapin at kausapin si Vanessa. Sinigurado ni Drew kay Vanessa na naiintindihan sila ng mga magulang niya. Kaya nagpasyang makipagkita si Vanessa sa mga ito sa isang resto.

Si Vanessa, sobrang apologetic at sobrang hiya. Hindi makatingin kina Raquel.



“Patawarin nyo po ako, kasalanan ko  po kung bakit nangyari ito.” Puno ng pagsisisi si Vanessa, “Hindi ko po ginusto na madamay si Drew…”

“Wala na tayong magagawa, nangyari na ang nangyari…ang kailangan isipin natin ay ang kinabukasan ng magiging anak nyo…ang magiging kinabukasan nyo.” Sabi ni Raquel.

Kaya napagkasunduan din nila na magiging sikreto muna ang lahat. Ang pagbubuntis ni Vanessa. Walang ibang makakaalam nito.

Nang mapansin ni Raquel ang magkahalong lungkot at kaba sa mga mata ni Vanessa. Parang nag-reflect sa kanya ang dati niyang sitwasyon noong maaaga siyang nabuntis. Alam niya ang pakiramdam ni Vanessa. Alam niya ang takot na nararamdaman nito.

 “Wag kang mag-aalala Vanessa, hindi namin tatakasan ang responsibilidad namin sayo,” sabi ni Raquel. “Sagot namin lahat ng pangangailangan mo.”

Napayakap si Vanessa kay Raquel, nakahanap ng kakampi. Feeling niya nanay nya na rin si Raquel. 



Sa labas ng resto, napadaan si Camille, nakita nya sina Drew habang kasama si Vanessa. Mukhang masaya ang mga ito. Iba ang tumakbo sa isip niya…

Kasama nila Drew si Vanessa? Pinakilala niya na ito? Legal na sila? Tanggap na siya nina Tita Raquel?

Biglang nakaramdam ng pagseselos si Camille. At hindi niya namalayan, naiiyak na naman siya.

“Ano ba, Camille,” Paninita niya sa sarili. “Ayaw mo na kay Drew di ba… Kinalimutan mo na siya. Nagmove on ka na, hindi ba? Tama na!”

Dali-daling lumakad palayo ng restaurant si Camille. Masama pa rin ang loob. Nasasaktan pa rin. Pero may pangako siya sa sarili.

“Ito na ang huling gabing iiyakan kita, Drew… Pramis, last na ito….”

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon