“Vanessa?” nilapitan ni Camille si Vanessa.
Nagulat si Vanessa na makita si Camille sa harap niya. Kilala niya ito bilang anak ng principal…bilang friend ni Drew na pinagkakatiwalaan ng malaking sikreto nila. Pero never niya pa ito nakakausap.
Hindi niya alam kung paano niya ito kakausapin. At sa mga oras na iyon, gusto niyang umiwas…gusto niyang layuan ito. Pero mukhang kilalang-kilala siya ni Camille.
Kung alam lang ni Vanessa na pinalabas ni Drew kay Camille na siya ang mahal nito.
“Kasama mo ba ngayon si Drew?” curious si Camille.
“Wala siya. Hindi ko siya kasama.” Cold na sagot ni Vanessa. Halatang ayaw makipag-usap.
Pero may pagkamakulit si Camille, sunod-sunod ang mga tanong niya, “Saan ka pupunta? Hindi ba natuloy ang binyag?”
Hindi na sumagot si Vanessa. Hindi niya talaga gusto ang pagtatanong ni Camille.
Hanggang sa mapansin ni Camille ang hawak ni Vanessa na passport at nakaipit na boarding pass.
Pupunta siya ng Amerika? Mag-isa? Iiwan niya ang sariling anak kay Drew? Bakit?
Confused na si Camille. Nang mapansin ito ni Vanessa, bigla itong nagmadaling umalis.
“Kailangan ko na umalis…” pag-iwas ni Vanessa.
“Sandali…” awat ni Camille. Mukhang nabasa niya na si Vanessa at ang gagawin nito.
“Iiwan mo si Drew? Iiwan mo ang baby mo sa kanya?” diretsong tanong ni Camille.
Napahinto si Vanessa. Parang nagkaroon ng boses ang konsensiya niya – sa katauhan ni Camille.
Dagdag ni Camille, “Bakit kailangan mong ipasa ang responsibilidad mo kay Drew? Ikaw ang nanay ng bata hindi ba…tapos paano si Drew? Mahal ka nya, tapos iiwan mo siya?”
Gulat si Vanessa sa mga sinabi ni Camille. Paanong nalaman ni Camille ang plano niya? Para itong matanda kung mag-isip at magsalita. Halos pagsabihan siya nito.
“Hindi mo alam ang lahat... Wala kang alam tungkol samin ni Drew!…” mukhang tinamaan si Vanessa.
Sa sinabing yon ni Vanessa, naisip uli ni Camille ang possibility na naisip niya na dati. Na posibleng si Drew ang tunay na ama ni Albert…
“Bakit Vanessa, ano pa bang kailangan kong malaman?”
Gusto na sanang aminin ni Vanessa ang lahat kay Camille. Pero pinigilan niya ang sarili…nakiusap na lang siya, “Sana Camille, kung ano man ang malaman mo…hindi ka magbago kay Drew. Mabuti siyang tao. Mabuti siyang kaibigan…”
Kaibigan? Kaibigan lang sila?
Sabay walk out si Vanessa. Hindi na siya nagawang pigilan ni Camille. Sinundan na lang siya nito ng mga tingin.
Naiwang apektado si Camille sa mga huling salita ni Vanessa.
Anong ibig nyang sabihin? Ano ang dapat kong malaman?
Pabalik na sana si Camille kina Armand nang makasalubong niya ang nagmamadaling si Drew.
Nakiusap si Drew kay Jean na sabihin ang details sa pag-alis ni Vanessa. Natorn si Jean. Pero sa huli, sinabi niya kay Drew na maaari niyang abutan si Vanessa sa airport.
Kaya nagpasyang habulin ni Drew sa airport si Vanessa para pakiusapan na wag nang umalis. Para na din sa kapakanan ni Baby Albert. Hindi niya gustong lumaki ang anak niya na walang nanay.
“Camille…” gulat si Drew na makita si Camille sa airport. Pero bigla niyang naalala, ngayon ang pagsundo ni Camille kay Armand.
“Si Vanessa, nakita ko siya.” Sabi ni Camille.
“Asan na siya?” muling nataranta si Drew. Hinanap si Vanessa.
Kaso huli na ang lahat, sinabi ni Camille na nakapasok na si Vanessa sa predeparture area.
Sinubukang makiusap ni Drew sa guards, pero hindi siya pinapasok nito.
Kaya hindi na napigilan umiyak ni Drew. Hindi niya na nagawang pigilan si Vanessa, “Vanessa…Vanessa naman e…”
Camille comforts Drew. Puno ng awa para sa kaibigan, “Drew tama na, kung mahal ka niya babalik siya sayo…kung mahal mo siya hahayaan mo siya sa kung anong desisyon niya…”
Nang mga oras na iyon, gustong-gusto ni Camille na tanungin si Drew para maging malinaw sa kanya ang lahat ng sinabi ni Vanessa…lahat ng naiisip niya. Pero pinili niyang respetuhin muna ang pinagdadaanan ni Drew.
Hanggang sa…
“Anak namin si Albert, Camille...Ako ang tunay na ama ni Albert,” kusang umamin na si Drew kay Camille.
Hindi makapaniwala si Camille. Halos mapabitaw siya kay Drew. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa isang malaking katotohanang nalaman niya.
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)