Tinawagan agad ni Drew si Raquel para ibalita ang nangyaring panganganak ni Vanessa.
“Sige anak, papunta na kami ng Tatay mo dyan…” sagot ni Raquel.
Pagkatapos ng tawag, nakita niyang inilabas ng nurse ang baby niya. Sinundan niya ito kasabay nang pag-silent mode sa phone.
Dinala ang baby sa may nursery. Sa glass window ay pinagmasdan niya lang ito habang mahimbing na natutulog. Para siyang na-hypnotize…paulit-ulit niyang naririnig ang sarili…
“Tatay ka na talaga Drew…tatay ka na…” Halos hindi niya marinig ang ring ng phone niya. Si Camille tumatawag!
“Asan na kaya siya?” taka si Camille sa pag-alis ni Drew na hindi man lang nagpaalam sa kanya.
Naisip tuloy ni Camille, Nagbago na naman ba uli si Drew? Kala ko ba okay na kami? Ba’t kaya umalis na lang yon bigla? Ugali niya talaga mawala na lang bigla!…sanay na sanay na iwan ako!
“Sandali Camille, ang paranoid mo!” Saway ni Camille sa sarili. “Dami mong hugot ha! Baka naman may pinuntahan lang…o kaya baka nagutom?”
Imbes na hanapin si Drew, binantayan niya na lang muna si Jeric habang lumabas ang parents ni Jeric para kausapin ang doctor.
Maya-maya nagkamalay na si Jeric.
“Mabuti na ba pakiramdam mo Jeric? Wala bang masakit sayo?” concern ni Camille.
Si Jeric, biglang may naramdamang kirot sa dibdib, “Araaaaayyy!”
Worried agad si Camille, aktong tatawag ng nurse, “Sandali…”
“Hindi na, Camille!” sabay pigil ni Jeric. Hinawakan ang kamay ni Camille.
“Anong hindi na? E baka mapano ka nyan!”
“Hindi, wala to. Okay na okay na ko.” Bigla na lang nawala ang sakit kay Jeric.
Taka si Camille, “Sure ka?”
“Oo. Sure na sure!” sabay banat, “Sure na sure ako sayo!”
“Ha?”
“Sabi ko…Sure. Ako. Sayo!... Sure ako na lagi akong okay kapag andyan ka sa tabi ko.” Sabay kindat ni Jeric. Nakuha pang magpa-kyut sa kabila ng condition. “Pwede bang tabihan mo ko para mas maging super okay ako?”
Narealize ni Camille na nagda-damoves lang si Jeric, “Loko ka talaga!” sabay tanggal ng kamay niya. “Para kang ewan! Gusto mo ihulog kita dyan?”
“Aba! Okay lang yun na mahulog ako. Gusto ko nga yon e! Basta sayo ang bagsak ko! Boom panis!”
“Boom panis talaga! Ang panis ng banat mo!” bara ni Camille, kunyari inis.
Biglang simangot si Jeric. Tawa naman si Camille. “Ikaw kasi e, ang sabaw mo!”
Matatawa na lang din si Jeric sa kasabawan niya.
At habang tumatawa si Camille, meron tuloy siyang naalala. Ang da-moves din ni Drew nang minsang kunyaring lasunin nito ang sarili. Kaya lalong natawa si Camille.
Para kay Camille, masaya siyang makitang ligtas si Jeric. Pero mas masaya siya na nagkaayos na uli sila ni Drew kahit papano.
Kung alam niya lang ang sitwasyon ni Drew sa mga oras na iyon. Siguradong mapuputol na naman ang kasiyahan niya!
Nang bumalik na ang parents ni Jeric kasama ang doctor para kumustahin ito, lumabas si Camille ng room.
Naisipan niya muling i-miscall si Drew, pero hindi niya makontak dahil walang signal. Naglakad-lakad siya para maghanap ng signal at para i-text na lang si Drew.
Nasan ka na ba Drew? Umuwi ka na ba talaga?
Nang maresib ito ni Drew, at saka lang ito natauhan… Patay! Nakalimutan ko andito pala si Camille sa hospital!
Babalikan na sana ni Drew si Camille pero…
“Drew, andito ka lang pala?” nakita na siya ni Camille.
Agad napansin ni Camille na nasa nursery area si Drew, “Anong ginagawa mo dito?” napatingin si Camille sa isang baby. Sa baby ni Drew! Hindi agad nakasagot si Drew. Sa isip niya, “Paano ko ba sisimulang aminin kay Camille?”
Hanggang sa…
“Drew, hirap mo makontak! Hanap ka ni Vanessa! May sasabihin daw siya sayo…” hindi napansin ni Jean ang nakatalikod na si Camille na kausap pala ni Drew.
Nang marinig ni Camille ang pangalan ni Vanessa. Muli siyang napatingin sa baby. Bigla niyang naisip ang possibility…ang possibility na nanganak na si Vanessa! Ang babaeng akala niyang piniling mahalin ni Drew! Si Drew, napalunok. Hindi alam kung paano ipapaliwanag kay Camille ang lahat. Sasabihin na kaya niya ang lahat ng katotohanan kay Camille?
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)