Free throw

5.1K 80 9
                                    


Binyagan na! Buo ang pamilya nila Drew. Kasama din ang makukulit na barkada.

“Pakarga! Ako naman!” request ni Arkin kay Dion. Sabay lalaruin ang bata.

“Uy bilisan mo! One minute pa lang ako e! Daya!” angal ni Dion.

“Ano ba kayo! Akin na nga! Baka malamog senyo si Alby!” saway ni Drew, “Ang kukulit niyo! Pano kayo magiging mga ninong! Para din kayong mga bata!

“Sorry po Daddy...” pang-asar pa ng dalawa.

At saka lumabas na ang pari at sakristan. Lakad ang pamilya papuntang altar.

Si Drew, napatingin sa Belen na nasa Altar. Kay Baby Jesus.

Sa isip niya, “Happy Birthday po ha?... Atsaka salamat po.  Okasyon niyo po ito pero kayo pa po ang madaming regalo samin...Dahil po sa dami ng nangyari... Hindi niyo kami pinababayaan...”


Naalala niya ang lahat ng paghihirap niya.

Ang tampuhan nila ni Camille. Ang panghuhusga sa kanya ng schoolmates. Ang takot na ma-expel sa school. Ang galit ni Slyvia nang mahuli sila ni Camille.

“Lahat po ng hirap na dinanas ko para kay Alby...sulit naman po lahat... Kasi dahil doon, naging mas malapit ako sa anak ko... Salamat po sa regalo ha?” todo pasalamat si Drew.

***

Mabilis ang naging proseso ng binyag. Matapos ang konting sermon ni Father.

Itinapat ni Drew ang ulo ni Alby sa baptismal font. Binuhusan ng pari ng tubig ang bumbunan ng bata.

Bigkas ng pari, “Albert... Binibinyagan kita sa ngalan ng ama..ng anak... at ng espiritu santo...”

Pinahiran pa ng langis ng pari si Alby sa bumbunan. At saka nagsimulang magsindi ng kandila ang lahat. Nagpasa-pasa ng liwanag.

Hanggang sa puro liwanag ng kandila ang paligid nila Drew at ni Alby. Masayang-masaya si Drew. Sa wakas natuloy na din ang binyag!

Bigla niyang naisip muli si Vanessa, “Sana Vanessa andito ka para sa anak natin.”

***

Sa Amerika, si Vanessa, lalong lumalala ang guilt sa pag-iwan sa anak. Kausap niya secretly sa webcam si Jean.

“Jean... hindi ko na kaya na wala sakin ang anak ko...” napapaiyak si Vanessa.


“Pano ang Nanay mo? Sasabihin mo na sa kanya?”

Napatahimik si Vanessa. Paano nga ba?


“Naku, Good luck! Baka magwala yon oras na malaman niya! Pagsisihan mo pa!” warning ni Jean.

“Marami naman dapat talaga ako pagsisihan na nagawa ko... Pero ang pinakamaling kasalanan ko... yung iwan ko ang anak ko...Kaya kailangan ko makasama ulit ang anak ko Jean!... Kukunin ko siya! Kukunin ko si Alby!” resolved si Vanessa sa gusto niya.

Nang pag-off niya ng chat. Laking gulat niya nang pagtalikod niya.


PAKKK!

Isang sampal mula sa Mommy niya. Galit na galit.

“Sinong anak mo?” narinig pala ng usapan ng Mommy ni Vanessa ang pag-uusap nila ni Jean.

“Mommy…” tigalgal si Vanessa. Hindi alam kung paano ipapaliwanag ang lahat sa ina.

“Magsalita ka!” sigaw ng mommy na umiiyak na.

Napaiyak na lang din si Vanessa. Hindi makapaniwala ang mommy niya. Halos manghina sa natuklasan.

Paano nangyari ang lahat? Paanong hindi sinabi sa kanya lahat ni Vanessa?

Bago pa niya maitanong ang lahat ng nasa isip, si Vanessa napasigaw sa sobrang sakit ng sikmura.

AHHHHHHHH! Hindi makahinga sa sobrang sakit si Vanessa. Para siyang mamamatay!

***

Isinugod agad sa malapit na hospital si Vanessa.

Habang nakahiga, dinig niya ang usapan ng Mommy Helen niya at ng Amerikanong Doctor tungkol sa condition niya.


“We found a tumor in your daughter’s cervix...” report ng doctor, “this condition is common to women who gave birth at the young age.”


Halos manghina si Helen. Parang sinampal uli siya ng realidad na maagang nabuntis ang anak niya. Mixed emotions siya - galit, dissappointed, awa para sa anak niya.


Sa kabila ng mga sakripisyo niya ito lang ang naging kapalit? Sinisi niya din ang sarili niya, nawala siya sa tabi ng anak niya para gabayan ito.


Looking at her mother, si Vanessa, lalong nakaramdam ng guilt. Napahagulgol.


“Nay... Sorry po... Sorry po...” yun lang ang tanging nasabi ni Vanessa nang harapin siya ng ina.

Para sa kanya, sobra niyang nasasaktan ang ina niya sa mga oras na iyon. Nabigo niya ito.

Si Helen, nagtatalo ang loob. Pero sa huli nangibabaw ang pagiging isang ina.

“Kahit magalit naman ako, wala ng mangyayari...nagkamali ka na.” Kalmado na si Helen. Dagdag niya, “Magpagaling ka...magpalakas ka...kapag handa ka na, babawiin natin ang apo ko...at dadalhin natin siya dito...”

Sa mga salitang iyon ng ina, si Vanessa mangiyak-ngiyak sa sobrang pasasalamat sa understanding ng ina.

Sa kabila ng lahat, sobra ang pagmamahal ng kanyang ina sa kanya. Pagmamahal na gusto niya na ding iparamdam sa iniwang anak sa Pilipinas.

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon