Parang nanadyang inggitin si Drew ng mga pagkakataon. Napadalas niyang makita na magkasama sina Camille at Jeric. At sa tuwing nakikita niya ang dalawa, hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng selos.
Para sa kanya, kung hindi lang talaga nangyari ang mga maling desisyon nya. Kung wala siya sa isang napaka-kumplikadong sitwasyon ngayon. Di sana close pa din sila ni Camille. Siya sana ngayon ang ka-bonding nito.
Gustong-gusto ko nang makausap muli si Camille. Gusto kong maging close uli kami. O kaya kahit hanggang friends na lang kami, okay na sakin…basta ayos kami, hindi gaya nito na parang hindi kami magkakilala.
Pero alam ni Drew, kapag nag-decide siyang balikan si Camille at bawiin ang desisyon na layuan ito, hindi magiging madali ang lahat.
Marami siyang kailangang aminin. Lalo na ang tungkol sa sikreto niya. Na siya ang nakabuntis kay Vanessa! Na magiging ama na siya anytime!
Nagtatalo ang loob ni Drew...
Paano kung lalo ko lang siya masaktan? Tapos ipagkalat niya ang nalaman nya?
Anukaba! Kilala mo si Camille. Hindi siya ganoon. Maunawain at matalino si Camille, maiintindihan ka niya… Ipaliwanag mo lang ng maayos…
Paano kung isumbong niya ko sa Mommy niya?
Hindi naman siguro! Mahalaga pa rin kay Camille ang naging friendship namin. Kaya alam ko hindi niya ako ilalaglag ano man ang mangyari.
Pero sandali, nangako ako kay Vanessa…nangako ako sa mga magulang ko na walang makakaalam nito maliban samin.
Sino ba mas mahalaga? Si Camille o si Vanessa?
Daig pa ni Drew ang may multiple personality disorder sa dami ng boses na naririnig sa utak niya. Puro siya lang naman yun, nagtatalo-talo.
Halos mainis si Drew sa sarili niya. Pabago-bago ang isip niya. Litong-lito siya sa gusto niyang gawin…sa kung ano ang tamang gawin.
Ngunit narealize ni Drew, wala namang sikretong hindi nabubunyag. Kaya habang mas maaga pa, sabihin niya na ito sa mga taong pinagkakatiwalaan niya.
At isa na dun si Camille. Para na rin maayos ang gusot nilang dalawa.
Matapos ang mahabang deliberation ni Drew sa sarili, napagdesisyunan niya din sa huli…
Sige kakausapin ko na si Camille…sasabihin ko na sa kanya ang lahat. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Sana lang talaga maintindihan nya ko…
***
Sa may bandang gate ng school, hinintay ni Drew si Camille. Kitang todo practice siya kung paano niya sasabihin ang lahat. Kinakausap niya ang hangin. Halos pagtinginan siya ng mga schoolmates na dumadaan...
“Nababaliw na yata si Andrew!”
“Naku, baka high yan!”
Walang pakialam si Drew sa iniisip ng iba. Hanggang sa makita niya si Camille palabas ng gate…
Huminga ng malalim si Drew. Nilakasan ang loob… Nang lalapitan niya na si Camille, napaurong siya. Kasama pala ni Camille si Jeric. Sabay ang dalawa na maglakad pauwi.
Imbes na ipagpaliban na lang ni Drew ang balak niya, sinundan niya na lang sina Camille at Jeric. Para siyang stalker ng dalawa.
Mala-ninja moves habang matiyagang sumusunod. Hindi siya nagpahalata. Nagtatago agad siya sa tuwing napapalingon ang dalawa. Tyinetyempuhan nya na maiwan mag-isa si Camille. Tsaka niya lalapitan ito.
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)