Mintis

27K 226 12
                                    

Pagbalik ni Drew sa mesa nila ni Camile, ang laki ng smile ni Drew. Dala ang mga order nila ni Camille.

"Madami atang tao sa loob, antagal mo eh," sabi ni Camille.

"Nasa loob si Vanessa!" Excited si Drew.

Natigilan si Camille. "Ha? Andito sya?"

Hahaba ang leeg ni Camille sa pagtingin sa loob ng coffee shop. "Sino kasama?"

"Barista siya dito," sagot ni Drew. Nakangiti pa rin. "Kinausap niya ako Mac! Kilala niya ako! Ang friendly niya!"

Sumimangot si Camille, ayaw ipahalatang imbyerna siya sa nangyari. "Siyempre, kakausapin ka noon... customer ka eh."

"Possible kayang... natutuwa siya sa akin? Tawa siya ng tawa noong kausap ko siya eh."

"Baka natatawa sayo," diin ni Camille. "Magkaiba yung natutuwa sa natatawa."

"Lakas mo naman mambara, dude!" Kunwari hurt si Drew. "Impossible bang magkagusto si Vanessa sa akin?"

Hindi alam ni Camille ang isasagot kay Drew. Ako Drew, hindi impossibleng magkagusto sayo.

"Mukha kayong magkapatid."

"Wala man lang chance na magkagusto siya sa akin?"

"Wala."

Natahimik si Drew. Hurt. "Ganoon ba talaga ang tingin mo sa akin, Dude? Undesirable. Unattractive."

"Drama mo! Ke lalaking tao, mahilig mag emote."

Pero para kay Drew, tumatak sa kanya ang sinabi ni Camille. Kung ganyan pala ang tingin mo sa akin, ibig sabihin, hindi ako boyfriend material para sayo. Hanggang kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin. Hindi mo ako magugustuhan kahit kelan.

Si Camille naman, iba ang iniisip. Kung alam mo lang Drew... Para sa akin, napaka desirable mo. Napaka-attractive mo. Sinasabi ko lang ito para huwag ka na umasa kay Vanessa. Para hindi ka na tumingin sa malayo. Ako na lang Drew. Sa akin ka na lang...

Pero si Drew, babawi kunwari. "Makikita mo, Mac.... May magkakagusto din sa akin na babae!"

"Ako," sagot ni Camille. "Gusto kita," nadulas si Camille.

Gulat si Drew, "Ha?"

"Gusto kitang sapakin dahil kanina ka pa Vanessa ng Vanessa, kaya hindi pumapasok sayo ang Algebra. Dyan ka na nga," walk out si Camille. Para makaiwas. Para ma-save ang sarili sa pagkabuking. Para hindi isipin ni Drew na may gusto siya dito.

"Yung milk tea mo!" Sabi ni Drew.

Hindi na lumingon o bumalik si Camille.

Hahabulin siya ng tingin ni Drew. Siguro, naniniwala si Camille sa Mama niya. Na salbahe ako. Na masama akong impluwensya... Wala talaga akong pagasa kay Camille. Makakasama lang ako sa kanya... Hindi ako magugustuhan ni Camille. May ibang babae naman siguro na magkakagusto sa akin... Yung kaya akong patinuin... Yung mas matanda sa akin.

Drew napatingin sa loob ng Coffee Cat at nakita si Vanessa. Nangiti si Drew. "Baka hindi si Camille ang para sa akin kundi si Vanessa..."

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon