Walk out

10.6K 173 25
                                    

Si Drew, bumisita kina Vanessa. Kinamusta ang baby niya.



“Ayan! Iyak lang siya nang iyak” agitated si Vanessa. Mukhang haggard. Halatang wala pa siyang maayos na tulog matapos ang panganganak niya.

Kinuha ni Drew ang baby sa kuna. Hinele niya, may suggestion siya, “Kung gusto mo Vanessa, doon muna sa amin si Baby Alby? Para makapagpahinga ka nang maayos…”

Napabuntong hininga si Vanessa. Feeling useless, “Ang laking pabigat ko na Drew…”



“Naku, wag mong isipin yon Vanessa!” saway ni Drew “Ganon talaga, kailangan nating magtulungan hindi ba?”



“Hiyang hiya na ko sa mga magulang mo.”

“Ako ang mag-aalaga sa kanya sa bahay…”



Hindi maiwasang maluha ni Vanessa. Para sa kanya kung meron lang siyang ibang choice. Hindi ito ang sitwasyon na gusto niya para sa kanilang dalawa ni Drew. Kaya naramdaman uli niya ang guilt, “Kasalanan ko talaga lahat ito e.”

Nilapitan ni Drew si Vanessa. He comforts Vanessa habang karga ang baby nila.

“Tama na Vanessa, hindi na natin mababago ang nangyari. Ang mahalaga ngayon ay kailangan nating gawin ang lahat para maging mabuting mga magulang para kay Baby Alby. Kahit mahirap…kailangan nating mag-adjust. Magtutulungan tayo.” 



“Pasensya ka na talaga Drew…” napaiyak na lang si Vanessa. Para sa kanya, ang pasensiyang iyon ay may iba pang kahulugan na hindi niya masabi –sabi kay Drew.


***

Dinala nga ni Drew si Baby Albert papunta sa bahay nila para doon alagaan. Tiyempong naabutan siya sa daan ni Camille. Surprised si Camille na makita sa ganoong sitwasyon si Drew.

Para kay Camille, may mali sa nakikita niya. Masyado pang bata si Drew para akuin ang anak ni Vanessa.

Pero nilakasan ni Camille ang loob. Nilapitan si Drew para ibigay ang isang sobre.

“Naku, Camille hindi ko matatanggap yan…” nang makita ni Drew ang lamang pera ng sobre.

“Tanggapin mo na Drew, hindi naman para sayo yan e…para sa baby ni Vanessa. Tulong ko na rin.”

“Sorry, Camille, hindi ko talaga matatanggap yan…”

“Kunin mo na.  Alam kong kelangan mo ng panggastos…lalo na sa binyag ni Baby Albert” pag-amin ni Camille sa nalaman niya.

Surprised si Drew. Paanong  nalaman ni Camille ang tungkol sa binyag? Ang tugkol sa real name ng anak niya? Alam na kaya nito ang lahat?

“Nakita ko kayo kahapon ni Tito Gilbert...” Sabi ni Camille.

Wala nang nagawa si Drew kundi tanggapin ang pera. Thankful sa ginawang effort ni Camille.

Kaya that moment, gusto na aminin ni Drew kay Camille ang lahat. Para sa kanya, sigurado na siyang mapagkakatiwalaan niya si Camille. Para na din mabawasan ang bigat ng paglilihim niya sa mga kaibigan niya. Para ma-invite niya si Camille sa binyag.  Baka puwede pa nga itong maging Ninang.

“Camille, may sasabihin sana ako sayo…” panimula ni Drew.

“Ano yon?” na-curious si Camille.



“Gusto ko kasing…” Pero biglang nag ring ang phone ni Camille!

RING RING RING!

Tumatawag ang Daddy Armand ni Camille. Tumawag ito para sabihing uuwi ito mula sa Cebu. Nagpapasundo sa airport sa darating na sabado.

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon