Sa gitna ng biyahe, nasiraan ang bus na sinasakyan nina Drew at Camille. Kaya kinailangan nilang lumipat sa ibang bus.
Pero parang nananadya ang tadhana na hindi sila palayuin . Mukhang hindi ito pabor sa ginagawa ni Drew. Dahil nahuli naman ang sunod na sinakyan nila. Colorum daw kasi.
Halos mafrustrate si Drew,“Malas naman talaga oh…”Pansin ni Camille ang takot sa mukha ni Drew, ang takot na baka sa mga oras na iyon, nakasunod sa kanila si Vanessa at makuha si Alby.
Kaya si Camille, alalay lang kay Drew, “Relaks ka lang, may iba pa naman tayong masasakyan.”Si Drew, makakaramdam na ng hiya kay Camille, “Pasensya ka na, Camille, pero hindi mo naman kailangang gawin to…ang samahan ako. Kasi ---”
“Kasi ayaw mo kong madamay?”
Tango si Drew. Camille assures Drew, “Sus wala to, ikaw din naman dati madalas madamay sa mga problema ko. Pero sinasamahan mo pa din ako lagi…”
“Pero hindi mo kailangan bumawi…”
“Hayaan mo na ako,” sabi ni Camille. “Ito lang ang alam kong way para damayan ka. Di ba nga walang iwanan?”Pero sa isip ni Camille, sa pagsama niya kay Drew hindi ibig sabihin na pabor siya sa ginagawa ng kaibigan. Alam niyang mali ito.
Sinamahan niya si Drew para masiguradong hindi ito mapahamak pati si Alby. At syempre tulungan itong marealize ang tama. Gaya ng ginawa niya dati sa Tagaytay escapade nila. Kailangan niya lang ng tamang timing para kausapin at payuhan si Drew.Kasi kapag nagkamali siya ng pasok, baka mainis lang si Drew sa kanya at umalis ito.
“Thank you, Camille!” sobrang appreciated ni Drew ang pagsama ni Camille.“So san mo na balak pumunta ngayon?” tanong ni Camille.
Walang maisagot si Drew. Hindi niya talaga alam kung saan pupunta. Ang alam niya lang, gusto niya makasama ang anak niya.
Si Camille, wala ding maisip kung saan sila pwede. Napansin din niya, gabi na. Baka lalo lang sila mapahamak kung lalayo pa sila. Kinakabahan si Camille. Pero hindi siya nagpahalata kay Drew.
Deep inside, nag-pray na lang siya. Lord give me a sign, kung saan po kami pwede pumunta.Nang paglingon niya sa may kanan, may napansin siyang isang event sa loob ng park.
“Gusto mo dun tayo?!” feel ni Camille ito ang sagot sa dasal niya.
Pero ayaw pumunta doon ni Drew dahil maraming tao at malapit lang ang lugar na ito sa kanila. Baka mahanap sila. Baka may makakilala sa kanila.
Kaso wala siyang ibang choice. Wala siyang ibang maisip. Kaya sumunod na lang siya kay Camille.
***
Sa entrance ng event, may streamer na nakakabit, “Overnight Camping – A Family Day Outdoor Activity.”
Si Camille, hindi maiwasang mag-senti. Naisip niya na kung buo pa ang pamilya niya gaya ng dati. Part sana sila ng event na iyon.“Lika na, di tayo pwede dyan…” yaya ni Drew kay Camille. Habang palinga-linga sa paligid.
“Dito na lang muna tayo, Drew. Mukhang okay naman dito e!” pilit ni Camille.Nang lumapit sila sa may registration booth. Wala nang available slots. Hindi na sila pinapasok.
Nanghinayang si Camille. Perfect at safe place sana iyon para sa kanilang tatlo. Kaso hindi sila pwede. Kaya nagpasya na lang silang umalis. Pero bago pa sila makalayo ---
“Drew!?...Camille!?” isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanila.
Gulat silang dalawa. Akala na nila kung sino. Si Blessie pala!
“Anong ginagawa nyo dito?” curious agad si Blessie bakit magkasama ang dalawa. Kasama pati si Alby.
Magkakatinginan sina Camille at Drew. Hindi alam kung ano ang idadahilan kay Blessie.
Kaya si Camille, agad kinausap si Blessie malayo kay Drew. Pabulong ang usapan. Pinaliwanag ang totoo. Pati ang dahilan niya kung bakit sinamahan si Drew.
Hindi din pabor si Blessie sa balak ni Drew. Pero dahil nagtitiwala siya na makukumbinsi ni Camille si Drew na gawin ang tama sa huli. Tinulungan niya na lang ang dalawa na makapasok sa loob ng camp site.
Dahil organizers ang parents ni Blessie, nakapasok sina Camille at Drew for free.
Sa camp site na nila piniling mag-stay overnight. Pinahiram ng mga gamit ni Blessie sina Camille at Drew…kasama na ang gatas, stroller, at extra family tent.
Kaya laking pasalamat ng dalawa kay Blessie.
***
Sa loob ng tent, iyak nang iyak si Alby.
“Alby, wag ka na umiyak…” habang hele ni Drew. Pero hindi niya ito mapatahan.
First time uli ni Alby na magtantrum nang ganon. Parang hindi nito kilala si Drew. Parang hindi na sanay sa kanyang mga yakap. O parang gusto na yata sila umuwi?“Hindi pwede, Alby…ilalayo ka sakin ng Mommy mo…” kinakausap na ni Drew ang anak.
“Akin na nga…ako magpapatahan sa kanya…” volunteer ni Camille. At saka pinasa ni Drew si Alby.
Nang hinele ni Camille si Alby, effective. Dahan-dahang tumigil sa pag-iyak si Alby. Nakahinga nang maluwag si Drew.
Naka-smile na pinagmamasdan ni Drew si Camille na enjoy sa pag-aalaga kay Alby.
Sa isip tuloy nya, para lang silang nagbabahay-bahayan ni Camille. Siya ang daddy. Si Camile ang mommy. At si Alby ang baby nila.
Gusto pa niya sa future, silang tatlo ang magkakasama. Ang maging isang masayang pamilya. Walang problema. Walang anuman o sinuman ang makapaghihiwalay sa kanila.
Pero alam niyang masyadong malayo ang ini-imagine niyang future sa realidad na meron siya sa present. Kasi nandyan na napakalaki ng chance na mawala pa din si Alby sa kanya.
At silang dalawa ni Camille, marami pa silang dapat tuparing mga pangarap. Ang makapagtapos ng pag-aaral. Ang makatulong sa pamilya.
Tapos sa ginagawa niya pa ngayon na pagtakas…at ang walang kasiguraduhang plano nya sa buhay. Ano pa nga bang future ang meron siya?
BINABASA MO ANG
BAGITO
Roman pour AdolescentsBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)