Test

3.2K 42 0
                                    

Napilitang pumasok si Drew sa school.

Kung siya ang masusunod hindi niya gusto pumasok sa araw na iyon. Ang gusto niya ay bantayan ang anak niya. Takot siya na balikan ni Vanessa si Alby at kunin na lang ito habang wala siya sa bahay.

Pero hawak niya ang pangako ni Raquel, “Anak, hindi ko hahayaang kunin na lang basta ni Vanessa ang apo ko.”

Pati nina Elise at Cesar, “Kami na bahala Drew, NO ID, NO ENTRY…O basta si Vanessa, NO ENTRY talaga!”

Kaso hindi pa din mapanatag si Drew.  Kilala niya kasi si Vanessa. Hindi iyon titigil. Gagawa iyon ng paraan makuha lang si Alby.

Kaya hinanap ni Drew si Camille para makausap tungkol sa malaking problema niya. Kaso absent si Camille. Baka problemado pa din sa bahay.

Habang tambay si Drew kasama ang barkada. Nag-isip din siya ng paraan para mapigilan si Vanessa. Naikwento na niya ang ginawang pagtatapat ni Vanessa na para sa kanya ay isa pa ding malaking kasinungalingan.

Hindi makapaniwala si Dion, “Seryoso dude? Hindi mo anak si Alby?”

Si Arkin, iba naman ang reaksyon, “Pero ayaw nyo non…di ba mas okay yun? Kung hindi pala anak ni Drew  si Alby... Balik na sa dati! Malaya ka na uli dude!”

Si Blessie, nasa kabilang upuan lang. Nakatakip ang bibig. Nanlaki ang mga mata sa narinig na kwento ni Drew.

Dahil feeling close, tumabi sa upuan ng tatlo. Nakisali na sa usapan, “Naku Drew, dapat pagbayarin niyo si Vanessa pag nagkataon, ang dami nyo na kayang gastos dun sa bata no!”

“Tama ka dyan Blessie!” agree si Arkin, pero naisip niya, “Yun nga lang… Paano yun…E di hindi na kami Ninong ni Alby!?”

“Tayo pa din!” sagot ni Dion, “Kasi nga…anak talaga ni Drew si Alby!”

“Naku pustahan tayo! Hindi yan!” confident si Blessie, “Sino ang naniniwala na hindi anak ni Drew si Alby, taas ang kamay!”

Biglang taas ng kamay si Arkin. Si Dion, napailing na lang sa dalawa. Bigla na lang naging close?

“Sige na, Dion sali ka na! Bente-bente lang!” sabay labas ng bente pesos nina Arkin at Blessie.

Biglang—


“Hindi laro to! Gusto niyo mawala sakin ang anak ko?!” singhal ni Drew.

Feeling pahiya sina Blessie at Arkin.


“Sorry, Drew...Hindi naman sa ganon...” apologize agad si Arkin. Sabay tago ng bente.


“Huwag niyo kasi gawing biro tong problema ko!”

Inis si Drew. “Kaya ako nag-share sa inyo para makatulong kayo kung anong dapat kong gawin…hindi para ---” napabuntong hininga na lang si Drew.

“Oo nga Drew…itong kasing dalawang to e! Di nakakatulong!” inis din si Dion.

“E kasi naman dapat sinabi mo agad na kailangan mo pala ng way!” suggestion ni Blessie, “Bakit kasi hindi nyo na lang ipa-DNA test?”

“Anong ibig sabihin ng DNA test?” walang alam si Arkin.

“DNA stands for Deoxyribonucleic acid --- yun yung…”

“Ay kala ko…DNA! Drew-N-Alby test!” banat ni Arkin, “Sige nga paki-explain sakin ng konti, absent yata ako nung diniscuss yan e.”

Kaya si Blessie, todo-effort sa pag explain kay Arkin kung ano ang DNA, “Basta in short, effective na paraan yan para malaman nila ang totoo kung tunay na anak nga ni Drew si Alby!”

Paliwanag pa ni Blessie on genetics, “Kalahati ng DNA natin, sa nanay natin nakukuha. The other half... sa tatay. At yun ang dahilan kung bakit ang mga miyembro ng pamilya natin, magkakamukha.”

Si Drew, mukhang apektado pero kinig lang siya.

“Sige nga isipin mo, Arkin... Ano-ano ang mga physical traits ni Alby na sa tingin mo ang nanggaling kay Drew?” tanong ni Blessie.


Si Arkin, napaisip. Ano nga ba? Parang wala e!

Siko ni Dion si Arkin, sabay sabi kay Drew “Wala kang problema Drew. Kamukhang-kamukha mo si Alby!”

“Oo naman!” agree na lang din si Arkin para hindi magalit si Drew.


Si Blessie, mapapanguso. Alam niyang supportive lang talaga ang dalawa kay Drew.

“Kaya pag positive ang lumabas, ikaw nga ang ama ni Alby!” sabi ni Blessie. “Pero kung hindi….” Di na lang tinuloy ni Blessie baka magalit pa lalo si Drew.

Sa isip ni Drew, may punto si Blessie. Pwede niyang gawing deal kay Vanessa ang DNA test.

Na kapag napatunayan niya na anak niya nga si Alby, hindi na sila guguluhin ni Vanessa. Na ibibigay na sa kanya si Alby at hindi na kailanman pwedeng ilayo sa kanya.

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon