Bonus

4.8K 70 3
                                    

“Thank you, Drew…Ingat kayo pauwi!” paalam ni Camille kina Drew. At saka umalis sila Drew.

Paakyat na sana ng hagdan si Camille nang dumating sina Slyvia at Armand.

“Camille…” agad niyakap ni Sylvia ang anak. Mahigpit. Akala mo’y matagal silang hindi nagkita.

“Sorry baby…sorryyy.” Sobrang apologetic si Sylvia. Kita sa kanya, ang takot na mawala o mapahamak ang unica hija niya.

Si Camille, naguilty din dahil napag-alala niya ang mga magulang niya, “I’m sorry din, Mommy… Daddy.”

Nakiyakap na din si Armand. Kahit hindi na mag-usap ang tatlo. Napatawad na nila ang isa’t isa. Nagkaayos na sila.

Si Camille, sa isip niya kung pwede lang ihinto ang oras. Dahil ngayon niya lang naramdaman na buo ang pamilya niya.

 ***

Sumapit ang bisperas ng pasko, parang bumawi ang tadhana kay Drew.

Nakasabay nilang nagsimba ang pamilya ni Camille. Matapos ang misa, lumapit si Sylvia sa mga Medina.

Binanggit nito ang desisyon niya sa kaso ni Drew, “Binibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon…pero sana ang second chance na iyon ay hindi mo na masayang.”

“Talaga po!?” hindi makapaniwala si Drew, “Salamat po Maam…asahan nyo po.”

Halos maluha din sa tuwa sina Raquel at Gilbert. Isang magandang Aguinaldo ito para sa kanilang pamilya. Ngayon malaki na ang chance na hindi mapapatalsik ang anak nila dahil kakampi nila si Slyvia – ang principal ng school!

Puno sila ng pagpapasalamat kay Sylvia. Mabuti na lang naintindihan nito ang kaso ni Drew.

Pero sa totoo, dahil iyon sa utang na loob ni Sylvia sa paghanap ni Drew kay Camille. At alam niya sa sarili na wala naman talaga silang laban…na hindi nila pwedeng patalsikin si Drew sa ganoong basis lang.

Para kay Sylvia, ayaw pa din niyang maging malapit sina Drew at Camille sa isa’t isa! Nandon pa din ang takot niya na mapahamak ang anak niya sa kamay ni Drew!



***

Eksaktong alas-dose, nag-noche Buena na ang lahat.

Sa bahay nila Drew, buo ang kanilang pamilyang nag-celebrate ng pasko. Nagpalitan ng mga regalo.

“Ang malaking regalo na to, para kay Yuri!” sabay abot ni Gilbert kay Yuri.

Pagbukas, isang robot! Tuwang-tuwa si Yuri.

“O eto naman para kay Alby!” sabay bigay ng regalo ni Raquel kay Drew.

Pagbukas ni Drew, isang puting damit.

“Merry Christmas Anak, galing yan samin ng tatay mo…” sabi ni Raquel.

“Hala…Salamat Nay…Tay!” sabay tingin sa anak. “Alby... May susuotin ka na para sa binyag mo bukas.” Smile si Drew. Sinukat pa ang damit ng anak. Lahat masaya para sa kanya.


BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon