Sa labas ng apartment ni Vanessa. Nandoon si Drew. Sumisilip. Hoping to catch a glimpse of Alby.
Hanggang sa makita niyang lumabas si Vanessa kasama si Jean at ang pinapatahang si Alby na nasa stroller.
“Masasanay ka din kasama ako, Alby…Huwag ka na umiyak…”
Si Jean, may tanong kay Vanessa, “So kelan na nga ang alis nyo nyan?”
Dinig ni Drew ang usapan ng dalawa.
“Sa makalawa na ang flight namin pabalik ng Boston” sagot ni Vanessa. Habang isasampay ang mga damit. Tutulong si Jean.
“Dalawang araw na lang pala. So pano yan…okay na ba kayo ni Drew? Magpapaalam ka pa ba sa kanila?”
“Baka hindi na…” naisip ni Vanessa baka may mangyari pang gulo. Ayaw niya nang pahirapan pa si Drew.
Pangongonsenya ni Jean, “Vanessa naman…naging napakabait sa iyo ng pamilya ni Drew. Magpaalam ka naman kahit sa huling pagkakataon…”
“Ikaw na rin ang nagsabi…mabait sila. Kaya maiintindihan na nila kung hindi ako magpaalam.”
“Alam mo sanay ka talagang di nagpapaalam no?” singhal ni Jean.
Natahimik si Vanessa. Ayaw patulan si Jean. Insist ni Jean, “Di mo ba talaga pwedeng ibigay na lang sa kanila ang anak mo? O dito ka na lang…para nakikita pa din siya ni Drew?”
“Ano ka ba Jean, anak ko si Alby! Tsaka sa Amerika ang buhay namin….” Dahilan ni Vanessa. “Okay na lahat, Jean…nasakin na ang anak ko. Wag na natin sila pag-usapan. Move on na…”
Pero mapilit si Jean, “Move on? Madali yan para sayo kasi hindi naman ikaw ang nawalan. E pano si Drew? Kala mo ganon na lang kadali sa kanya yon?”
“Wag na kasi siya magpakatanga sa anak ko!”
“Yun ang tawag mo sa nagmamahal sa anak mo? Nagpapakatanga? Saka hindi siya nagpakatanga Vanessa… Nagtiwala siya sayo…ang pamilya niya! Yun ang ginawa nila!
Tatamaan si Vanessa, pero magmamatigas, “Balang araw Jean…magkaka-anak ka rin…At pag nangyari ito sa iyo…gagawin mo rin ang lahat para mabawi ang anak mo!”
“Alam mo Vanessa kapag nagkaanak ako…Hindi ko ipapaako sa iba…Hindi ako manloloko ng tao…Hindi ako-“
“Tama na, Jean!” saway ni Vanessa, “Hindi na magbabago isip ko. Dadalhin ko ang anak ko sa Amerika! Tapos!”
“O well, ano ba magagawa ko?” Hanggang sa magpasyang umuwi na lang si Jean.
Habang si Vanessa naman, naamoy ang nasusunog na sinaing niya.
“Dyan ka muna, Alby ha. Sandali lang…” iniwan saglit ni Vanessa si Alby.
At saka lang lumapit si Drew sa stroller.
Mangiyak-ngiyak nyang kinarga ang anak, “Anakkk…andito na si Daddy.”
Pero biglang umiyak si Alby. Malakas!
“Teka lang baby, pabalik na si Mommy!” sigaw ni Vanessa mula sa kusina.
Biglang nataranta si Drew. Out of desperation na makasama pa nang matagal ang anak, sa pangalawang pagkakataon, itinakas ni Drew si Alby!
***
Hindi alam ni Drew kung saan niya dadalhin ang anak. Ang alam niya lang kasama niya na muli ito.
Hindi magawang tawagan ni Drew si Camille. O kahit sina Dion at Arkin para humingi ng tulong.
Ayaw niya ng idamay ang mga kaibigan niya sa problema niya. Pumara na lang siya ng bus na hindi niya napansin kung saan papunta. Wala na siyang paki. Ang gusto niya lang makalayo kay Vanessa…o kahit kanino na pwedeng bumawi sa anak niya.
Pero sa pag-upo niya ---
“Drew?” nasa loob din pala ng bus si Camille na galing naman sa pagbisita ng daddy niya.
Gulat si Drew. Hindi niya alam kung matutuwa siyang makita si Camille o mahihiya. Alam niya kasing magagalit ito sa kanya kung sasabihin niya kung saan siya pupunta. Kung ano talaga ang balak niya.
Pero kahit hindi siya magsalita, gets na agad ni Camille kung ano ang plano niya. Alam na kasi ni Camille na dapat wala na kay Drew si Alby. At pansin ni Camille sa mga mata ni Drew ang takot…ang desperation.
Kaya si Camille, imbes na pigilan si Drew. Tinabihan niya ito, she assures Drew, “Kung saan ka pupunta, sasamahan kita…”
Maiiyak si Drew. Hindi niya inaasahan na ganon ang reaksyon ni Camille. Sa mga oras na iyon, ang gaya ni Camille ang kailangan niya. Ang taong makakaintindi sa walang kasiguraduhang plano niya.
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)