Loose Ball

22.8K 195 26
                                    

Hinahabol ni Drew si Camille. 

“Camille, sandali!”

Pero ayaw siyang pansinin ni Camille. Dire-diretso lang ito sa paglalakad. Hahawakan ni Drew ang braso ni Camille para pigilan ito. “Sandali lang!”

Hihilahin ni Drew si Camille. Wala na nagawa si Camille kundi harapin si Drew. Nagulat si Drew. Umiiyak si Camille. Bakit?

“Umiiyak ka ba?”

Dali-daling pupunasan ni Camille ang luha. Pipigilan ang pag iyak. “Akala ko… ayaw mo na kay Vanessa… Sabi mo… hindi mo na siya gusto…”

Nagtataka si Drew. Bakit umiiyak si Camille? Possible bang nagseselos si Camille kay Vanessa?

“Kaya ka ba umiiyak… dahil kay Vanessa?”

“Sabi mo magbabago ka na… Drew, bakit mo ba ginagawa sa akin to? Susuyuin mo ako. Nagmakaawa kang mag bati na tayo. Tapos bigla kang iiwas sa akin. At ngayon… makikita kong magkasama kayo ni Vanessa…”

“Camille, hindi ganoon yun--”

“Nangako kang hindi mo na ako sasaktan, Drew… Pero heto ka na naman o… sinasaktan mo ako…” Hindi na napigilan ni Camille ang luha.

“Camille…” Hindi alam ni Drew anong sasabihin.

“Hindi na sana ako naniwala sayo. Hindi na sana kita pinatawad.”

“Camille, intindihin mo na lang ako… May problema lang ako… Sorry kung iniiwasan kita pero –“

“Drew, hindi lang to tungkol sa pag-iwas mo sa akin. Hindi mo pa ba gets? Manhid ka ba o sadyang tanga ka lang? Hindi mo ba alam? Hindi mo ba nararamdaman?”

Ang ano? Litong-lito na talaga si Drew.

“Drew, mahal kita! Hindi lang bilang kaibigan… Mahal kita, matagal na! Pero hindi mo naman ako mahal. Dahil alam kong hanggang kaibigan lang ang tingin mo sakin.. Kaya ako nasasakatan.”

Nagulat si Drew sa narinig. Mahal ako ni Camille?

“Pero Drew, ayoko na… Pagod na ako,” muling pinunasan ni Camille ang umaagos na luha. Nagpapakatatag. “Sawang-sawa na akong nasasaktan dahil sayo… Kaya please, Drew… Huwag na tayong mag-usap kahit kelan… Kasi hanggat nagsasama tayo… lalo mo lang akong nasasaktan!”

Sabay walk out si Camille. Hindi makagalaw si Drew sa kinatatayuan. Hindi pa nagsi-sink in ang sinabi ni Camille.

Mahal ako ni Camille?

Gustong habulin ni Drew si Camille. Gusto niyang yakapin. Gusto nitong sabihin na “Camille, kung mahal mo ako, mas mahal kita.” Pero hindi niya magawa. Hindi niya masabi. Hindi na puwede.

Mahal na mahal din kita, Camille. Pero magiging Tatay na ako… Kaya hindi na rin tayo puwede magmahalan.

At hindi namalayan ni Drew, umiiyak na rin siya. Muling nagsisisi sa nangyari sa kanila ni Vanessa.

Si Camille ang mahal niya. Hindi si Vanessa. Pero kailangan niyang tanggapin na ang relasyon nila ni Camille, natapos na, bago pa man magsimula…

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon