Tapal

4.8K 65 6
                                    

Sa Coffee Cat, hindi sinasadyang nagkita sina Drew at Camille. Parehas silang mukhang problemado.

 
“Camille... okay ka lang ba?” unang bumati si Drew.

Camille forces a smile, “Yes, Drew... I’m fine.” Hindi magawang i-share ni Camille ang problema niya.

“Ikaw, mukha kang hindi okay.” Napansin ni Camille ang lungkot sa mga mata ni Drew.

Kinumbinsi ni Camille si Drew na mag-open up sa kanya.

Kaya si Drew, kwinento ang naging desisyon ni Vanessa na ilayo ang anak niya sa kanya.

“Ang hirap talaga isipin na malalayo ako sa anak ko. Hindi ko talaga kaya…” Sabay buntong hininga si Drew.

“Naiintindihan kita Drew…kahit ako parang hindi ko kayang malayo sa ---” Nadulas si Camille.

“Lalayo ka?” taka si Drew. “Saan ka pupunta?”

“Ah kasi…” hesitant si Camille na sabihin ang totoo kay Drew. Na pinapapunta siya ni Sylvia sa Singapore para ilayo sa kanya.

Kaya pinili niya na lang sabihin na, “Si Mommy kasi…inassume na ikaw yung Mr. Smiley…tapos pinagbawalan nya na kong sumali sa contest…”

“Ganon ba?” nalungkot si Drew. Hindi dahil hindi na sila makakasali sa contest kundi’y dahil napagalitan na naman si Camille dahil sa kanya.

“Sorry Camille ha” sobrang apologetic si Drew.

Pinaliwanag ni Camille kay Drew na siguro hindi na talaga maibabalik ang tiwala ni Sylvia. Kaya ang request niya kay Drew, “Intindihin na lang natin…pero syempre di kailangan na sundin natin ang lahat ng gusto nya…dahil unfair na yon masyado.”

“Pero baka lalo lang kayo hindi magkasundo. Gusto mo kausapin ko siya para linawin ang lahat” sabi ni Drew.

“Hindi na kailangan.” Para kay Camille, habang alam nila ang totoong score nila na magkaibigan lang talaga sila at wala silang masamang ginagawa. Wala silang dapat ikabahala.

Smile si Drew, “Thank you talaga, Camille never mo akong iniwan.”

Sa sinabing iyon ni Drew, si Camille deep inside sobrang nalungkot. Dahil alam niya…malaki pa din ang chance na umalis siya. Na malayo siya kay Drew.

Paano na ang friendship nila?

BAGITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon