Ilang araw matapos pumutok ang isyu ni Drew, hindi pa rin nakakapagdesisyon ang board ng Southeastern Hope College kung ano ang dapat nilang gawin kay Drew. Hati ang mga opinion nila.
“Hindi sapat ang suspension! Dapat na siyang i-expel dito sa school, baka sabihin ng ibang mga magulang kinukunsinte natin ang mga estudyante.” Suggestion ng isang board.
“Pero kapag ginawa natin yon, siguradong aalma ang pamilya Medina. Lalo pang kakalat ang isyu.” Takot ng isang board na mapagpyestahan ito ng midya.
Si Sylvia, todo kinig lang sa mungkahi ng lahat. Kinokonsider niya lahat ng bagay. Ang magiging image ng school at ang magiging image niya kay Gilbert oras na magdesisyon siya. Ayaw niyang magalit si Gilbert sa kanya lalo pa’t nakiusap ito.
Sobrang torn si Slyvia. Kaya nag-request na lang siya uli ng isa pang meeting para mapag-isipan pa niyang mabuti ang magiging stand niya.
Samantala, ang topic nilang si Drew pinilit pa ding maging normal ang pagpasok sa school. Pumunta pa din siya sa Christmas Party.
Pagpasok ni Drew sa classroom. Parting-party ang atmosphere. Naka-civilian lahat. Nakalatag sa mesa ang potluck food.
Napansin niya wala pa sina Arkin at Dion, pati si Camille.
Tinginan sa kanya ang mga classmates niya. Tungo si Drew.
Sabay lapit ang ilang mga kaklase, “Nandito na pala si Daddy e!...Asan ang baby?” biglang tawanan.
Pigil si Drew. Hindi na lang pinansin ang mga kaklase. Bulong niya sa sarili, “Masanay ka na, Drew.”
Biglang lapit si Miss Imee. Pinagsabihan ang mga estudyante, “Manggugulo kayo, paskong pasko! Yan ba ang tinuturo ko sa inyo?!”Tiklop ang mga students, “Sorry po maam”.
Nilapitan ni Miss Imee si Drew. Sabay abot ng paper plate kay Drew, “Kumuha ka na ng pagkain mo, Drew.”
Smile si Drew. Para sa kanya, nakakatouch kapag may ibang taong nagtatanggol sa kanya maliban sa mga expected niya.
Sa pagkuha ni Drew ng pagkain, saktong dumating sina Arkin at Dion kasabay sina Camille at Blessie na hinatid ni Toffer.
“Akala namin di ka pupunta e! Pinuntahan ka kaya namin sa bahay nyo!” paliwanag ni Arkin kung bakit sila na-late ni Dion.
Pero si Drew, hindi nakikinig kay Arkin. Nakatingin lang siya kay Camille na suot ang isang white dress. Para itong isang anghel sa paningin niya.Maya-maya may pakulo si Miss Imee. Pinagawan niya ang mga estudyante ng kanya-kanyang handmade Christmas cards. Pinasulat kung ano ang mga wish ng mga ito sa pasko.
Si Drew, sige tingin kay Camille. Si Camille, pag hindi na nakatingin si Drew titingin naman sa kanya. Hanggang sa magkahulihan sila ng mga tingin. Napangiti na lang sila sa isa’t isa.
Pagkatapos isulat ng mga wish, isa-isang nag-share ang mga students sa harap ng klase.
Si Dion, “Wala akong sinulat na wish... kasi nakuha ko na e... Okay na kami ng erpat ko!”
Si Arkin, “Gusto ko matutong mag-drive, pero syempre kelangan magka-kotse muna!”
Si Blessie, “Gusto ko ng ticket sa concert ng paborito kong K-Pop boyband! Front seat!”
Si Camille, “Ngayong nandito na si Daddy... Sana hindi na siya umalis...Sana tuluyan na kami magkasama-sama as a family.”
Turn ni Drew, “Madami sana ako gusto i-wish... Kung puwede nga lang... laruan… o kaya bagong cellphone... Pero huwag na lang.”Tahimik ang lahat. Nakatingin lang kay Drew.
Dagdag ni Drew, “Ang pinili ko...yung talagang gustong-gusto ko i-wish--para sa anak ko... Sana maging mabuti akong daddy sa kanya...sana maging mabait siya paglaki niya... Sana kahit hindi kami mayaman…maibigay ko ang lahat ng pangangailangan niya…Sana lumaki siyang maayos…Sana…wag siyang tumulad sa daddy niya…pero sana…maipagmalaki rin niya ako balang araw…”
Sa mga wish na yon ni Drew, ang realization ng lahat—iba na si Drew. Hindi na bata. Malayong-malayo na sa kanila.
Si Camille, hati. Nakakaramdam siya ng paghanga kay Drew. At the same time, nalulungkot siya para sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)