Nagkulong sa kwarto si Camille. Tuloy pa din ang iyak niya. Apektado pa rin sa ginawa niyang pag-amin kay Drew.
Inamin ko na sa kanya ang feelings ko, wala pa rin siyang ginawa. Wala siyang sinabi. Siguro nga, hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin.
Muli siyang napahagulgol. Hanggang sa…
TOK! TOK! TOK!
Katok ng nanay niya. Niyaya siya kumain. Agad pinigilan ni Camille ang pag-iyak.
“Busog pa ako Ma!” excuse ni Camille kahit ang totoo hindi pa siya talaga kumakain.
Ganon nga siguro kapag masakit ang puso o brokenhearted. Halos hindi mo na nararamdaman ang ibang sakit sa katawan mo. Parang nagiging manhid ka. Parang gusto mo muna mag-isa.
At sa pag-iisa ni Camille, bigla na lang niyang narealize…“Siguro nga kahit kelan, hindi mo ko mapapansin…hindi mo ako magagawang mahalin.” kausap ni Camille ang display picture ni Drew sa fb. Kinumbinse nya ang sarili, “Dahil para sayo…bestfriend mo lang ako. At hanggang doon na lang yon…”
Kaya nang mismong gabing yon, nagpasya si Camille.
“Magmo-move on na ko! Move on na ko kay Drew!” ang pangako ni Camille sa sarili niya.
Kahit alam niya naman sa sarili niya na mahirap ang gagawin niya. Handa siyang subukan.Sa una, natawa pa siya…
“Hindi naman naging kami, pero kailangan ko mag-move on…”
Tapos bigla siyang nalungkot.
“Ito nga siguro ang kapalit ng pag-amin ng totoo kong nararamdaman, ang mapalayo kay Drew.”
Hindi man ito ang gusto ni Camille na mangyari, pero alam niya sa sarili niya, ito ang makakabuti sa kanilang dalawa ni Drew.
***
Walang ibang nakausap si Camille sa pinagdaanan niyang pain. Wala siyang nahingian ng advice.
Kahit ang Mama Sylvia niya, alam niyang magagalit lang ito. Hindi din naman pwede ang barkada dahil alam niyang pagtatawanan lang siya ng mga ito.Narealize niya, si Drew lang pala talaga ang nakakausap niya at takbuhan sa tuwing problemado siya.
Pero dahil ngayon si Drew ang problema niya, ang kinausap na lang niya ay ang laptop niya. Umasang may sagot ito sa mga tanong niya.
Effective nga! May naresearch siya na “5 Easy Steps to Move On”.
Accept the fact…
Tinanggap ni Camille ang fact na hindi magiging sila ni Drew…na hindi siya kayang mahalin ni Drew gaya ng pagmamahal niya dito dahil si Vanessa ang mahal nito. Tinanggap niya rin na masyado pa siyang bata para isipin ang tungkol sa love. Kailangan niya muna i-prioritize ang pag-aaral niya!Distract yourself…
Buong weekend, ginawang busy ni Camille ang sarili niya. Nireview niya ang mga notes niya sa school. Tinapos niya lahat ng homeworks niya. Tumulong sa paglinis ng bahay. Lahat ng pwede niyang kaabalahan para hindi lang maisip si Drew ay ginawa niya.Don’t stalk…
In-unfriend ni Camille si Drew sa facebook, twitter, instagram para hindi lumabas sa newsfeed ang mga updates tungkol kay Drew. Bumili din siya ng bagong sim para hindi siya matawagan o makaresib ng text mula kay Drew.Enlarge your friends…
Dahil masyadong maliit ang mundo nila Drew at Camille, nagpasya si Camille na maghanap ng ibang friends. Iniwasan niya muna ang mga dating barkada. Kinaibigan niya ang mga kapwa niya girls. Kahit sa una hirap siya makisama dahil nakasanayan niya ang mga lalaki, sinubukan niya pa rin.Reinvent yourself…
Naging madalas kasama ni Camille ang mga new girl friends. Unti-unting nagbago si Camille…nagkaroon uli siya ng confidence na mag-ayos. Dahan-dahan muli siyang natutong kumilos at magsalita na isang dalagita.
Lumipas ang tatlong linggo, mas matagal sa una niyang pag-iwas nang minsan na rin silang nagkatampuhan ni Drew.
Hindi nakita ni Camille si Drew o ni anino nito. Wala siyang balita tungkol kay Drew.
Nang minsang nakausap niya si Arkin, sinabi nito na sa buong tatlong linggo, ang akala ni Camille na nawala si Drew ay lagi palang sumusunod sa kanya. At isang araw kusang umiwas na lang din ito.
Sumuko na din si Drew?
Hindi agad sumuko si Drew. Naghintay pa ito na magtext o tumawag man lang si Camille. Pero dahil ayaw niyang magulo pa o mainis pa lalo si Camille, nirespeto na lang nito ang desisyon ni Camille. Kaya kusang lumayo na lang din si Drew.
Nang malaman lahat iyon ni Camille, nalungkot siya. Pero hindi siya nagpahalata kay Arkin.
Feeling kasi ni Camille naka-move on na siya. Feeling niya okay na siya uli.
Kaya para saan pa para ma-apektuhan ako?
Pero nang muli niyang makita si Drew…ang lalaking dahilan ng malaki niyang transformation at pagmo-move on…
Nadrawn uli siya dito. Kakaiba ang dating ni Drew. Parang nagtransform din ito. Mas naging mature ang appeal. Parang mas nagbinata ito.
O effect lang ito ng hindi nila pagkikita nang matagal? O dahil namiss niya lang din ito?
Kaya si Camille na dapat ay naka move on na, bakas sa mukha nya na parang na-love at first sight uli siya kay Drew.
BINABASA MO ANG
BAGITO
Teen FictionBagito... Now a TV series in ABS-CBN, Monday to Friday, before TV Patrol. (NOTE: The story in the TV adaptation is modified for a better viewing experience.)